Dawi POV
Isang oras na ang nakalipas ng makaalis sina Anika at Clide.Tahimik ang bahay.Ang kaninang maaliwalas na panahon ay bigla na lamang kumilimlim.Lumakas ang bugso ng hangin kumpara kanina.Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil normal lang naman ang ganitong pangyayari sa Pilipinas.
Lumabas muna ako ng hardin ng makaramdam ng pagkabagot sa loob.Wala naman akong makausap dahil lahat sila ay nasa itaas.Abala sa kung ano ang ginagawa nila doon.Siguro natutulog.At yung isa sa kanila mukhang nagtatampo pa rin dahil nahahalata kong iniiwasan ako nito.Ayaw ko munang lumapit sa nagniningas na apoy baka bigla ako nitong lamunin.
Inilibot ko ang paningin sa paligid.Wala namang kakaiba.Naupo ako sa isang bangkó(upuang-kahoy) na nakaharap sa malawak na karagatan.Nagmumuni-muni lang.Nasa ganoon akong estado ng bigla na lamang akong may naramdamang kakaiba.Halos nagsitayuan ang aking mga balahibo sa sobrang lakas ng enerhiyang bumalot sa paligid.Nilukob ako ng kaba.Imposible!
Dumako ang mga mata ko sa kalangitan kung saan bumungad sa akin ang hindi mapakaling mga grupo ng ibon na nagsisiliparan sa himpapawid.Nagpapahiwatig na may masamang mangyayari.Anong ibig sabibin nito at kanino nanggaling ang ganitong lakas.Sinubukan kong hanapin sa paligid ngunit wala akong makitang bakas nino man.Kailangan malaman tuh ng lahat.
Kumaripas ako ng takbo papasok sa loob ng bahay at mabilis na tinahak ang mahabang hagdan.Sunod-sunod ang naging pagkatok ko sa mga pinto ng silid.Di naman nagtagal ay nagsilabasan sila bitbit ang pagtataka sa kanilang mukha.
" halikayo sa labas! " bulalas ko rito.Di ko na sila hinintay pang magsalita at dali-dagling bumama at tumungo sa hardin.Lahat kami ay nakatingin sa itaas.Kita sa mga mata nila ang pagtataka.Masama ang pakiramdam ko.Parang may mangyayaring di maganda.
" wala namang kakaiba " malamig na tugon ni Ceruz.Ibinaling ko ang aking mga mata sa kanya.Anong wala?!Hindi ba nila naramdaman ang napakalakas na enerhiyang iyon?!
" di mo ba naramdaman ang enerhiyang bumalot sa paligid kani-kanina lang? " nagtataka kong tanong rito.Umiling lamang ito habang ang mga mata ay nakatingin sa itaas.Gusto kong ipaglaban ang aking naramdaman kanina subalit paano ko naman ipapaliwanag sa kanila gayung lahat naman sila ay walang naramdamang kakaiba.Imahinasyon ko lamang kaya iyon?Pero hindi.Alam kong totoo iyon.
" baka pagod ka lang " mahinahong sabi ni Terra.Nagsimula na silang magsipasok sa loob ng bahay ngunit nagpaiwan muna ako rito.Nag-iisip.Nakikiramdam.Wala sa sariling napabuntong-hininga na lamang ako.Hindi ko alam.Hindi mapanatag ang aking kalooban.Alam kong may hindi magandang mangyayari.Kinakabahan ako dahil baka hindi nagtatapos sa kay Polo ang lahat.Wala na ang enerhiyang bumalot sa paligid kanina ngunit hindi pa rin nagbabago ang panahon.Mas tumindi ang lakas ng hangin at maging ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan.Marahil may bagyo o masamang panahon lamang kaya ganito.Isinawalang bahala ko na lamang iyon at inisip na siguro nga isa lang iyong imahinasyon o dala ng pagod.
Nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay dahil unti-unti ng bumabagsak ang mga ambon.Akmang pipihitin ko na ang busol ng pintuan ng muli kong maramdaman ang enerhiyang iyon.Malapit lang ito sa akin.Hinanap ko ang pinanggalingan nito.Dumako ang aking mga mata sa himpapawid at mula roon ay unti-unting lumantad ang isang nilalang.May pakpak ito katulad ng sa ibon at may mahabang sungay na katulad sa kalabaw.Wala itong kasuotang pang-itaas at binabalutan ng maiitim na balahibo ang parteng ibaba.Kinutuban ako at inihanda ko na rin ang aking sarili.
Sa kanya kaya nanggagaling ang enerhiyang iyon?Posible dahil mukhang malakas ang nilalang na ito.Nakatingin lamang ito sa akin at wala akong emosyong nababasa mula rito.Itim na itim ang kanyang mga mata na kung makikipagtitigan ako ay maaari kong ikamatay.
" sino ka?! " lakas-loob kong tanong rito.Nakatingin pa rin ito sa akin.Bumibilis ang bawat paggalaw ng kanyang pakpak.
" isa ka ba sa mga alagad ni Polo? " wika ko ulit.Di nakatakas sa akin ang pagkunot ng kalahating bahagi ng kanyang noo.Mukhang hindi nya ata nagustuhan ang aking sinabi.