Chapter 28

1.9K 85 2
                                    

New/Dawi POV

    Binuksan ko ang dating apartment at agad kaming nagsipasok sa loob.Kung ano ang dating itsura ng tinitirahan ko ay mapa-hanggang ngayon ay ganito pa rin ito.Walang nagbago,maalikabok lang at tsaka maraming dekorasyong agiw sa kahit saang sulok.Pitong taon ba namang hindi nalilinisan.Pero aaminin ko na sobrang na miss ko ang lugar na ito.
   
" ano ito? " nagtatakang tanong ni Terra doon sa isang appliances ng bahay.
     
" electric fan ang tawag diyan " paliwanag ko at nilapitan ito.Sinaksak ko ito sa malapit na saksakan para gumana.Subalit bigla na lamang ako nagulat nang napabalikwas mula sa pagkakaupo si Terra ng gumana ito at lumabas ng hangin ang naturang bagay.Naging mabilis ang kilos nito at nagpalabas ng kapangyarihan upang sugurin ito.
    
" Terra!anong ginagawa mo? " gulat kong tanong sa kaniya.
 
" hindi mo ba nakikita?halimaw iyan! " aniya.Tinutukoy niya ang electric fan na isang halimaw.Napakamot na lamang ako sa likurang bahagi ng aking ulo dahil sa inasta nito.Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang mga ito.
   
" kalma Terra,ang tawag diyan ay electric fan,isang kagamitan sa bahay para magbigay ng hangin,wala iyang buhay kaya hindi ka niyan sasaktan " paliwanag ko sa kaniya maging sa ilan pa naming mga kasamahan.
   
" kung ganoon bakit gumagalaw ang bahaging ulo niya?,bakit ito umiikot nang pabalik-balik? " nagtataka nitong tanong.
     
" ganito kasi iyon " ipinaliwanag ko sa kaniya kung paano gumana ang mga bagay-bagay dito sa aking apartment maging sa labas.Tahimik at nakikinig naman nang mabuti ang mga ito sa sinasabi ko.Tama na rin ito ng sa gayon hindi sila magmukhang katawa-tawa sa labas habang hinahanap namin si Yula sa mundong ito.
   
" ngayon naiintindihan niyo na ba? " tanong ko sa kanila.Tanging pagtango lang ang naging tugon ng mga ito.
    
" anong klaseng sagot iyan??sabihin niyo okay "
      
" anong okay? " nagtatakang tanong ni Eiri.
  
" ahhh okay ang ibig sabihin niyon ay ayos " at ipinakita ko sa kanila ang hand gesture ng okay.Sinunod naman nila ang ginawa ko.
    
" ganiyan nga " nakangiti kong wika sa mga ito.Napatingin ako sa orasan sa pader kaso nga lang hindi na ito gumagana.Lumabas ako at inobserbahan ang palibot.Kung hindi ako nagkakamali sigurado akong maghahating-gabi na.
    
" gutom na ba kayo? " tanong ko sa aking mga kasaman.
      
" oo " tipid na sagot ni Alexir.
  
" sige dito lang muna kayo at bibili lang ako nang makakain " lumabas na ako ng apartment at tinungo ang malapit na grocery store.
     
" sasamahan kita " napatingin ako sa nagsalita.Si Ceruz,nakatingin lang ito sa malawak na daan.

Naging tahimik lang si Ceruz habang binabagtas namin ang malapit na grocery store.Naninibago siguro sa kaniyang mga nakikita dahil tunay ngang ibang-iba ito kumpara sa nakasanayan sa itaas.Palihim ko siyang tinitingnan at aaminin ko na mas lalong lumabas ang kaniyang kakisigan sa suot niyang ngayong printed shirt at maong short.
   
" may dumi ba ako sa mukha " mabilis kong binawi ang paningin ko at inilayo sa ibang direksyon.
     
" ha? "
 
" bakit mo ako tinititigan? " aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
      
" hindi naman kita tinititigan " palusot ko.Bakit kasi nagpahuli pa ako.
  
" ah okay " wika nito.Napangiti na lang ako sa narinig dahil sa kauna-unahang pagkakataon narinig kong sambitin nito ang salitang dayuhan.
   
" ngayon nakangiti ka naman " puna ulit nito.Binilisan ko na lamang ang paglakad ko dahil baka kung ano pa ang mapuna pa nito sa akin.

Pumasok kami sa isang 24/7 na grocery store at namili ng aming mga kakailanganin katulad ng bigas,mga canned goods at madami pang iba.Medyo malaki ang nakuha kong halaga sa nasangla ko kaya hindi naging problema sa akin ang bill namin ngayon.Lalabas na sana kami ng mapansin ko si Ceruz na nakatingin sa ice cream stall.Nilapitan ko ito at pinagmasdan.
    
" dalawa nga po " wika ko sa tindira at ibinigay ang bayad.Tumingin naman sa akin si Ceruz.Ilang sandali pa'y ibinigay na nito ang ice cream sa amin.
  
" heto o " ibinigay ko sa kaniya ang isa.May pagtataka naman ako nitong tiningnan.
      
" kunin mo na " kinuha nga nito ang ice cream sa isang kamay ko at pinagmasdan lang ito.
     
" kainin mo iyan,masarap iyan,ice cream ang tawag diyan " sabi ko at ipinakita sa kaniya kung paano ito kainin.Sumunod naman ito sa ginagawa ko.Hindi ako nabigo at nagustuhan nito ang lasa.Muli akong napangiti habang inuubos ang aking ice cream.

Itinigil ni Ceruz ang kaniyang pagkain at tumingin sa akin.May pagtataka naman akong napatingin sa kaniya.May problema kaya?.Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kaniyang daliri sa gilid ng aking labi at pinunasan ang dumi roon.Napalunok na lamang ako habang nagsisimulang mamula ang aking pisngi.Dali-dali akong tumalikod at nagsimulang maglakad dala-dala ang pinamili.

Pauwi na kami.Tanging ang mga ingay ng sasakyan na lamang ang namamagitan sa amin.Walang gustong magsalita sa pagitan namin.Nahihiya ako at siguro hinihintay lang si Ceruz na ako ang bumasag nito.
   
" naging masaya ka ba rito? " wika nito.Tinapunan ko ito nang tingin subalit ang atensyon nito ay nasa kalangitan.
  
" siguro " tipid kong sagot.
 
" sa mundo natin? " patuloy nito.
      
" hindi ko alam,teka nga bakit mo ba tinatanong? " may bahid na inis kong sabi sa kaniya.Nagkibit ng balikat lamang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad.Kahit papano'y nakaabot naman kami ng ligtas sa apartment.Pagpasok namin,nagulat ako sa mga kasamahan ko na abala sa panonood.Paano nila nabuksan ang TV?.
  
" paumanhin Dawi,nakialam kami ng iyong mga kagamitan " paumanhin ni Dyosa Eiri.
    
" ayos lang iyon,ang ipinagtataka ko lamang ay kung paano niyo ito nabuksan "
  
" sa tulong ng isang paslit,nakatira siya diyan sa kabila " nakangiting sagot ni Eiri.Kaya pala,akala ko sila lang ang nagkusang bumukas nito.
   
" sige ipaghahanda ko lang kayo ng mamakain " nilisan ko na ang bahaging sala at tinungo ang kusina.

Bukas magsisimula na kaming libutin ang lugar na ito,magbabakasaling dito namin mahahanap si Yula.Kailangan naming mabawi agad ang Pusong Kristal dahil kung hindi,paniguradong gulo ang magiging wakas nito.May mga katanungang gumugulo sa isip ko ngayon,una ay kung saan namin mahahanap si Yula,mahirap mahanap ang taong nagtatago lalo na sa masalimuot na mundong ito,pangalawa ay kung sakaling mahanap man namin ito,hindi naman namin alam kung nasa kaniya pa ba ang Pusong Kristal o baka nasa ibang pangangalaga na ito at ang pangatlo ay kumusta na kaya ang mga kaibigan ko.

Gusto ko silang makita kahit sandali lang,kahit hindi nila ako masilayan.Kahit sa ganoong paraan maging kampante akong lisanin ang mundong ito pagkatapos ng aming misyon sa kay Yula.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon