Chapter 31

1.9K 91 1
                                    

New/Dawi POV

    Isang linggo na ang lumipas subalit wala pa rin kaming nakikitang bakas ni Yula.Ginamit na ni Terra ang kaniyang kapangyarihan upang matunton ang kinaroroonan ni Yula subalit bigo pa rin kami.Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong plano o gagawin.

Mag-isa akong pumunta ba rooftop ng apartment.Kailangan kong mag-isip ng panibagong plano.Hindi dapat masayang ang oras namin dito.Pinagmasdan ko ang mga nagkikislapang tala sa kalangitan.Anong gagawin ko,tulungan niyo ko Ama.

Nagsimulang pumatak ang ulan habang napakaaliwalas ng kalangitan at pinalalamutian ng mga bituin.Sa tingin ko'y dininig ni Ama ang aking dasal.Pero sa anong paraan?.

Napatingin ako sa paligid pero wala ako ni isang senyales na nakikita.Nanatili akong nakatayo nang mapagtanto ko ang kasagutan sa aking problema.Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin sanhi upang muli kong manipulahin ang mga ulan.Unti-unti itong bumuo bilang hugis-tao.Wala nga lang itong buhay maliban sa ako ang kumokontrol dito.
   
" humayo ka at hanapin mo ang Dyos ng Hangin para sa akin " utos ko rito.Naglaho ito sa harapan ko.Hindi pa rin ako umalis sa rooftop at ninamnam ang dalang lamig ng ulan.Salamat Ama at binuksan mo ang aking pag-iisip kung ano ang aking dapat gawin.
     
" matulog na tayo " napatingin ako sa nagsalita.Si Ceruz,may dala itong payong upang hindi mabasa.Nilapitan ko ito at inayang bumaba na.

Bago natulog,naligo muna ako upang maiwasang magkasakit.Nagpalit na rin ako ng damit.Pagpasok ko sa aking silid,mahimbing nang natutulog si Ceruz sa aking kama.Bakit dito ito natulog?.

Hindi ko na lamang ito ginising pa at tumabi na lamang sa kaniyang tabi.Matagal bago ako dalawin ng antok kaya hindi ako mapakali sa aking pagkakahiga.Humarap ako sa kay Ceruz at pinagmasdan ang maamo nitong mukha.

Ang mga mahahaba niyang pilik-mata,ang kaniyang matangos na ilong at ang mapupula niyang labi.Mga perpektong parte ng katawan na meron ang isang ito.Hindi nakapagtataka't maraming nabibighani sa kaniya sa Gitnang Kaharian,mga Dyosa,mga nimpa at sirena,mga diwata at kung anu-ano pang nilalang sa aming daigdig.Pero sa isang Dyosa lang tumitibok ang kaniyang puso.Sa kay Akke lang,ang Dyosa ng Bulaklak.Ang babaeng pinakamamahal niya.
   
" mahal mo pa rin ba siya " mahina kong sabi sa kaniya kahit walang katiyakan kung sasagutin ba ako nito.Para akong baliw,alam kong tulog ang isang ito malamang wala akong makukuhang sagot.
   
" nababaliw na ata ako " natatawa kong sabi sa sarili.Babangon sana ako mula sa pagkakahiga ng bigla na lamang ako nitong hinila pabalik sa pagkakahiga.Nagulat ako dahil hindi pala ito tulog.Kung gayon,narinig nito ang sinabi ko.
   
" oo mahal ko pa rin siya... " aniya habang nakatingin sa aking mga mata.Parang tinutusok ng ilang milyong beses ang aking puso sa narinig mula sa kaniya.Inaasahan ko naman iyon pero bakit ngayon apektado pa rin ako.
     
" subalit mas mahal kita " nakangiti nitong wika.Sunod-sunod akong napalunok habang binabasa kung totoo ang sinasabi niya.Napalitan ng malakas na pagtambol ang puso at bigla na lamang naglaho ang sakit na nararamdaman.Hindi ko maipaliwanag kung ano ang tawag sa pakiramdam na ito pero kung ano man ito,hindi ako magsasawang maramdaman ito.
      
" ano? " naiwika ko na lamang.Nilapit nito ang kaniyang mukha sa akin at ngumiti.
 
