Chapter 54

920 42 0
                                    

Ceruz POV

Bumalik na dating ang lakas ko.Laking pasasalamat ko dahil nandito sa tabi ko si Dawi at hindi siya sumuko sa akin sa kabila ng kaniyang kalagayan.Alam kong wala ng natitirang lakas sa kaniyang katawan dahil sa naging sagupaan nila ni Yula.Masakit man aminin pero nalungkot ako sa ibinalita niya sa akin.Ni Dawi.Hindi ko siya masisisi dahil ginawa niya lang naman ang tama.

Tahimik ang paligid.Wala akong ingay na naririnig maliban sa mga hampas ng hangin.Saksi ang lugar na ito kung paano ko sinubukang talunin si Polo.Subalit sa kabila ng aking ginawa ay wala akong magawa upang pigilan ito.Malakas ito.Hindi.Napakalakas nito.Hindi ko matumbasan ang kaniyang kapangyarihan.Hindi ko mawari kung anong ginawa niya upang maging ganoon kalakas.At ayon na rin sa naging salaysay sa akin Dawi,ganoon rin ang kaniyang naging sitwasyon sa kay Yula.

Mayroong kakaibang nangyayari sa alagad ng kadiliman.Nakatayo pa rin kami ni Dawi habang sinasayaw ng hangin ang mga hibla ng aming buhok.Nasa ganoon kaming kalagayan ng bigla na lamang may sumabog sa aming harapan.Dali-dali kong prinotektahan si Dawi gamit ang aking kalasag.Ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyang naglaho ang mga makakapal na alikabok at iniluwa roon ang isang pamilyar na mukha sa kabila ngagbabagong anyo nito.Wala akong mabasang emosyon mula rito.

Nilapitan kami nito.Nagsukatan kami ng tingin ngunit wala akong nararamdamang tensyon sa pagitan namin.Parang binabasa lamang nito ang kung anong emosyon ang nasa aking mga mata.Ilang sandali pa,naramdaman ko ang paggalaw ni Dawi.Mula sa kaniyang pinagtataguan ay lumabas siya rito.Nagulat pa siya ng makita ang presensya ng lalaki.
   
" Evan " aniya.Tumango-tango ito bago naglaho.Batid ko kung sino ang kaniyang kinakalaban.Alam ko kung kanino enerhiya ang bumabalot dito.

Pangalawang pagkakataon ko na ito at sana'y hindi ito masayang.Ayokong biguin si Dawi.Ngunit,alam ko sa sarili kong hindi ko matutumbasan ang lakas na mayroon si Polo.Higit na makapangyarihan siya ngayon.Sandali akong nag-isip.Kinakalkal ang mga natatagong kaalaman sa aking isipan.Nasa ganoon akong estado nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Dawi sa aking palad.Gumawi ang tingin ko sa kaniya.May pag-aalala sa mga mata nito.Binigyan ko siya ng ngiti na nagmumula sa aking puso.Wala na rin itong nagawa kung hindi ang ngumiti.Sandali akong naestatwa sa aking kinatatayuan ng may sumagi sa aking isipan.Posible ko kayang gamitin iyon?.
    
" Dawi kaya mo pa bang lumaban? " wika ko.Kumunot lang ang noo nito sa narinig.Huwag niya sanang mamasamain ang aking sinabi.
  
" kung pakasusuriin hindi na Ceruz subalit sa tingin ko naman kaya ko pa naman " aniya.Napangiti ako.
      
" may plano ako " wika ko rito at ipinaliwanag ko nga sa kaniya kung ano ang nasa aking isipan.Sa una parang nag-aalinlangan siya dahil parang imposible naman daw niyon subalit kalauna'y mukhang naniniwala naman siya sa akin.
     
" magtiwala ka sa akin Dawi " seryoso ang tono ko habang isinasawika ang mga salitang iyon.

Ngumiti muna ito sa akin bago isinagawa ang aming plano.Pinanood ko lang ito.Ikinumpas nito ang kaniyang kamay sa hangin at tila isinasayaw niya ang mga ito.Wala naman akong naririnig na musika ngunit nakakadala ang paggalaw ng kaniyang mga darili.Sa bawat pilantik ng kaniyang darili ay may namumuo ritong mga orbeng kulay bughaw.Dumadami ang mga ito habang tumatagal.Ilang sandali pa ay nasilaw ako sa biglang pagliwanag ng buong katawan ni Dawi.Nagliliwanag ang buo niyang pagkatao.Ginawa ko na rin ang sa akin.

Iwinasiwas ko ang aking espada at ilang sandali pa at lumikha ito ng bilog na apoy sa pagitan ng aking ulo.Unti-unti itong nalusaw at tila nilalamon ang buo kong pagkatao.Binalutan na ang aking katawan ng nagbabagang apoy.At katulad ng nangyari sa kay Dawi ay unti-unti akong lumiwanag.Ramdam ko ang kakaibang lakas kapag ginagawa ko ito.

Nilapitan ko si Dawi na nakatingin lang sa akin.Sa kabila ng pagbabagong anyo nito,andoon pa rin ang Dawi'ng minahal ko,mahal ko at mamahalin ko.Niyakap ko ang kaniyang nagliliwanag na katawan.Nararamdaman kong unti-unting nilalamon ng kapangyarihan ko ang kaniyang sistema.Hindi ito nagreklamo o nagprotesta man lang.Ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili sa akin at ganoon din naman ako.Sa labang ito,kaming dalawa ang magkakampi.Walang iwanan.Tuluyan ko ng niyakap ang kaniyang kapangyarihan at nararamdaman ko na mas lalong lumakas ang enerhiyang nananalaytay sa aking sistema.Ibang dulot ang kapangyarihan ni Dawi na naglalaro sa bawat parte ng ugat ko.Naghahalo ang init at lamig.Kakaiba sa pakiramdam.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon