New/Dawi POV
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis ko itong binuhat.Lumabas kami sa eskinitang iyon.Hindi ko siya pwedeng dalhin sa ospital dahil sa tingin ko'y hindi niya iyon kailangan.Patuloy lang ako sa aking paglakad habang buhat-buhat ang naturang binata.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga taong nakakasalubong namin.Ang mahalaga ay mailayo ko siya sa mga lalaking iyon.Sa may hindi kalayuan,may natanaw akong isang motel.Walang pag-aalinlangang pumasok kami roon at umupa ng isang maliit na kwarto.Wala naman akong masamang gagawin sa binata.
Dahan-dahan ko itong inihiga sa kama.Sinimulan kong tanggalin ang kaniyang basang damit bago tanggalin ang mga natitira niya pang kasuotan,tinakpan ko muna ang maseselang bahagi ng kaniyang katawan gamit ang puting kumot.Magagawa kong pagalingin ang kaniyang mga sugat subalit hindi kayang pabalikin ang kaniyang lakas.Maingat kong hinawakan ang kaniyang katawang mayroong sugat at mula sa aking kamay ay unti-unting lumabas ang mga tubig.
Sinimulan nitong pagalingin ang mga sugat sa kaniyang katawan hanggang sa tuluyang bumalik sa dati ang anyo nito.Hindi ko maipagkakailang may itsura ang isang ito.Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit sa kaniya nanggagaling ang malakas na enerhiyang iyon.Imposibleng isa siyang immortal.
Habang nagpapahinga pa ang binata sa kama,nanatili muna akong nakaupo sa isang couch kaharap nito.Malayang pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at pinag-aaralan ang mga ito.Alam ko sa sarili na hindi ito katulad ng mga mortal,mas higit na malakas ang bumabalot na enerhiya nito kumpara sa mga pangkaraniwang tao.Tumayo ako at nilapitan ang bintanang salamin.Umuulan pa rin sa labas at kapansin-pansin din ang paglakas ng ihip ng hangin.Kung ano man ang nangyayari sa itaas,kailangang maagapan kaagad ito.
Natigilan ako sa ginagawa nang marinig ang mahinang ungol mula sa binata na nakahiga sa kama.Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan ito.Dahan-dahan nitong iminulat ang kaniyang mga talukap.Halos lumukob sa buong sistema ko ang kaba ng magtama ang aming mga paningin.
" s-sino ka? " paos ang boses na lumabas sa lalamunan nito.Sinubukan nitong tumayo subalit hindi nito kinaya dahil sa kahinaang nararamdaman dahilan upang muli siyang mapahiga.
" anong ginagawa ko rito?!isa ka ba sa mga gustong saktan ako?! " galit na turan nito.Kitang-kita ko ang biglang pagbabago ng kulay tsokolate niyang mga mata.Wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok.
" tinulungan kita mula sa mga taong iyon " naisawika ko na lamang.Nakatayo pa rin ako habang nakatingin sa binatang kaharap.
" paano ako maniniwala sayo? " napabuntong-hininga ako upang alisin ang kaba sa aking sistema.Hindi rin naglaon ay bumalik na sa dati ang lahat.
" what are you? " seryoso kong tanong sa binata at nakipagsukatan ng titig sa kaharap.Hindi pa rin bumabalik ang kaniyang kulay tsokolateng mga mata.
" ano? " aniya na tila ba'y hindi nito alam kung ano ang aking tinutukoy sa sinabi.
" alam kong hindi ka ordinaryong tao,Dyos ka ba??! " hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkagulat na rumihestro sa kaniyang mukha.
" nagulat ka ata? " sumilay sa labi ko ang nakakalokong ngiti.It seems na nahuli ko siya.
" tao ako! " aniya.Ngayon nakahanap na siya ng lakas at sa tingin ko'y darating ang oras na malalantad na ang totoong anyo nito.Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at mula sa labas,nagsimulang gumalaw ang mga naipong tubig papasok sa aming silid.Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Kailangan kong malaman kung sino siya o kung ano siya.Sigurado akong hindi siya nalalayo sa amin.Kailangan kong malaman kung magiging banta ba ito sa aming misyon o magiging panggulo lamang upang mailihis ang atensyon sa aming isinadya.
" sino ka ba talaga? " panunudyo ko habang nilalaruan ang tubig sa aking kamay.
" p-paano m-m-mo nagagawa ang mga iyan " hindi ko alam kung pagkagulat o takot ba ang nababasa ko sa kaniyang boses pero nasisiyahan ako.
" sasabihin ko sayo kung sasabihin mo sa akin kung sino ka? " nagsimulang palibutan siya ng mga tubig.Animo'y mga galamay na nagsasayawan sa himpapawid.
" isa nga akong tao! " giit niya.Talagang pinagdidiinan niya ang pagiging tao.Lumapit ako rito at mariing hinawakan ang kaniyang baba.
" hindi ka tao bata " seryoso kong saad.Anong dahilan kung bakit pilit niyang itinatanggi ang isang katotohanang lantarang ipinaparamdam niya sa akin.Subalit,hindi kaya hindi niya batid ang kaniyang tunay na katauhan o pinipilit niya lamang paniwalain ang sariling sa kasinungalingan.Ang lalaking ito,may kakaiba sa enerhiyang nakapaloob sa kaniya,napakabigat at napakalakas ngunit pakiramdam ko'y walang kaalam-alam ang lalaking ito sa kung anong kapangyarihan ang nakapalibot sa kaniya.
" sabihin mo sa akin ang totoo! " bahagyang tumaas na rin ang aking boses habang nakikipagsukatan ng tingin sa lalaki.Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba.
" h-hindi ko nga alam ang iyong pinagsasabi! " aniya't pilit na hinahawi ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang baba.Mas lalong hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko rito.
" isa ka bang kalaban? " malamig kong tanong.Makikita sa mukha ng binata ang kalituhan at kaguluhan.
" hindi ko alam ang pinagsasabi mo! " singhal nito't nabigla ako ng bigla na lamang binalot ng kakaibang enerhiya ang buong silid.Bahagya akong napaatras sa pagkagulat habang nakamasid sa binata.Nakikita ko ang unti-unti nitong pagbabago subalit ng mahimasmasan at makabalik sa sariling huwesyo'y mabilis kong ikinumpas ang aking mga kamay sa hangin at kaagad na pinalibutan ito ng aking kapangyarihan upang mapigilan ang nagbabadyang kapahamakan.
May kutob akong hindi magiging maganda ang kahihinatnan sa oras na lamunin ito ng kaniyang kapangyarihan.Sa kabutihang palad ay nagawa ko itong mapigilan at maigapos gamit ang aking kapangyarihan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan.Ang binatang ito ay pinagkalooban ng makapangyarihang itim na enerhiya na ngayon ko pa lamang naramdaman.Nagkamali ako kanina sa sinabi kong walang kapantay ang kapangyarihang ito sa kapangyarihang mayroon si Polo.Mas higit itong makapangyarihan,sa kasamaang palad ay hindi nito nagagawang kontrolin.
" sino ka ba talaga? " wala sa sariling usal ko sa kaharap.Tunay ngang wala akong naramdamang kabanalan ng pagiging isang Dyos sa kaniyang enerhiya subalit sa kaniyang ipinakita sa akin at kung anong kapangyarihang mayroon siya,ano ang nais ipahiwatig nito?.
Sino ba talaga ang nilalang na ito,kailangan itong malaman nila Ceruz.