Dawi POV
Dahil sa panibagong anyo ni Yula ay mas lalo pang lumakas ang kapangyarihan nito kumpara sa akin.Sa pagkakataong ito,lahat ng atakeng ginagawa ko ay naiiwasan niya at ang bawat sipa at suntok na natatanggap ko mula rito ay dalawa o tatlong beses na mas malakas kumpara sa normal na lakas noong siya'y hindi pa nagbabagong-anyo.Maging ang aking kapangyarihan ay nagagawa niya na ring pantayan.
" hahahahahaha! " umalingawngaw sa himpapawid ang bilog na boses nito habang pinalilibutan ng mala-butil ng enerhiya sa kaniyang likod.Kasalukuyan akong nakatayo habang hawak-hawak ang aking sandatang mapurol.
" ano Dawi!pagod ka na ba?!natatakot ka na ba?! " panunudyo nito.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi dahil abala ako sa pag-iisip ng magandang estratehiya upang matalo ko ito.Nasa ganoon akong posisyon ng bigla na lamang akong tumilapon at bumagsak sa isang gusali ng hindi ko napansin ang kaniyang biglang pagpakawala ng kapangyarihan.Itinukod ko ang aking tabak bilang suporta upang makatayo sa kabila nang pamamanhid ng parteng natamaan niya.Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod sapagkat unti-unti na akong nawawalan ng lakas.Masyadong marami ang lakas na nailabas ko ng magpakawala ako ng sunod-sunod na kapangyarihan.Akala ko sa pamamagitan niyon ay matatalo ko ito ngunit hindi,dahil walang laban ang kapangyarihan ko sa estado nito ngayon.Sandali akong natahimik dahil para bang bumabalik na naman ang awa ko para sa aking sarili.Ganito na lang ba lagi?Dawi lagi ka na lang bang magiging ganito sa mga sitwasyong halos lugmok ka na?Lagi mo na lang binababa ang tingin mo sa sarili mo.
Sumagi sa isipan ko ang wangis ni Ceruz.Dahil sa aking iniisip,sigurado akong aabot ako sa puntong mawawalan ako ng tiwala sa aking sarili at sa aking kakayahan.Ngunit sa tuwing sumasagi sa isip ko ang maamong mukha ni Ceruz ay tila ba lahat ng problema at hinanakit ko ay naglalaho.Tama,hindi ako puwedeng sumuko dahil nariyan sa tabi ko si Ceruz maging ang aking mga kaibigan.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang mapansin ang sunod-sunod na pagpapakawala ni Yula ng kaniyang kapangyarihan.Mabilis kong ikinumpas sa hangin ang aking kamay at ilang saglit pa ay lumikha ang kapangyarihan kong tubig ng isang kalasag.Sa kabutihang-palad ay naging daan iyon upang masangga ko ang malalakas na enerhiyang mayroon ang kapangyarihang iyon.Hindi pa nakuntinto si Yula at muli na naman itong nagpakawala ng kaniyang kapangyarihan at sa pagkakataong ito ay mas marami na itoHindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon at agad akong tumayo sa aking kinabagsakan at mabilis na tumakbo para iwasan ang sunod-sunod nitong pag-atake na lumikha ng malakas na pagsabog sa mga gusaling ligaw na natamaan.
Bumwelo ako at ikinumpas ang aking kamay sa hangin.May namumuong enerhiya sa pagitan ng aking palad at habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas.Ng matyansa na ang lakas neto at saka palang ako umatake patungo sa kinaroonan ni Yula.Mabilis kong pinakawalan ito at agad na naglaho.
" ito lang ba ang kaya mong gawin? " aniya habang inihahanda ang sarili nito upang higit na lampasan pa ang kapangyarihan ko.Tila may buhay ang kapangyarihan ko at hindi pa man ito nakakalapit sa kinaroroonan ni Yula ay unti-unti itong lumaki ng mahigit sampung beses sa laki nito nung nasa aking kamay pa lamang.Alam kong nagulat si Yula sa biglaang paglaki nito at hindi pa doon nagtatapos ang sorpresa ko para sa kanya.Ng tuluyang makalapit ang aking kapangyarihan sa kanya,isang ngisi ang tumakas sa aking labi at ilang sandali pa ay sumabog ito sa kanyang katawan.Naghiwa-hiwalay ang mga namuong enerhiya at kumapit sa kanyang katawan.Pilit nyang iwinawasiwas ang mga ito sa kanyang katawan subalit para itong linta na mahirap tanggalin.Nagpatuloy sa paglapit sa kanya ang aking kapangyarihan hanggang sa mukha na lamang nito ang aking natatanaw.Binalutan na nito ang buo nyang katawan.
Ikinumpas ko ang isa kong daliri sa hangin at itinutok sa gawi ni Yula.Bumibilang ako sa aking isipan.Isa...dalawa....tatlo.Wala na akong ibang narinig maliban sa sunod-sunod na pagputok ng aking enerhiya sa kanyang katawan.Parang musika sa aking tenga ang bawat sigaw ni Yula.Katulad ng nakagawian,pinanood ko lamang ito habang patuloy na nagsisiputukan ang aking kapangyarihan sa kanya.Matagal ko na itong pinag-aaralang teknik na itinuro sa akin ni Ama.At sa tingin ko ay matagumpay ko itong natutunan.
" papatayin kita Dawi!! " sigaw nya at bigla na lamang nagsilusaw ang aking kapangyarihan sa kanyang katawan.Mas lalong lumakas ang kanyang pwersa at mas binalutan sya ng makakapal na itim na usok.Hindi ako pwedeng mabahala sa kanyang lakas ngayon.Sabi ni Ama,mas daig ng matalino ang malakas kaya papatunayan ko yun ngayon.Dyos ako at isa rin syang Dyos kaya alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan.Inilabas ko ang aking espada at inihanda ang susunod na pag-atake.