Chapter 46

1.3K 68 0
                                    

Dawi/New POV

     Handa na kami.Tinungo na namin ang maaaring pinagtataguan ng kalaban.Hindi kami sigurado rito dahil wala kaming bakas na maramdaman subalit hindi iyon dahilan upang mawalan kami ng tiwala.Nasa gilid-gilid lang sila ng siyudad na ito.Nagtatago sa mga madidilim na sulok,sa mga abandonadong gusali o kahit saan pa man.Naniniwala ako na matutunton namin sila.
   
" maghiwa-hiwalay tayo " suhestyon ko sa mga ito.Iyon lang ang nakikita kong mabisang paraan upang mapadali ang pahahanap namin.
     
" at kung sakali kayo'y may naramdamang kakaiba,magbigay lang kayo ng hudyat at kami'y makakarating " patuloy ko.Hinati ko na ang grupo.

Ako at si Ceruz.Si Terra at Eiri at si Alexir naman at si Evan.Pagkatapos magbigay ng mga paalala sa mga kasamahan ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas.

Tumungo kami ni Ceruz sa pinakamataas na gusaling mayroon ang siyudad na ito.Doon kami magsisimula.Ito ang nakikita naming paraan upang mas madali naming makita ang kahina-hinalang kaganapan sa ibaba.Nakaupo lang si Ceruz sa malapad na pasamano samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo at patuloy ang paghahanap.
   
" Dawi " mahinang pagtawag sakin ni Ceruz.Gumawi ang tingin ko sa kaniya subalit ang mga mata nito ay nakatingin lamang sa kulay asul na kalangitan.
 
" ano iyon? " tanong ko.Narinig kong nagpakawala ito ng mahinang buntong-hininga bago ako nito hinarap.Medyo nakaramdam ako ng kaba ng tuluyan kong makita ang kaniyang mukha.Tila may hindi magandang nangyari o mangyayari dahil sa emosyong naglalaro sa mga ito.
    
" may mahalaga akong sasabihin sayo " aniya.Sunod-sunod ang naging paglunok ko ng laway habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.Bakit ganito,hindi ko maintindihan itong aking nararamdaman,para bang unti-unting bumibigat ang aking dibdib sa hindi ko mawaring kadahilanan.
  
" b-b-buhay si Ekke "aniya.Tila isang malakas na pagsabog ang narinig ko ng banggitin niya ang pangalan ng isang pamilyar na nilalang.Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking nalaman.Nagtatalo ang aking isipan kung paniniwalaan ko ba ang kaniyang sinabi o hindi.Wala sa sariling napatingin ako sa kaniyang mga mata at tila nahanap ko na ang kasugatan sa mga katanungan ko.Kitang-kita ko ang kagalakan sa kaniyang mga mata.Natamime ako't walang salitang maimutawi sa aking bibig.Blangko.
   
" Dawi?ayos ka lang ba? " nag-aalala nitong tanong sa akin na siyang naging dahilan upang ako'y bumalik sa sariling ulirat.
 
" ha?oo naman ayos lang ako " pagkukunwari ko.

Paanong nangyaring buhay si Ekke?.Patay na siya.Iyon nga ang dahilan kung bakit ako ipinatapon sa mundong ito sa salang hindi ko naman ginawa,ang pag-aakalang pinatay ko si Ekke.Hindi abot ng aking kakayahang mag-isip kung ano ang nangyari at nabuhay muli ito.Hindi kaya't patibong lamang ito ng mga kaaway?.Tsaka sinong nagsabi sa kaniya hinggil sa bagay na iyon.
    
" si Polo,sinabi niya sa akin noong mismong araw na nagkaroon ng labanan sa pagitan natin " kumpisal ni Ceruz.Matagal na niya palang alam subalit bakit hindi niya man lang ito ipinaalam sa akin.Wala pa rin ba siyang tiwala sa akin.Hindi ko pa marahil lubos na nakukuha ang buong tiwala niya.
  
" bakit hindi mo man lang sa akin ipinaalam?ito pala ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na wala ka sa iyong huwisyo dahil iniisip mo ang sinabi ni Polo " may bahid ng pagkainis kong sumbat dito.
   
" patawad Dawi " tanging sagot niya lamang.Umasa akong magpapaliwanag siya subalit dahil sa kaniyang sagot ay tila hindi ko maiwasang mabigo.

Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa kabuuan ng siyudad.Nasasaktan ako.Umasa ako.Bakit ngayon pa nangyari ito.Magiging balakid pa sa misyon ito ang emosyong namamayani sa aking sistema.Inayos ko ang aking sarili at pinilit na hindi magpadala sa nagbabadyang pagsakop sa akin ng emosyon ko.Kakausapin ko na sana si Ceruz sa aking tabi ngunit paglingon ko'y wala na ito.Saan nagpunta iyon?.Hinanap ko siya sa paligid ngunit bigo akong makita siya.

Nasaan na siya?

