Chapter 14

2.3K 96 0
                                    

New POV

    Dinala ako ng mga paa ko sa bar na madalas naming tambayan.Naupo ako sa medyo madilim na sulok nito habang nilalagok ang isang bote na inorder kong alak.Minsan lang ako uminom kaya medyo mababa ang tolerance ko sa alcohol.Nakakadalawang bote palang ako pero pakiramdam ko umiikot na ang paligid ko.Pero dahil sa nararamdaman,hindi ko pinigilan ang sarili kong magpakalunod sa alak.Kahit ngayon lang makalimutan ko lahat nang problema ko.

Maingay at magulo ang buong paligid kaya mas nakadagdag pa sa sakit ng ulo.Pero kung sabagay ganito naman hindi ba dito sa bar.Wala namang bar na tahimik.Ginagawang maingay ang bar upang maramdaman ng mga tao ang kasiyahan,para makalimutan ang mga pinagdadaanang problema,mga sakit na nararamdaman kahit isang gabi lang.

Lumipas ang mga oras na alak ang kasama ko.Umalis muna ako sandali para pumunta sa banyo.Tumayo na ako pero mabilis din namang napabagsak sa kinauupuan nang maramdamang umiikot ang buong paligid.Takte naman naiihi na ako.Sinubukan ko ulit at sa  pagkakataong ito nakahawak na ako sa pader.Dumiretso ako sa CR at pumasok sa isang cubicle at inilabas ang naipong ihi.Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa mesa ko pero sa pagkakataong ito may mga tao nang nakaupo rito.
 
" teka pwesto ko ito ah! " bulyaw ko sa mga ito.Napatingin ang mga ito sa akin.Tumayo ang isang lalaki at bigla na lamang ako tinulak dahilan upang mapaatras ako.
   
" bakit sino ka ba? " wika nito habang dinuro-duro ako.Mabilis ko naman siyang tinulak dahilan upang mapasubsob ito sa mesa nila.Agad naman akong sinugod ng isa nilang kasamahan at pinaulanan nang suntok.Suntok,tadyak at kung anu-ano pa ang natanggap ko mula sa mga ito.Napasubsob na ako sa mesa pero hindi pa rin nila ako tinitigilan hanggang sa...
   
" pre tama na iyan " awat ng isang matipunong lalaki.Kahit ramdam na ang hilo at sakit,sinubukan ko pa ring tingnan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
  
" Welo? " tawag ko sa pangalan nito.
 
" bakit sino ka ba?huwag ka ngang makialam dito " narinig kong wika ng lalaking muntikan na akong suntukin.
   
" hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko,umalis ka diyan at iuuwi ko na ang kaibigan ko " kaswal na wika nito bago itinulak palayo ang lalaki kanina.Nilapitan ako ni Welo at maingat na inalalayang tumayo.
   
" ayos ka lang ba? " nag-aalala nitong tanong sa akin.Ngumisi lamang ako bilang tugon.Hindi ba nito napapansin ang kalagayan ko?ayos lang ako,sobrang ayos.
 
" halika na iuuwi na kita " aniya at nagsimula nang maglakad palabas.

Hindi pa man kami nakalalayo ng bigla na lamang siyang napatigil sa paglalakad ng may kung anong bagay ang bumagsak sa kaniyang ulo.Napatingin ako sa bahaging iyon at nakita ko kung paano unti-unting tumulo ang dugo mula rito.Nakaramdam ako nang kaba sa nakita.Ibinaba muna ako nito at pinunasan ang dugong tumulo mula sa kaniyang ulo.
 
" dito ka muna ha may tatapusin lang ako " mahinahon niyang sabi bago hinarap ang mga kalalakihan sa kaniyang likuran.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta nakita ko na lamang na naliligo na sa sariling dugo ang mga kalalakihang iyon.Hindi na makilala ang kanilang mga pagmumukha dahil sa mga pasang natamo mula sa kay Welo.Makaraan ang ilang sandali,binalikan ako ni Welo at tuluyan na naming iniwan ang lugar na iyon.

Nanatili akong nakatingin sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang mga paghampas ng mga alon.Ninanamnam ang lamig na dala ng hangin.
  
" heto inumin mo muna para matanggal ang kalasingan mo " wika ni Welo habang inaabot ang isang tasang naglalaman nang mainit na kape.
   
" salamat " iyon na lamang ang namutawi sa bibig ko.Pangalawang beses na ito.
 
" wala iyon,ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na iyon? " usisa nito.Uminom muna ako ng kape bago siya sinagot.
     
" may mga naging problema lang " tugon ko.

" batiin mo naman ako birthday ko kasi ngayon " pabiro kong sabi dito.
    
" Happy Birthday magpakabait ka na " nakangiti nitong bati sa akin.Napatawa na lamang ako.
 
" masakit pa ba? " pag-aalala nito.Tinutukoy niya ang mga natamo ko kanina.
   
" medyo masakit pero kakayanin hahaha " sagot ko rito.

Malapit ng mag-umaga pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok.Bumangon ako sa higaang inilaan sa akin ni Welo at lumabas sa balkonahe ng silid kung saan nakatapat sa malawak na karagatan.Naupo ako sa isang tumba-tumba at pinagmasdan ang kalangitan.May mga tala pa ring nagniningning sa kalawakan kahit unti-unti nang lumilitaw ang liwanag ni Haring Araw.
   
" magandang umaga " napalingon ako sa nagsalita.

Si Welo.

May bitbit itong tasa na naglalaman marahil ng kape.
 
" ang aga mo namang nagising ah " puna ko rito.Tinabihan ako nito at ibinigay ang dala nitong tasang kape.
   
" ikaw rin naman " wika ko rito.Napatawa na lamang ito at ibinaling ang atensyon sa malawak na karagatan.
  
" seryoso anong nangyari " aniya.Tinutukoy niya siguro ang nangyari sa bar.Lumanghap muna ako nang sariwang hangin bago siya sinagot.
 
" nagkaroon lang kami ng tampuhan ng mga barkada ko " umpisa ko.
   
" ano bang nangyari? " usisa pa nito.
   
" aabutin tayo ng tanghali kapag ikuweninto ko sayo " hindi na lamang siya nagsalita pa at hinayaan na lamang namin ang pagkakataon na maglaro sa pagitan namin.

Sabay naming pinanood ang pagsikat ng araw.Walang nagsalita,walang gumawa nang ingay.Tanging mga paghinga lamang namin ang nagsisilbing kanta sa musika ng mga alon at hangin.Palihim ko siyang pinagmamasdan,nakikita ko sa katabi ko ngayon si Clide.Wala silang pinagkaiba.
  
" baka matunaw ako " aniya.Bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya sa aking nangyari.Nahuli niya ako.
   
" sorry " kaagad kong paumanhin dito.

" okay lang iyon "
     
" halika sa loob at ipaghahanda kita nang makakain " anyaya niya.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya.Pagdating namin sa ibaba, nagsimula na siyang magluto samantalang pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa kinauupuang stool malapit sa bintang salamin.Ayaw niya rin naman akong patulungin kasi raw baldado raw ang katawan ko kaya ang resulta heto ako't pinagmamasdan siya habang abala sa pagluluto.

Ang swerte ng magiging asawa nito.Maliban sa mabait na magaling pa magluto.All package ika nga.
   
" halika na " wika nito.Lumapit ako sa mesa at pinagsaluhan namin ang inihanda niyang pagkain.Hindi nga ako nagkamali.Masarap ang bawat putaheng inihain niya kaya napalakas tuloy ang pagkain ko.
 
" baka mabulunan ka " natatawang saway nito habang pinagmamasdan akong kumakain.Itinigil ko muna ang ginagawa ko at nahihiyang sinulyapan siya.
    
" sorry,ang sarap kasi " sagot ko rito.
 
" hahaha ayos lang iyon,masaya ako na nagustuhan mo ang inihanda ko " aniya.
    
" eh sa masarap naman talaga kahit naman sino magugustuhan ito kapag natikman nila " ngiti lang ang naging tugon nito at muling ipinagpatuloy ang pagkain.Hindi ko muna ginalaw ang pagkain sa plato ko at pinagmasdan muna siya.Napansin ko ang biglang pagbabago nang emosyon sa mukha nito.Kanina makikita mo sa mukha nito ang liwanag nitong tinataglay pero heto't bigla na lamang naglaho ang emosyong iyon.May nasabi ba akong masama rito dahilan upang biglang lumungkot ang masayahin niyang mukha?

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon