Dawi POV
Nagising ako dahil sa konting yugyog na naramdaman ko sa aking katawan.Kasabay ang maliit na boses na tinatawag ang aking pangalan.Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakangiting si Tay.Imbes na makaramdam ng inis dahil sa pangingistorbo sa aking tulog ay kagalakan ang namayani sa aking puso.Bahagya akong bumangon at sinenyasan itong lumapit sa akin.Nahihiya pa ito habang papalapit.
" hi " mahina kong bati rito dahil mahimbing pang natutulog si Ceruz baka maistorbo at paulanan kami nito ng apoy.Binuhat ko ito at ipinatong sa aking binti.
" Tito New " aniya.Pinagmamasdan ko lang ang kanyang maamong mukha.Napa 'hmm' na lamang ako rito.Bumaba ito sa aking binti at hinila ang aking kamay palabas ng silid.May pagtataka man sa aking isipan ay hinayaan ko na lamang ito.Madilim pa ang paligid.Nakakabingi ang katahimikan.At tanging kami lang ni Tay ang gising sa mga oras na ito.Dinala ako ni Tay sa dalampasigan.Ano naman ang ginagawa namin dito.Gusto ba nitong maligo sa dagat?
" anong ginagawa natin dito baby? " nagtatakang tanong ko rito.Tumigil ito sa paglalakad at iniangat nito ang kanyang ulo upang masilayan ang aking mukha.
" Tito New my mom told mo kagabi na hindi na kita makikita kasi pupunta ka na raw sa far far far far away " malungkot ang boses nito habang sinasabi ang bagay na iyon.Nanlambot ang tuhod ko sa sinabi nya.Sa murang edad ay mabilis nitong naintindihan ang mga bagay-bagay.Ipinantay ko ang aking sarili sa kanya.Lumapit ako rito ng bahagya.Pinunasan ko ang mga tumakas na luha mula rito.
" patawarin mo si Tito New ah kasi totoo yung sinabi ng Mommy mo,aalis ako at pupunta sa far far far far away at baka hindi na makabalik pa " simula ko.
" pero di naman kita papabayaan kasi love na love kita,mananatili ako rito " at itinuro ang kanyang puso
" nakikita mo ba yang mga stars? " tanong ko rito.Itinuon nito ang mga mata sa mga butuing unti-unting kumukubli.
" isa ka pong star? " manghang tanong nya.Ginulo-gulo ko na lang ang kanyang maninipis na buhok.
" hindi,kapag malungkot ka tingnan mo lang yang mga bituin at maaalala mo ako Tay,tandaan mo yan,kahit nasa malayo ako babantayan kita " sinsero kong sabi dito.Yinakap ko na lamang sya.Isiniksik naman nito ang kanyang mukha sa aking dibdib.
" gusto mo makakita ng magic? " tanong ko rito.Gumuhit sa labi nito ang isang linya.Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango.Kumalas si Tay mula sa aking pagkakayakap at bahagyang lumayo upang masilayan ang gagawin kong magic.Halatang excited ito at napacross-finger pa habang hinihintay ang gagawin ko.
" handa ka na? " tumingin ako sa kanya at nabasa ko sa mga mata nito ang excitement.Huminga muna ako ng malalim bago isinagawa ang pagbibigay-aliw sa batang kaharap.Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad.Sumilay ang mumunting asul na liwanag sa mga espasyo sa aking kamay.Manghang-mangha si Tay sa nasaksihan.Naganahan tuloy akong pagbutihin pa ang ginagawa.Ilang sandali pa ay dahan-dahan kong ibinuka ang aking palad.Nagsilabasan rito ang mga iba't-ibang korte at hugis ng aking enerhiya.Lumalaro ito sa pagitan ng aking mga nakabukas na palad.
" hawakan mo " nakangiti kong utos rito.Kanina ko pa kasi syang nakikitang nagpipigil na mahawakan ito.Lumapit ito sa mga iba't-ibang hugis ng aking kapangyarihan at isa-isang hinawakan ang mga ito ayon sa kanyang kagustuhan.Tuwang-tuwa ito ginagawa.Tahimik lang naman akong nakamasid rito.Madami pa akong ipinakita sa kanya at lahat ng iyon ay nagustuhan nya lahat.Isang bagay na lamang ang aking gagawin na tiyak magugustuhan nya.Isang munting regalo mula sa aking puso.
" Tay halika " tawag ko rito na abala sa kakahabol sa mga enerhiyang nagmistulang bula.Agad itong lumapit sa akin.
" bakit po Tito New? " aniya.Kinuha ko ang palad nito at ipinag-isa iyon.Binalot ng liwanag ang aming mga palad.Masaya ako at mukhang hindi na siya makapaghintay sa aking inihandang sorpresa.Nanatiling iisa ang aming mga palad hanggang sa ako na mismo ang naglayo ng sariling palad.