New POV
Nagpaalam na ako kay Welo nang dumating si Ken kung saan ako ngayon naroroon.Siya ang kinontak ko kanina upang sunduin ako rito.Nagtataka nga kung bakit ako narito pero sabi ko mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya pagdating niya.
" maraming salamat Welo sa lahat nang tulong na ibinigay mo " buong puso kong pasasalamat rito.Ngumiti muna ito bago nagsalita.
" walang anuman " aniya.Hindi na rin kami nagtagal doon ni Ken at nilisan na namin ang nasabing lugar." kain ka muna " alok sa akin ni Ken sabay abot ng isang supot na nasa tabi nito.
" salamat " wika ko.Mga pagkaing kakanin ang laman ng supot kaya biglang lumiwanag ang araw ko.Napangiti na lamang si Ken sa inasta ko.
" makikinig ako " biglang wika ni Ken.Natigilan ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya.
" iyong iku-kwento mo " dagdag niya pa.
" kung paano ka napunta doon sa bahay ng lalaking iyon at bakit may mga sugat ka diyan sa mga braso't leeg mo " paglilinaw nito.
" ano kasi kagabi tinambangan ang sinasakyan kong jeep ng mga holdaper kaso nanlaban ako kaya heto napala ko " gawa ko ng kwento.Palagi na lang ba ganito ang mangyayari sa akin sa tuwing sasapit ang kaarawan,palaging prone sa disgrasya?.
" bakit hindi mo kami tinawagan? " mahina nitong sabi habang nakatingin sa akin.Mababanaag sa mata niya ang lungkot at pagkabahala.Nauunawaan ko ang kaniyang nararamdaman ngayon,kasalanan ko naman talaga.
" sorry na-lowbat ang phone ko kaya hindi ko na nagawang tumawag,mabuti nga at hindi nila nakuha kagabi " hingi ko nang paumanhin rito.Nginitian lang ako nito.Bago ako nito hinatid pauwi,dumaan muna kami sa malapit na ospital.Nag-aalala raw siya sa kalagayan ko baka kasi may naging injury na naman ako.Pero nang lumabas ang resulta maging ako ay nagulat din dahil normal naman ang katawan ko.Walang fracture sa buto ko o kahit anong bali.Sa pagkaalala ko parang nabali yung rib ko kagabi dahil sa pagtalon ko mula sa bumibiyaheng jeep.
Hindi na nito pinaunlakan ang alok ko na magmeryenda muna sa bahay.Nagpaalam na lamang ito dahil may imi-meet daw siya.Pagkaalis nito,pumasok na ako sa loob at napaupo sa sofa.Birthday ko na pala bukas,mag-isa na naman ako.May mga kaibigan nga ako pero sa araw na iyon lagi silang busy.Minsan naman nadoon ako sa amin.
Pumanhik na ako sa itaas at ichinarge muna ang phone bago naligo.May mga bahid pa ng dugo ang shirt ko.Nanatili muna ako ng ilang minuto sa loob ng banyo.Nakaramdam ako ng kaginhawaan habang bumabagsak sa katawan ko ang malamig na tubig.Kakaiba ang dulot ng tubig sa katawan ko,parang hinihilom nito ang kung anong meron sa katawan ko.Nanatili lang ako doon habang niyayakap ang kalamigan ng tubig.
Abala ako sa panonood ng TV ng may marinig akong sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan ng apartment ko.Tumayo ako at pinagbuksan ito.Bumungad sa akin sina Anika at Clide.Malamig ang mga tinging sumalubong sa akin mula rito.
" oh anong meron? " takang tanong ko sa kanila.Nakataas kasi ang isang kilay ni Anika habang nakatingin sa akin.Napadapo ang paningin ko sa katabi nito.Si Clide.
Nakatingin din ito sa akin subalit wala akong mababanaag na kahit anong reaksyon mula rito.Anong problema ng mga ito?
" wala ka bang balak na papasukin kami? " wika nito.Wala na akong nagawa kung hindi ang luwangan ang pagkakabukas ng pinto.