Ceruz POV

Dinala ako ng aking mga paa sa isang abandonadong gusali.Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit iniwan ko roon si Dawi na mag-isa at hindi man lang nagawang magpaalam.Kanina,matapos kong sabihin iyon sa kaniya,kitang-kita ko na nasaktan ito.Hindi ko gustong nakikita ko siyang nasasaktan subalit kanina binigo ko na naman ang aking sarili.At ngayon nga'y naririto ako sa lugar na hindi ko alam kung saang bahagi ito ng siyudad.Tahimik ang buong paligid kaya nakapagtataka't dito ako dinala ng aking mga paa.Nagsimula na akong maglakad palabas nitong naturang gusali subalit hindi pa man ako nakakalayo mula sa aking kinatatayuan nang may maramdaman akong kakaiba sa paligid.Napuno ng mga mababangong halimuyak na nanggagaling sa mga bulaklak ang buong palibot.Unti-unti akong nakaramdam ng kagalakan sa king dibdib.Ito'y tanda na naririto si Ekke,ang Dyos ng mga Bulaklak.Mabilis akong lumingon at hinanap ko siya sa palibot nitong gusali subalit wala pa rin akong nakikitang presensiya nkya
   
" Ekke! " umalingawngaw ang boses ko sa kabuuan ng abandonadong gusali.Kasabay nito ang pagdampi nang malakas na ihip ng hangin mula sa aking likuran.Tila bumagal ang pagtakbo ng oras habang dahan-dahan kong nilingon ang gawing iyon.Kasabay pa rin nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Lumantad sa aking harapan ang napakagandang  mukhang matagal ko ng nais na makita muli.Ilang taon na ba ang lumipas ng huli kong masilayan ang pinong ngiti nito at ang kaniyang mga mapupungay na mga mata.Hindi na ako nakapag-antay at mabilis ko itong nilapitan at hinagkan nang pagkahigpit-higpit.Hinayaan lang naman ako nito sa pagkakayakap sa kaniya.Nanatili kami sa ganoong posisyon ng maisipan ko na itong harapin at masilayan ang kaniyang mayuming wangis.
  
" Ekke " puno ng emosyon kong banggit sa pangalan ng dilag sa aking harapan.Nakatingin lang ako sa kaniyang maamong mukha habang may nakasabit na matamis na ngiti sa aking mga labi.
      
" ako nga ito Ceruz " tuluyan ng sumabog ang emosyong kanina ko pang pinipigilan nang marinig ko ang kaniyang boses.Siya nga si Ekke.Ang aking Ekke.Muli ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit.
   
" Ceruz ako'y nababahalang hindi makahinga sa higpit ng iyong pagkakayap sa akin " wika ni Ekke.Agad naman akong tumalima at bahagyang niluwagan ang aking pagkakayakap sa kaniya.
  
" ang buong akala ko'y wala ka na,paano nangyari't naririto ka,buhay na buhay?! " mahina kong wika rito.
      
" hindi,hindi ako nawala Ceruz,nandito lang ako " sabay turo sa dibdib ko.Sandali akong natigilan sa kaniyang sinabi.Naalala ko bigla si Dawi.Sandali bakit ako nagkakaganito.Tila nakalimutan ko si Dawi,ang nararamdaman ko para kay Dawi.Mali ito.Hindi ito maaari.
  
" Ceruz may gumugulo ba sa iyong isipan? " mahina nitong usisa.Muli akong napatingin sa kaniya at sa pagkakataong ito'y unti-unti na akong nakakaramdam ng pagka-ilang dahil sa mga nagawa ko kanina.Nagpadalos-dalos ako sa aking desisyon kanina pagkakita ko sa kaniya kaya nakalimutan ko si Dawi.Muli ko na naman siyang sinaktan.Bahagya akong dumistansya sa kaniya upang masilayan ang buong kabuuan ng babaeng kaharap.Hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito.
     
" Ekke " nahihiya kong tawag sa pangalan nito.
  
" Ceruz " at bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aming mga labi at kasabay ng nangyaring iyon ang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.
    
" Ceruz?! " mabilis kong inilayo ang aking sarili sa kay Ekke at napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses na iyon.Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan ng magkasalubong ang aming mga mata.Kahit may kalayuan,nakita ko sa mga mata ni Dawi ang pagpatak ng luha nito.

Ceruz ano na naman ba itong ginawa mo.Akmang pupuntahan ko na sana si Dawi ng pigilan ako ni Ekke.
    
" saan ka pupunta? " aniya.Tinanggal ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso at nagsimulang maglakad.Nakailang hakbang pa lamang ako mula sa kaniya nang makita ko ang paglantad nang malakas na enerhiya mula sa kay Ekke at naghahandang aatakehin ako.Napakabilis ng mga pangyayari't muntikan na akong matamaan ng kaniyang kapangyarihan.Subalit sa isang iglap ay may tumulak sa akin palayo at matagumpay ko itong naiwasan.Ang sunod na nangyari ay ang malakas na pagsabog at pagbalot ng puting liwanag mula sa direksyong kinaroroonan ng babae.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon