Dawi/New POV
Halos gumuho ang buong gusali sa lakas ng naging pagsabog.Agad kong hinanap si Ceruz sa kabila ng nakita kong ginawa nila ni Ekke kani-kanina lang,kahit papano'y nag-aalala pa rin naman ako sa kalagayan nito.Nakahinga ako nang maluwag ng masilayan ko itong nakaupo sa maruming sahig.Agad ko itong nilapitan at inalalayang tumayo.Iyon nga lang,hindi ko siya kayang salubungin ang kaniyang mga mata.Naiilang ako at nangangambang baka hindi ko nanaisin ang mabasa kong katotohanan sa mga mata nito.Ang bigat pa rin ng dibdib ko dahil sa nasaksihan ko kanina.Hindi maipagkakailang mahal niya pa rin si Ekke kahit lumipas man ang matagal na panahon at kahit paghiwalayin man sila ng kamatayan.
" ayos ka lang ba? " nag-aalala nitong tanong sa akin.Hindi ko siya sinagot bagkus ay itinuon ko na lamang ang buong atensyon sa mga nagaganap sa aming harapan.Palaisipan sa akin kung saan nagmula ang kapangyarihang iyon.Imposibleng may ibang Dyos na mula sa Gitnang Kaharian ang bumaba rito upang tulungan kami.
Sabay kaming napatingin sa itaas ni Ceruz ng biglang may magsalita.Isang bulto na nakaupo sa mahabang bakal.
" sino kayo? " usisa nito.Nakatingala lang kami at inaaninag ang mukha ng lalaki.
" ikaw sino ka?! " balik-tanong ni Ceruz dito.Tumayo ito at lumipad palapit sa amin.Tuluyan nang lumantad ang wangis nito sa amin subalit hindi ko kilala ang kaniyang pagkakakilanlan.
" ako si Tanglaw o mas kilala na Drix sa mundo ng mga mortal " pakilala nito sa kaniyang sarili.Kung gayon tunay ngang isa siyang Dyos.Mukhang pareho kami ng iniisip ni Ceruz at sabay kaming napaatras.Mahirap na baka kalaban namin ito.Narinig naming bahagya itong napatawa dahil sa inasta namin ni Ceruz.
" hindi ako masamang nilalang,kauri ko kayo hindi ba? " hindi na kami nagulat sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa umpisa palang ay may kutob na ako at siguro maging si Ceruz na hindi siya isang pangkaraniwang nilalang.
" kung gayon saang panig ka? " seryosong tanong ni Ceruz sa kaharap.
" ako ay ang Dyos ng Araw " halos malaglag ang panga ko sa kaniyang isiwinalat,kung gayon siya ang matagal ng nagtatagong Dyos ng Gitnang Kaharian.Anong dahilan at napadpad siya sa mundo ng mga mortal,hindi ba't ang mga itinatapon lamang sa mundong ito ay iyong mga nilalang na labis ang ginawang pagkakasala.
" kung hindi ako nagkakamali ikaw ang matagal ng hinahanap ng konseho bilang ang nagtatagong Dyos tama ba ako Tanglaw? " seryosong tanong ni Ceruz.
" hindi ko alam kung iyon ang wastong salitang pangtukoy sa akin " aniya na tila ba'y wala siyang pakialam sa mga bagay-bagay.
" ako si Dawi,ang Dyos ng Tubig at siya naman si Ceruz ang Dyos ng Apoy at Digmaan. " pagpapakilala ko sa aming mga sarili.Nagulat ako nang ibaling nito sa akin ang kaniyang atensyon.
" anak ni Ragun " aniya na siyang aking muling ikinagulat.Paano niya nalaman iyon?.Kilala niya ang aking Ama.Kung sabagay bahagi ng matataas na antas ng mga Dyos ang aking Ama kaya hindi na nakapagtatakang kilala niya ito.
" siya'y aking matalik na kaibigan " dugtong pa nito ng mapansin ang pagtatakang lumalaro sa aking mukha.
Sabay kaming tatlong napatingin sa aming likuran ng marinig ang mga kaluskos ng mga bakal at pagkalampag ng mga nadurog na semento mula sa pinangyarihan ng pagsabog.Mula roon at lumabas ang sugatang Ekke.Napatingin ako sa gawi ni Ceruz.Kuyom na nito ang kaniyang kamao sa hindi ko malamang dahilan.Habang papalapit ito sa amin,nakita ko ang pagsilay ng nakakapangilabot nitong ngiti.Magulo ang buhok ni Ekke at maraming natamong sugat dahil sa malakas na pagpakawala ng kapangyarihan ng nagpakilalang Tanglaw.
" hindi ko inaasahang makakatayo ka pa sa lakas ng atakeng iyon " kalmadong wika ni Tanglaw sa kay Ekke.Habang pinagmamasdan ko ang naturang babae parang may napansin akong kakaiba.Tila ibang Ekke itong aming kaharap.Hindi man kami masyadong malapit noong mga panahong iyon ay kahit papano'y nag-uusap naman kami kapag nakakahanap ng pagkakataon.