Chapter 7

2.6K 118 0
                                    

New POV

     Ang daling lumipas ng mga araw.Ilang araw na lang at kaarawan ko na.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.Mai-excite ba ako o matatakot.Ewan halo-halong emosyon ang naglalaro sa sistema ko ngayon tapos dadagdagan pa nitong isyu ni Clide.

Simula nang mangyari iyong pag-uusap namin ng gabing iyon, kinaumagahan biglang nanlamig sa akin si Clide.Dedma na lang rin naman ako sa kaniya.Kahit magkakasama ang barkada,hindi niya ako pinapansin.Wala,parang hangin lang ako sa paningin niya.Hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko kaya hinayaan ko lang siya pero minsan dahil doon naaapektuhan ang barkada namin.May mga oras na hindi siya sasama lalo kung kasama ako.Ewan ko ba roon.

Kinausap na rin ako ni Anika about sa nangyayari sa amin pero wala akong maisagot kasi in the first place wala naman akong alam.Sabi ni Anika ayusin daw namin iyong gusot pero paano ko nga maaayos e kung si Clide na mismo ang gumagawa nang paraan upang hindi kami magkaayos.Hindi ako iyong tipo ng tao na naghahabol sa ayaw magpahabol.Kaya hinayaan ko na lamang siya.Kapag magkakasama kami,iniisip ko na lang na hindi ko siya kakilala.

Mag-isa lang ako ngayon dahil may kanya-kanyang pinagkakaabalahan iyong tatlo.Abala si Ken sa kanilang volleyball practice samantalang si Anika naman ay kasama iyong mga ka-grupo niya sa research paper at si Wayne naman ay umuwi na ata.Kasalukuyan akong nakaupo dito sa wooden bench malapit sa man-made lake.Pinanonood ko lang yung mga bibe.Boring kasi.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad.Uuwi na ako.Tutal wala na rin kaming klase.Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa biglang may tumawag sa pangalan ko.Nilingon ko naman ang tumawag sa pangalan ko at ito nga ay mga grupo ng mga kalalakihan at kung hindi ako nagkakamali mga taga Engineering Department ang mga ito.
   
" ano iyon? " kalmado kong tanong habang papalapit ang mga ito.
      
" wala may gusto lang sana kaming itanong sayo " sagot ng lalaking may kahabaan ang buhok.

" ano ba iyon? " nakita ko kung paano nagngitian ang grupo kaya medyo ako nakaramdam nang takot.
   
" hmm kaibigan mo ba iyong magandang bebot sa department niyo? " tanong ng isa pang lalaking mukhang manyakis.
     
" bebot? " hindi ko masyado naintindihan kung anong bebot ang pinagsasabi nila.
  
" ay tanga pala tuh e! " singhal nito sa akin.
     
" easy lang pare relax lang,tinatakot mo si New e " saway nito sa kasama pero hindi ako kombinsido sa tono nang pananalita niya.At paano nila nalaman ang pangalan ko.
  
" iyong magandang babae,iyong minsan kasama mo sa campus " paglilinaw ng lalaki.Unang sumagi sa isip ko si Anika,siya lang naman iyong babaeng palagi kong kasama at kung kagandahan ang pag-uusapan,may panlaban naman iyon.
    
" o anong kailangan niyo? "
 
" hmmm maliit na bagay lang naman ito,gusto ko sanang makuha iyong number niya " sagot nito.
   
" paano kung ayaw ko? " lahat ng mga lalaki'y napatingin sa akin at pakiramdam ko binabalatan na ako ng mga ito sa paraan ng kanilang pagtitig.
      
" ganito kasi iyon,gusto lang namin makipagkaibigan,wala naman kaming balak na masama " sa pagkakasabi niyang iyon tuluyan nang nawala ang tiwala ko sa mga ito.Hindi na lamang ako nagsalita at tinalikuran sila.
   
" bastos ka ah! " narinig kong sigaw ng isa nilang kasamahan.Sa sobrang bilis nang pangyayari naramdaman ko na lamang ang sarili na tumilapon sa damuhan.Napahawak ako sa kabilang bahagi ng labi ko dahil bahagya itong kumikirot.
      
" iyon lang ba ang kaya mo? " wika ko habang pinipilit na tumayo.
 
" aba't!! " agad akong pinaulanan nang suntok pero mabilis ko naman itong naiiwasan,nang makahanap ng pagkakataon binigyan ko nang malakas na suntok ang kalaban.Ilang taon na rin akong hindi nasangkot sa gulo ah.

Mula sa aking likuran,biglang may humawak sa magkabila kong kamay kaya hindi ako nakagalaw.Sunod-sunod akong pinaulanan ng suntok sa sikmura ko habang walang kalaban-laban.
   
" iyon lang ba ang kaya mo? " balik na sabi ng lalaki kanina.Namimilipit na ako sa sakit kaya walang salitang lumalabas sa akin kung hindi ang pagdaing.
      
" ano New kaya pa?! " kantyaw nito sa akin at napuno nang halakhakan ang grupo.Nakita kong susuntukin muli ako nito pero sa hindi inaasahang pagkakataon,bigla na lamang itong tumilapon.Mabilis akong napatingin sa kung sino ang may gawa niyon.
   
" Clide " mahina kong tawag rito.Binitiwan ako ng mga lalaking nakahawak sa akin kanina at sinugod si Clide.Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari dahil nilamon na ako ng kadiliman.

Nagising ako ng may marinig akong mga nagtatalo.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame.Teka nasaan ako?Inilibot ko ang sariling paningin sa paligid at parang hindi ko namumukhaan ang lugar na kinaroroonan ko.
  
" gising na si New " narinig ko ang boses ni Wayne.Lahat sila'y agad na nagsipunta sa kinaroroonan ko.Nandito silang lahat Si Ken,Anika,Clide at Wayne.
      " anong ginagawa ko rito? " nagtataka kong tanong sa mga kasamahan.
 
" hindi mo alam ang nangyari? " nagtatakang usal ni Anika.
      
" binugbog ka ng mga taga-Engineering Department! " sagot ni Wayne.Tsaka pa lamang nag-flashback ang nangyari sa akin kanina sa campus.
   
" tingnan mo nga ang sarili mo New,ano bang pinaggagawa mo at napag-initan ka ng mga asungot na iyon " sa pagkakataong ito alam kong seryoso na si Anika,basi sa timbre ng kanyang pananalita nito.Nanatiling tahimik ako,ayokong pati mga kasamahan ko maghigante doon kapag nalaman nila ang dahilan.
    
" wala,wala siguro silang mapag-tripan kaya ako ang napansin nila " pagpapalusot ko sabay iwas nang tingin sa kanila.Hindi ako magaling magsinungaling kaya alam ko na alam nila na nagsisinungaling lang ako.
      
" siguro kung hindi pa dumating si Clide dun baka mas malala pa ang nangyari sayo ngayon,mabuti na lamang at mga pasa lang sa katawan ang nakuha mo " sermon ni Anika.Sa totoo lang,mas natutuwa ako ngayon sa ipinapakitang pag-aalala ng mga kaibigan ko lalo na si Anika sa kalagayan ko,nakakataba kasi sa puso na may mga tao palang ganito.Iyong kahit hindi naman kayo magkadugo pero sa puso niyo isang pamilya kayo.
    
" bibili lang kami ng pagkain " wika ni Ken.
 
" sama na ako " magkasamang lumabas sila Ken at Anika samantalang naiwan naman sila Clide at Wayne dito sa silid.

Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin ni Clide.Walang gustong magsalita.Maging ako'y nahihiya sa sitwasyon ko ngayon.Pero walang magandang mangyayari kapag walang unang bumasag ng pader.Tiningnan ko si Clide na nakatingin rin sa akin.Sinubukan kong iangat ang kalahati ng katawan ko upang maging komportable akong kausapin siya.
  
" Clide " tawag ko sa pangalan niya.
 
" hmm " tanging sagot niya lamang.
     
" wala " nasabi ko na lamang,pakiramdam ko kasi wala siyang ganang makipag-usap sa akin sa ngayon.Iniiwas ko na lamang ang tingin ko rito.
  
" hindi mo ba ako tatanungin kung okay lang ako?hindi mo ba ako tatanungin kung nag-alala ba ako sayo?ang hirap sayo New ang manhid mo,pilit ko na nga pinaparamdam sayo pero hindi mo pa rin pinapansin " napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano balutin ng kalungkutan ang kaniyang mga mata.Bigla akong nakaramdam ng guilt.Hindi ko alam na may nasasaktan na pala akong tao.

Alam kong may pagtingin sa akin si Clide pero pilit ko itong binabaliwala,hindi naman sa wala akong nararamdaman para sa kaniya pero,ewan ko ba naguguluhan ako sa sitwasyon ko ngayon.

" natakot ako ng makita kita kanina " aniya habang pinipigilan ang pag-iyak.Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa akin tsaka niyakap nang mahigpit.
     
" sorry Clide " sinsero kong paumanhin sa kaniya.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon