Chapter 64

693 27 3
                                    

Terra POV

      Ang kaninang maamong mukha ng babae ay hindi ko na masilayan sa kahit anong bahagi ng kanyang mukha.Ang manipis nitong balat ay nagiging katulad na sa bayawak.Mahahaba na rin ang mga kuko nito.

Nakatayo ako malayo rito habang habol ang hininga.Marami na akong natamong sugat sa aking katawan dala ng mga kalmot at paglapat ng kanyang patalim sa akin.Tuluyan na ring lumantad sa kanyang harapan ang aking matipunong katawan.
     " ikaw ang nasa likod nitong nangyayari tama ba ako? " ang kaninang mapang-asar kong tono ay naglaho na.Ang lahat ng nangyayari sa amin ay wala ng halong biro.Ang mga natamo naming mga sugat at pasa ay sanhi ng matindi naming labanan kani-kanina lamang.Tabla ang laban at walang may talo o panalo sa mga oras na ito.Ngumisi ang babae kung saan sumilay ang mga pangil nito bago ako hinarap.
   " hindi,isa lamang akong libangan " aniya.Bigla itong nawala at lumitaw sa aking harapan.Inihanda ko ang aking kamay na nababalutan ng mga lupa at inipon roon ang lahat ng aking lakas.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanyang sikmura ng mahuli ko ang kanyang presensya sa aking likuran.Tumilapon sya sa malaking bato dahilan upang gumuho ito.Kinumpas ko ang aking kamay at umaangat ang mga matutulis na bato at agad na pinakawalan patungo sa direksyon nya.Isang sunod-sunod na pagsabog ang naganap.Binalot ng makakapal na alikabok ang kanyang paligid.Pinakiramdaman ko ang palibot.

Bahagya akong napaatras ng maramdaman ang paglapat ng matulis na bagay sa aking pisngi.Sumilay ang maliit na linya roon kung saan may umagos na likido.Mabilis ang kanyang mga galaw na hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na ito at nakatutok sa akin ang kanyang kamay.Nagpakawala ito ng malakas na enerhiya sa aking harapan.Wala akong nagawa ng tamaan ako nito.Ramdam ng aking buong katawan ang napakalakas na pwersang mayroon ang kapangyarihan niyang iyon.

Tinukod ko ang aking kamay sa lupa upang maiwasan ang pagdaos-daos sa bangin.May kalakihang sugat ang nilikha niyon sa aking tiyan.Bagama't nakatayo pa rin ay alam kong unti-unti ng humihina ang lakas na mayroon ako.

Wala man akong kakayahang paggalingin ang aking sarili katulad ni Dawi ay may kaalaman rin naman ako kung paano mapigilan ang pagtagas ng mga likido sa aking katawan.Dumakot ako ng malambot na lupa at itinipal sa aking mga sugat.Sa ganoong paraan ay mabawasan nito ang pagdurugo.Binalot ko na rin ang aking sarili ng mga putik.

Iwinasiwas ni Eztael ang kanyang sandata sa hangin at sa bawat kumpas ng mga ito at nawawasak ang mga bagay na natatamaan nito.Lumiwanag ang aking kamay at lumabas ang aking sibat.Ngayon bibigyan kita ng mainit na laban.

Hindi ko na siya hinintay pang sumugod dahil agad akong naglaho sa aking kinatatayuan at lumitaw sa kanyang harapan.Pinalo ko ang aking sibat sa bandang tagiliran nito ngunit mabilis nya itong nasangga ng kanyang sandata.Kisap-matang naglaho ako sa kanyang harapan at isang malakas na hampas ang iginawad ko sa kanyang likuran ng lumitaw ako rito.Napigilan nitong bumagsak sa lupa kaya naman agad nya akong sinugod.Kinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at sa bawat dinaraanan nya ay mga mga matutulis na korte ng lupa ang nag-aabang sa kanya.Sumasabog na lamang ito sa tuwing iwinasiwas nito ang kanyang espada at nagpapakawala ng mga korteng kurbang pulang enerhiya.

Tinutok ko sa lupa ang aking palad.Yumanig ng napakalakas ang kalupaan hanggang sa ang kaninang kapatagan ay nagbagong anyo na at naging isang mala-komplikadong tanawin.May parteng malalim at may mga parteng may mga nakausling matutulis na bato.
    " maligayang pagdating sa aking munting daigdig " nakangisi kong wika rito.Lalong sumingkit ang kanyang mga mata sa nasaksihan.Tinutok nito ang kanyang espada sa aking direksyon at nagpakawala ng sunod-sunod na enerhiya.Nagsiliparan ang mga bato patungo sa kanyang direksyon ng kanyang enerhiya at lumikha ng sunod-sunod na pagsabog.Hindi ako mamamatay sa mga ganyan.

Bumaba ako sa lupa.Dahan-dahan ako nitong nilamon subalit nanatili sa paligid ang aking boses.
     " babae isang malaking pagkakasala ang nagawa mo " umalingawngaw lamang sa paligid ang aking boses.Lumingalinga pa ito dahil hindi nya ako mahanap.
       " nandito ako! " wika ko rito at lumitaw sa kanyang likuran.Alerto ito at agad na tinarak sa aking katawan ang kanyang espada ngunit nalusaw lamang ang aking imahe sa kanyang harapan.
   " WHAHAHAHAHAHA!!!! " malulutong kong halakhak.Muli nitong inilibot ang kanyang mga mata sa paligid pero hindi nya pa rin ako makita.
         " booo! " isang malakas na suntok ang pinakawalan ko pero nasangga nya ito gamit ang kanyang pinag-isang braso.
     " bakit ako'y hinahanap mo babae?nabighani ka na ba sa kagandahang lalaki ko? " pang-iinis ko rito ng makitang hindi na maipinta ang kanyang mukha.
        " magpakita ka duwag! " sigaw nito sa kawalan.Umusbong ang inis na naramdaman ko sa kanyang sinabi.Duwag pala ha.Lumitaw ako sa kanyang itaas at isang malakas na sipa ang pinakawalan ko sa kanyang ulo.Hindi nya ito inaasahan kaya naman huli na upang magawa nyang iwasan ito.Tumilipon sya sa isang sulok.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon