Chapter 6

2.8K 128 0
                                    

Ceruz POV

" anong gusto mong sabihin? " simula ni Ragun.Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

Gusto ko siya makausap tungkol sa kay Dawi pero wala akong lakas ng loob upang gawin iyon.Alam kong mapa-hanggang ngayon,galit pa rin ang namamayani sa puso ni Ragun para sa akin.

" gusto ko sanang malaman kung kumusta ang kalagayan ni Dawi " wika ko.Bigla ko na lamang naramdaman ang pagdapo ng kamao nito sa aking pisngi dahilan upang ako'y tumilapon mula sa aking kinatatayuan,kasabay nito ang pagtulo ng dugo mula sa pumutok kong labi.

" wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng anak ko,dahil sa mali mong naging desisyon sinira mo ang buhay niya at sa oras na makabalik siya rito,asahan mong kahit kuko ni Dawi ay hindi mo mahahawakan! " nanggagalaiting sumbat nito sa akin.Mabilis itong umalis at ako'y iniwan nitong nakaupo sa sahig habang pinupunasan ang tumulong dugo.

Halos karamihan sa mga Dyos ay galit sa akin dahil sa ginawa ko.Ano bang ginawa kong mali?Ginawa ko lang naman kung ano ang nararapat.Pinatay niya si Akke at isa iyong kasalanan,kaya kailangan niyang panagutan ang kaparusahan niya.Ang nakikita ko lamang mali ako ay iyong hindi ko siya pinakinggan,hindi ko pinakinggan ang kanyang saloobin,nilamon ako nang galit kaya nakapagdesisyon ako ng ganoon.

Tumayo ako at inayos ang sarili.Babalik na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

" pag-ibig nga naman " anito.

" Tulak? " tawag ko rito.Mula sa likod ng malaking haligi lumabas si Tulak,ang Dyos ng Pag-ibig.

" minsan talaga ginagawang bulag ng pag-ibig ang isang nilalang,nagiging sunod-sunuran ito,sinasamba animo'y isang makapangyarihang Dyos " aniya.Hindi ko siya maintindihan,hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

" anong ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong rito.

" hindi ba't dahil sa pagmamahal mo sa kay Akke,humantong sa ganoon kalagayan si Dawi?naging sunod-sunuran ka ng iyong damdamin Ceruz,naging alipin ka nito,nahibang ka " patuloy nito.

" subalit minsan ba'y minahal ka ni Akke,sinuklian ba nito ang pag-ibig mo para sa kaniya? " aniya.

" ano bang gusto mong palabasin Tulak! "

" kalma lang Ceruz,wala ako sa lugar para makipag-away sa iyo,ang sa akin lang...gusto kong malaman mo na sinayang mo yung totoong nagmamahal sayo,yung taong minahal mo subalit di mo pinili " wika pa nito at bigla na lamang naglaho.Nanatili akong nakatayo at nag-isip isip.Tama sya,nabulag ako sa pagmamahal ko sa kay Akke at di ko nakita ang pagmamahal ni Dawi.Pag-ibig nga naman.

New POV

Katatapos lang ng klase namin ng mag-aya na naman si Ken na kumain sa labas.Treat nya naman daw kasi nakapasa sya sa exam namin.Mayaman ang pamilya ni Ken kaya walang problema sa kanya ang pagwaldas ng pera.
" kotse ko na ang gagamitin natin " alok naman ni Clide.Sinang-ayunan na lang namin ang kagustuhan ng dalawa.
" uyy Anika kanina ka pa tahimik ah,nahawaan ka ba ng virus ni Wayne? " puna rito ni Clide sa katabi.Pansin ko nga rin.Ang tahimik nito kanina mula ng mag-start ang klase until now.May problema kaya tuh?
" hoy may problema ba? " tanong ko rito.Pero imbes na sagutin kami ay inismiran lang kami nito.
" ay nagtataray " kantyaw ni Ken.
" hoy sabihin mo nga may problema ba? " pangungulet ko rito.Pero nag-iinarte pa rin tuh.Ano bang kinain neto?
" sige kung di ka magsasalita dyan uuwi na lang kami " wika ni Clide.Napatingin kaming lahat sa kay Clide,seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kay Anika.Ilang sandali pa'y nagsalita na si Anika.
" okay fine!!naiinis ako sa inyong dalawa lalo na sayo New " kumpisal nito.Teka bakit ako?Anong bang ginawa ko?
" uyy Anika anong ginawa ko sayo? " asik ko.
" di ba may usapan tayo na mag i-sleepover kami sa inyo,pero anong nangyari?Pagpunta ko sa apartment mo wala ka run tapos nalaman ko na lang sa post ni Clide na umuwi kayo sa inyo.Drawing ka pala e " paliwanag nito.Ako naman ay biglang natamime na lang.Wala akong maisagot.
" ay sorry nakalimutan ko may importante lang kasi akong inasikaso sa amin kaya bigla akong napauwi " paumanhin ko rito.
" sus drawing ka talaga " parang timang tuh ayaw maniwala.
" bahala ka nga,Clide ikaw nga magpaliwanag dyan " binilisan ko na lang ang paglakad ko palabas ng campus.

Dinala kami ni Clide sa isang bagong bukas na snack house may di kalayuan sa campus.Pagpasok palang namin nagustuhan kaagad ni Anika yung ambiance ng nasabing store.Panay kasi ang kuha ng mga litrato,panigurado sabog na naman nito ang notification ng instagram ko.Nang makahanap ng bakanteng mauupuan,agad na nag-order si Ken.
" infairness pasok sa panlasa ko ang disenyo nitong snack house na tuh ah! " komento ni Anika habang nakatingin sa kanyang cellphone.Magkatabi kami ni Clide at ang nasa harapan namin sina Wayne at Anika.
" ayos ka lang? " biglang puna sa akin ni Clide.Napatingin ako sa kanya at nginitian.
" oo naman,may iniisip lang " wika ko.
" halos araw-araw lagi kang ganyan,sabihin mo na kasi kung may problema,kaibigan mo naman kami di ba? " patuloy ni Clide.
" uy anong pinag-uusapan nyo dyan? " singit ni Anika.
" wala " tipid kong sagot.

Di na ulit nagsalita si Clide at hinayaan nya na lamang ako sa ginagawa ko.Ilang saglit pa'y dumating na si Ken dala ang mga inorder nito at nagsimula na kaming kumain.Kahit papano nakalimutan ko ang iniisip ko kapag kasama ko ang mga ito.Binibigyan nila ako ng masasayang karanasan.

Pagkatapos naming kumain,napag-desisyonan na naming umuwi tutal naman gabi na at may pasok pa kinabukasan.Si Clide ngayon ang service ng barkada dahil sya lang naman ang may dalang kotse ngayon.Una naming hinatid si Wayne tapos si Anika sumunod si Ken.
" hmmm New? " basag ni Clide sa katahimikan.
" ano yun? "
" wala " tugon nito at binalot ng katahimikan.Anong problema nito?
" para kang baliw " himutok ko.
" gusto ko lang makuha ang atensyon mo " aniya habang seryosong nakatingin sakin.Yung mga mata nya parang may kung anong misteryong bumabalot at di ko maiwasang di sya tingnan.Pakiramdam ko hinihigop ako nito.Napalunok na lamang ako at naghanap ng lakas ng loob upang maiwasan ang nararamdamang ilangan sa pagitan namin.
" araw-araw nga tayong magkasama pero di ko makuha atensyon mo,pagbigyan mo naman ako kahit isang araw lang,isang araw lang na nasa akin lang yung atensyon mo pwede ba yun New? " wala akong masabi.Matagal pa bago rumehistro sa utak ko ang mga salitang binitawan nya.Di ko maintindihan kung bakit bigla na lamang syang nagkakaganito.Inayos ko ang aking pagkakaupo at hinarap sya.
" di kita maintindihan Clide " naiwika ko na lamang.
" ang manhid mo naman New " aniya at muling ibinalik sa daan ang atensyon.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon