Ceruz POV
Nagulat ako sa ginawa ni Dawi.Makikipaglaban siya sa ilalim ng lawa.Alam kong kontrolado niya ang lahat ng uri ng tubig subalit,hindi niya kilala kung sino ang kinakalaban niya,isa siya sa mga Dyos ng Kailaliman at sa pagkakatanda ko'y isa siya sa mga anak ni Haring Asqura,si Polo ang Dyos ng Kadiliman.
Bagaman hindi ko pa siya nakakalaban subalit may naririnig na akong mga kuwento tungkol sa kaniya.Makapangyarihan at walang katumbas na lakas ang namamayani sa katauhan ni Polo at aaminin kong wala kaming laban dito.Pero alam kong mayroon pang paraan upang mapigilan namin ang binabalak nila.At iyon ay aming aalamin.Bumaba ako mula sa himpapawid at naghintay sa maaaring mangyari.Pinagmasdan ko ang kalagayan ng lawa subalit wala naman akong nakikitang pagbabago sa pisikal na anyo nito.
Mula sa pagkakatayo,agad akong napaatras dahil sa malakas na pagsabog mula sa ilalim ng lawa.Nahati sa dalawa ang lawa at iniluwa roon si Dawi habang si Polo naman nanatiling nakatayo sa paanan ng lawa.
" hindi ko sukat akalain na may ibubuga ka pala " nanghahamong sabi ni Polo sa kay Dawi.Isang tipid na ngiti lamang ang naging sagot ni Dawi sa kaharap.Muling ikinumpas ni Dawi ang kamay sa hangin at ilang sandali pa'y pinalibutan ito ng mga tubig.Dali-daling sinugod ni Dawi si Polo at mabilis na inambahan ng mga suntok subalit sadyang maliksi at magaling si Polo kaya nagagawa niyang maiwasan ang mga suntok mula sa kay Dawi.Hindi puwedeng wala akong gawin dito habang nakikita kong nahihirapan si Dawi sa pakikipaglaban.Wala dapat masayang na oras.
" andito na ako " dumapo ang mga mata ko sa nagsalita.Si Alexir.
" tapusin na natin ito " seryoso kong sabi.Muli kong binuhay ang aking kapangyarihan hanggang sa binalot ako nang nagbabagang apoy.Inilabas ko ang aking sandata at naghanda.Samantalang si Alexir naman ay inilabas ang kaniyang sandatang mahabang sibat.Ngayon kailangan na namin itong seryosohin.Magkahiwalay naming nilisan ang kinaroroonan at mabilis na sinugod si Polo.Hindi niya inaasahan ang aming pag-atake kaya hindi niya nagawang makaiwas.Iwinasiwas ko ang aking sandata at saktong dumampi ito sa likurang bahagi niya.Napaluhod ito subalit agad din namang naglaho upang makalayo.Lumapit sa akin si Alexir at Dawi.
" nasugatan mo? " tanong ni Dawi.
" siguro " magsasalita pa sana si Alexir ngunit hindi na nito nagawa dahil agad ko itong hinila palayo.Ang sumunod na pangyayari ay ang pagkaroon nang napakalakas na pagsabog at mula iyon sa kapangyarihan ni Polo.Nasa himpapawid ito habang ang mga mata'y naniningkit na nakatingin sa amin.Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dawi at agad itong sumugod.Nakisali na rin kami sa labanan.Kinuyom ko ang aking kamao at akmang susuntukin na si Polo subalit naunahan ako at agad akong ginamitan ng kapangyarihan nito dahilan upang muli akong bumagsak sa lupa.Tumayo ako at muling bumalik sa itaas.Naging maingat ang mga galaw ko habang nakikipaglaban sa kay Polo.Ibang-iba ang ginagamit na pamamaraan sa pakikipaglaban ni Polo kaya medyo nahihirapan ako.Maging si Alexir ay ganun rin.Lumayo muna ako ng bahagya at pinag-aralan ang mga galaw at ang ginagawang pamamaraan ni Polo.Dumapo ang tingin ko sa kay Dawi na seryosong nakikipagbakbakan rito.Alam kong pagod na sya pero wala syang magagawa dahil kaming tatlo na lamang ang maaasahan sa ngayon.
" Polo paano ka nga ba namin matalo? " bulong ko sarili.Nanatili akong ganoon hanggang sa unti-unti ko ng matutunan ang ginagawang pamamaraan ni Polo.Sa bawat pwersang lumalabas sa kanyang katawan ang syang pagmamanipula nya sa kanyang kapangyarihan.Kung ganun,gayahin natin.Maliban rito,alam ko na kung saan ang kanyang kahinaan.Kapag hindi mo mapatumba sa harapan,gawin mo sa likuran.Linapitan ko si Alexir at binanggit ang plano ko rito.Kailangang makuha nila ang atensyon ni Polo ng sa gayun magawa ko ang aming plano.Hindi nga ako nabigo dahil parang mas naging determinado si Alexir na talunin ito,maging si Dawi.Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa habang ako naman ay humahanap ng pagkakataon na magawa ang nasa plano.Saglit huminto ang labanan.Kapwa habol ang hininga ng dalawang panig.Tiningnan ko si Polo at kasulukuyang nakakuyom ang mga kamao nito.Halatang galit na sa nangyayari.At tinapunan ko rin ng tingin ang dalawa kong kasama.Nakaramdam ako ng awa sa kay Dawi dahil may mga sugat na ang katawan nyo at galos.Kailangan na matapos ito.
" ano!?pagod na ba kayo?! " sigaw ni Polo.
" ok " naisawika na lamang ni Alexir at muli nitong sinugod si Polo tsaka naman sumunimod si Dawi.Naging mainit ang labanan hanggang sa biglang bumagsak si Dawi.Bigla akong nataranta at agad itong nilapitan.
" Dawi ayos ka lang?! " nag-aalala kong tanong rito.Sa kabila ng natamong pinsala sa katawan,sinubukan pa rin nitong tumayo.Hinayaan nitong bigyan ng panpaunang lunas gamit ang kanyang kapangyarihan ang natamo nitong sugat sa kanyang tiyan.
" tapusin na natin ito " tumayo ito at muling sumugod.Unti-unting pinaligiran sila ng mga tubig,pagkatapos nun ay nagmistulang may mga buhay ang mga butil ng tubig at kusang sinugod si Polo.Hindi ito nakaligtas sa kapangyarihan ni Dawi.Nagpatuloy lang ito hanggang sa itinigil ni Dawi ang pagmamanipula.Sugatan ang katawan ni Polo,ito na ang hinihintay kung pagkakataon.Nasa sitwasyong wala pang lakas si Polo kaya gagamitin ko yung oportunidad upang gawin ang plano.Ilinabas ko ang kutsilyong nakatago sa aking tagiliran at agad na naglaho.Agad kong isinaksak ito sa likuran ni Polo ng hindi nya namamalayan.Nanatili kami sa ganoong posisyon habang hindi binibitawan ang nakasaksak na kutsilyo sa kanyang likod.
" nagulat ba kita....Polo?? " bulong ko rito at mas idiniin pa ang kutsilyo rito.Napadaing na lamang ito sa sakit na nararamdaman.Tinanguhan ko si Dawi at alam kong naiintindihan nya ang nais kong iparating.Ikinumpas nito ang kanyang kamay at lumikha ito ng napakalakas na enerhiya.Inipon nya ito sa kanyang uluhan at buong lakas na ipinatikim sa kay Poli.Agad ko itong nilisan at hinayaang mabagsakan ito ng kapangyarihan ni Dawi.Ang tanging narinig na lang namin ay ang mapinsalang pagsabog sa ibaba.Sinalubong kami ni Eiri sa ibaba na may lungkot sa mga mata nito.Hindi ko mawari ang nais nyang ipabatid sa kanyang mga mata.Imbes na galak ay ganito ang masasalubong namin.
" bakit? " nagtatakang tanong ni Dawi rito.
" wala...nahihiya lang ako kasi wala akong naitulong sa inyo " kumpisal nito.
" meron " wika ni Dawi.
" tinulungan mong iligtas si Terra mula sa mga pinsalang natamo mo at sana matulungan mong pagalingan ang mga taong nasugatan at nadamay sa mapinsalang labanang ito " patuloy pa nito.Naglaho na ang mga kapangyarihang bumabalot sa amin at muli kaming bumalik sa dati.
" susubukan ko " aniya.Ikinumpas nito ang kanyang kamay sa himpapawid at kasabay nito ang syang pagliwanag ng kalangitan.Parang umulan ng luminag at sa bawat bagay na madapuan nito ay makakaramdam ka ng kaluwalhatian habang di mo namamalayan na hinihilom na nito ang mga sugat na iyong natamo.
" asan si Terra? " tanong ko rito.
" andito ako " sagot ng isang lalaking nakasandal sa isang gumuhong poste.
" ibalik mo na sa dati ang lahat " utos ko rito.Sandaling napaisip at agad rin namang tumalima sa iniutos ko.