" mahal kita Dawi,mahal na mahal " aniya.Parang musika ang mga salitang lumabas sa kaniyang mga labi.Iyon ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig sa mula kaniya.
     
" patawad sapagkat matagal bago ko tuluyang mapagtanto.,matagal na kitang mahal subalit natatakot lang ako sa aking nararamdaman kaya pilit kitang binabaliwala " kumpisal nito habang pinaglalaruan ang dulo ng aking ilong.
   
" subalit ngayon kailangan kong maging matapang at ipakita sayo na tunay ang aking nararamdaman,gusto kong magsimula ulit tayo at kalimutan ang nakaraan " aniya.Tuluyan na akong napangiti at isiniksik ang aking mukha sa kaniyang malapad na dibdib.Ito ang araw na inaasam ko,ang marinig mula sa kaniya ang mga salitang nagbibigay sa akin ng walang kapantay na kaligayahan.Ipinikit ko ang aking mga mata at natulog nang mahimbing.

Mahimbing ang aking naging pagtulog kaya maliwanag na ang paligid ng magising ako.Pagmulat ko ng aking mga mata,wala na sa aking tabi si Ceruz.Bigla akong nalungkot.Isang panaginip lang ba iyong nangyari kagabi?.Baka nga.

Bumangon na lamang ako sa aking kama at dumiretso sa banyo.Makalipas ang ilang minuto,lumabas na ako rito at bumaba na.Nadatnan kong abala ang apat sa paglilinis ng apartment.Anong meron?
   
" gising ka na pala " nakangiting salubong sa akin ni Ceruz.May kakaibang ningning sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.Dumapo ang aking mga mata sa suot nito.Hindi ko inaasahang mapapahalakhak ako sa itsura nito ngayon.Nakasuot kasi ito ng apron na hello kitty ang design tapos may nakataling panyo pa sa uluhang bahagi nito.Aaminin ko hindi ito bumagay sa laki ng katawan niya.
  
" ayos ka lang Dawi? " nag-aalalang tanong sa akin ni Eiri.Patuloy pa rinako sa pagtawa habang masama na ang tingin ni Dawi sa akin.
    
" nasira na ata ang pag-iisip " narinig kong sabi ni Alexir.Itinigil ko ang ginagawa at tiningnan ito ng masama.Agad naman itong humingi ng paumanhin.
  
" anong problema? " walang emosyong sabi ni Ceruz.Umayos ako at ngumiti.
     
" wala na-kyutan lang ako sa suot mo " sagot ko.Itinaas lang nito ang isa nitong kilay.Nakalimutan kong hindi pala nito naiintindihan kung ano ang nais kong iparating.
 
" aww ang ibig kong sabihin ang gwapo mo sa suot na iyan,pero mas gwapo ka kung wala kang ganiyan " wika ko rito.At least hindi masyadong nakaka-offend pakinggan.
   
" ayoko,nasisiyahan ako sa kasuotang ito " aniya.Hindi na lamang ako nagsalita pa at tinungo na lamang ang kusina kung saan may mga pagkaing nakahanda.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain nang lumapit sa akin si Ceruz at may ibinulong.
   
" labas tayo mamaya " bulong nito.May pagtataka sa aking mukha ko itong tiningnan.Anong naisipan nito at nagyayayang lumabas.
    
" sige " pagsang-ayon ko na lang tutal siya naman ang lumapit sa akin.May nakasbit na ngiti sa labi nitong iniwan ako sa kusina.Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain.

Naghuhugas ako nang pinagkainan nang lumapit sa akin si Eiri.
   
" may lalaking naghahanap sayo sa labas " wika nito.Naghahanap sa akin?.Sino naman?.Tinapos ko muna ang ginagawa ko at pinuntahan iyong lalaking naghahanap kuno sa akin.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko masyadong nakilala.Nilapitan ko ito at hinarap.Nagulat ako ng makilala ko kung sino ito.

Si Clide.

Wala na iyong makakapal na balbas at ibang-iba na ang awra nito kumpara noong huli naming pagkikita.Ang tanong ko lang ay kung ano ang ginagawa niya dito?.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon