New/Dawi POV
" Dawi saan ka pupunta?! " narinig kong sigaw ni Terra ng bigla na lamang akong umalis sa grupo.Hindi ako pwedeng magkamali.Sigurado akong siya iyon.Napahinto ako sa aking paglalakad ng hindi ko na mahagip ang pigura ng taong sinusundan ko.Teka nasaan na iyon pumunta.Inilibot ko ang aking mga mata sa kumpol ng mga tao subalit hindi ko ito mahanap.New baka namamalik-mata ka lang.
Akmang babalik na ako nang mahagip ng aking mga mata ang taong kanina ko pa hinahanap.Nagtama ang aming mga mata.Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kaniya.Parang huminto ang oras habang papalapit ito sa akin.Sinubukan kong ikilos ang aking mga paa pero may kung anong dahilan at hindi ko man lang maiangat o maihakbang ang mga ito.Namalayan ko na lang ang sarili na nasa bisig ng taong hinahanap ko.
Si Clide.
" totoo ba ito?New?hindi ba ako nanaginip? " umiiyak na wika nito habang nakayakap sa akin.Hindi ko pa rin maramdaman ang sarili ko.Pagkabigla ang tanging namayani sa aking sistema ngayon.
" mabuti't bumalik ka na,saan ka ba galing?bakit ngayon ka lang nagpakita " patuloy pa rin ito sa pag-iyak.Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at hinarap siya.Pinunasan ko gamit ang aking mga daliri ang kaniyang mga luhang sunod-sunod na nagsisibagsakan.Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.
" sssh tahan na Clide,nandito na ako,huwag ka nang umiyak na parang bata,marami ng taong nakatingin sa atin " sa kabila ng aking sinabi'y hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak.Para itong batang iniwan ng ina.
" bakit ngayon ka lang " sumbat nito.Hindi ko ito sinagot bagkus hinila ko na lamang ito palayo sa mga tao.Dinala ko siya sa labas ng mall.
" tahan na " unti-unti na itong tumigil sa pag-iyak.Inayos nito ang sarili at pagkatapos ay muli akong ikinulong sa kaniyang mga bisig.Bagama't pitong taon na ang lumipas,hindi pa rin nagbabago ang pabango nito.Ganoon pa rin.Kapansin-pansin lang ang pagbagsak ng katawan nito.Kumalas ito mula sa pagkakayap at pinagmasdan ang mukha ko.
" totoo ba ito? " tanong niya ulit.Ngumiti at tumango lamang ako bilang tugon.
" sapakin mo nga ako " aniya.Ginawa ko naman ang sinabi niya kaso napalakas nga lamang.
" aray! " daing nito at hinawakan ang kaniyang pisngi.
" totoo nga! " masaya niyang sabi.
" New? " napalingon ako sa nagsalita.Kung hindi ako nagkakamali.Si..
" Anika!? " gulat kong tawag sa pangalan nito.Mabilis ko itong nilapitan at niyakap.Na-miss ko ang babaeng ito.Bigla na lamang itong umiyak habang nakayakap sa akin.
" bakit ngayon ka lang! " muling tanong nito.Katulad kanina hindi ko siya sinagot dahil sa tingin ko'y hindi naman nila ako maiintindihan.Pagkatapos ng madramang scenario,kumalas na kami sa bisig ng isa't-isa.At napatawa na lamang.Inayos nito ang sarili bago ako muling hinarap.May pagtataka ko siyang tiningnan ng mapansing may kasama itong isang batang lalaki na nasa 5 or 6.Nakatingin ito sa akin habang nakubli sa likurang bahagi ni Anika.
" ay oo anak ko,si Tay " pakilala nito sa kaniyang anak.Kaya pala ang laki ng pinagbago ni Anika,isa na palang ina ang kaibigan ko.
" hi Tay " nakangiti kong bati dito at ipinanatay ang sarili sa height ng bata.
" say hi to your Tito New " nakangiting utos ni Anika sa kaniyang anak.
" hi Tito New " nahihiyang bati ni Tay sa akin.Napangiti na lamang ako dahil first time kong tawaging tito lalo pa't mula sa isang cute na bata.Ang sarap lang sa pakiramdam.
" ang cute mo naman " puri ko sa bata at pinagmasdan ang kaniyang maamong mukha.Teka bakit kamukha siya ni Clide?.Bakit magkahawig sila?.Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba't katanungan dito sa aking dibdib.Tiningnan ko ulit ang bata sa aking harapan.Kamukha talaga e.Hindi ako puwedeng magkamali.
" Tay nasaan si Papa mo? " tanong ko sa bata.Kailangan kong malaman kung tama ba ang hinala ko o hindi.Tumakbo ito patungo sa lugar kung saan nakatayo si Clide.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko.Sunod-sunod akong napalunok at pinagpawisan.Tiningnan ko si Anika pero iniiwas nito ang kaniyang mga mata.May tinatago ba sila sa akin.Bakit ganito ang pakiramdam ko?Bakit parang may mali.
" Tito New ito po ang Papa ko " nakangiting pakilala ni Tay sa kaniyang Papa na walang iba kung hindi si Clide.
" b-bakit?p-paano? " gulat kong tanong sa kanilang dalawa.Pagkagulat ang nararamdaman ko ngayon.Paanong si Clide at Anika nagkaroon ng anak?.Sumisikip ang dibdib ko sa rebelasyon ng dalawa.Hindi lang ako makapaniwala.Nangangatog ang tuhod ko at hindi ko magawang maigalaw.Pakiramdam ko kagagaling ko lang sa isang marathon at kailangan kong habulin ang aking hininga.Ang gusto ko lang ngayong gawin ay umalis sa harapan nila dahil ayaw talagang magsink-in ng mga nangyayari ngayon sa akin.
Napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili.Huminga ako nang pagkalalim-lalim bago muling iminulat ang aking mata.At sa pagkakataong ito,mukha ni Ceruz ang bumungad sa akin.Heto na naman,nagsisimula na namang may mamuong luha sa aking mga mata.Hindi,hindi ka na puwedeng umiyak ngayon New.Tapos ka na diyan.Nilapitan ko si Ceruz at mabilis na yinakap.
" anong nangyari? " nag-aalalang tanong nito sa akin.Wala akong lakas upang sagutin ang kaniyang tanong.Ang kailangan ko lang ngayon ay makaalis sa lugar na ito.
" uwi na tayo " anyaya ni Ceruz.Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kaniya bago namin lisanin ang lugar na iyon.Sa ngayon,kailangan ko munang lumayo.Gamit ang kapangyarihan ni Ceruz,dinala niya ako sa tabing-dagat.Sinalubong ako nang malamig na hangin mula sa malawak na karagatan.Nanatili kaming nakatayo habang pinagmamasdan ang paghampas ng mga alon.
" anong nasa isip mo ngayon? " tanong ni Ceruz." madami "
" may maitutulong ba ako? "
" wala " tipid kong sagot sa kaniya.Nanatili lang kami sa ganoong sitwasyon.Nagsimula na akong maglakad papunta sa dagat.Pakiramdam ko'y tinatawag ako ng dagat.Isa-isa kong hinubad ang aking mga damit at tanging boxer lamang ang naiwang saplot sa aking katawan.Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at sinimulang manipulahin ang tubig.Sinimulang balutin ako ng malamig na tubig-dagat at nagpatianod lamang ako.Nanatili ako sa ilalim ng dagat upang maibsan ang sakit na nararamdaman.Tubig lang ang nakikita kong paraan upang kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.Ganito ang realidad New,ganito ang buhay sa mundong ito kaya siguro kailangan ko na lang tanggapin ang lahat ng mga ito.
Bumalik na ako sa dalampasigan.Sinalubong ako ni Ceruz at iniabot ang aking mga damit.
" tagal mong umahon " kinuha ko ang aking mga damit at sinimulang isuot.
" uwi na tayo " nakangiti kong anyaya sa kaniya.
" mabuti naman at ngumiti ka na " lumapit sa akin si Ceruz at hinawakan ang aking kamay.At muli,naramdaman ko na naman ang malalakas na pagtambol dito sa aking dibdib.Ang init na nanggagaling sa kamay nito ay naghahalo sa lamig na nagmumula sa aking katawan at ang kinalabasan ay napakapayapang pakiramdam.