" water o juice " tanong
" hindi kami pumunta rito para sa juice mo " diretsang sabat ni Anika.Problema nito at nagtataray na naman.
" hmm sige anong sadya niyo kung ganoon at naparito kayo na wala man lang pasabi? " taNong ko." so magmamaang-maangan ka pa? " matigas na wika ni Clide.
" sinabi na sa amin ni Ken ang nangyari sayo kagabi " dugtong pa ni Anika.Kaya pala.
" nangyari na iyon wala na tayong magagawa pa roon Anika "
" ano ka ba New,nag-iisip ka ba?bakit parang wala lang sayo ang nangyari?muntikan ka nang mamamatay tapos parang wala lang sayo? " sumabog na si Anika.Iyon ang sinadya nila rito kung ganoon.Totoo namang wala na akong magagawa kasi nangyari na ang kung ano ang nangyari ng gabing iyon.Bakit pa nila kailangan ungkatin?.
" hindi ko naman inaasahan na ganoon ang mangyayari hindi ba?kasalanan ko ba? " paliwanag ko.
" ayan ka na naman sa pagiging pilosopo mo New,mahirap sayo e seryoso kami rito tapos sayo parang biro lang ang lahat " pagsingit naman ni Clide na mababakas ang pagkainis sa boses nito.One versus two?Unfair ah.
" ang ikinagagalit ko pa ay bakit hindi mo man lang kami tinawagan?kaibigan mo kami New pero bakit parang wala lang kami para sayo? " may bahid na lungkot na wika ni Anika.Nakaramdam ako nang guilt sa narinig.Tama nga naman siya pero sa tingin niyo ba magagawa ko pang tawagan sila kapag nasa ganoon ka nang sitwasyon?.
" kaibigan ba talaga ang turing mo sa amin New? " mahinang tanong ni Anika habang nakatingin sa akin.
" oo naman,kailan pa naging tanong ang tungkol sa bagay na iyan? " seryoso kong sagot rito.Sila lang ang mga kaibigan na meron ako at walang makakapag-kwestyon kung ano ang turing ko sa kanila.
" ngayon kinukwestyon niyo na ang pagkakaibigan natin " patuloy ko pa rito.
" huwag mong ibahin ang usapan New " wika ni Clide.
" kaya ba kayo pumunta rito ngayon para pag-awayan ito? " tanong ko sa kanila.Natahimik ang dalawa.Walang gustong magsalita.
" pagod ako ngayong araw na ito,gusto kong magpahinga " wika ko at iniwan silang dalawa.Pumanhik na lamang ako sa itaas at ibinagsak ang katawan sa malambot kong kama.Anong klaseng buhay naman ito,pati mga kaibigan ko sumasabay sa problema.Wala naman akong intensyon na ilihim sa kanila ang nangyari sa akin pero bakit naman humantong dito.
" arrgh!! " sigaw ko na lamang sa sobrang frustration at stress na nararamdaman.Lumipas ang maghapon na nakakulong lang ako sa kwarto ko.Hindi na ako nananghalian dahil wala naman akong ganang kumain.Ukupado ang sistema ko ng mga problema ko sa buhay.Magpahinga na lang kaya ako?.
Pagsapit ng alas-sais ng gabi,naisipan ko nang bumaba.Madilim na ang paligid at mukhang ang tahimik ng ilang tenants.Mabuti naman kung ganoon.Dumiretso ako sa kusina at nagsaing para sa hapunan ko.Habang hinihintay maluto,inabala ko muna ang sarili ko sa panonood.
Natigil ako sa ginagawa ng may mapansin akong sobre na nakaipit sa malapit na plorera.Kinuha ko ito at binuksan,isang birthday card mula sa kay Anika.Hindi na ako nagdalawang-isip at agad kong binasa ang nilalaman ng card.Sunod-sunod na nagsilaglagan ang mga luha ko sa madamdaming nakahayag sa sulat.