Chapter 58

686 43 1
                                    

Dawi POV

Napagdesisyonan nila Clide at Anika na dito na lamang magpalipas ng gabi.Syempre natuwa ako dahil mahaba ang ibinigay na oras sa amin ni Tay upang mag-kasama.Mas lalo akong napalapit sa bata.Di ko rin alam kung paano basta sobrang saya ng nararamdaman ko sa tuwing kasama ko ito.

At katulad nga ng inaasahan ko,may isa na namang nagseselos rito.Sino pa ba kung hindi si Ceruz.Lahat na lang pinagseselosan.Pati bata dinadamay.Kanina habang nasa kay Anika si Tay ay saglit akong pumunta sa kwarto at di ko alam na sinundan pala ako nito.Nagulat na lamang ako ng makita ko ito sa kama na nakaupo sa  gilid.Naniningkit ang mga matang sinusundan ako ng tingin.Natutuwa ako syempre ngunit di ko yun ipinahalata.Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang suyuin ito na pagbigyan ako sa pagiging malapit namin ni Tay.Akala nya naman aagawin ako ng bata sa kanya.Di rin nagtagal ay pumayag na rin ito.

Kasalukuyan kaming andito sa gilid ng baybayin kung saan kami nagtitipon-tipon.Sa aming harapan ay nakalagay ang kumpol ng mga kahoy na pinulot ng aking mga kasamahan sa tabi-tabi.Gusto kong mapaligaya itong si Tay.
     " aabangan natin ang gagawin ni Tito Ceruz mo " natutuwa kong wika sa kay Tay na hinihintay ang gagawin ng nasabing pangalan.Nakamasid lang si Tay sa kay Ceruz na nakaupo sa kanyang tabi.Tahimik ito habang seryoso ang mukhang nakatingin sa mga kahoy.Ilang sandali pa ay ikinumpas nito ang kanyang kamay sa hangin at lumikha ng apoy na nagkorteng ibon.
         " yeheee!!!bird! " masiglang bulalas ni Tay ng makita ang ginawa ni Ceruz.Inulit pa ito ni Ceruz hanggang sa di ko na mabilang ang mga ito.Lumilipad lang ito sa ere animo'y may buhay.Akmang hahawakan sana ni Tay ang mga ito ngunit ngunit mabilis ko itong sinaway.
      " wag mong hahawakan yan baka mapaso ka " sabi ko rito.Mabait na bata at isang saway lang ay di na nya ulit inulit.Nakontento na lamang ito sa panonood.Maging ako ay nasiyahan sa ginawa ni Ceruz at alam kong hindi lang ako maging ang ilan naming kasamahan at sina Clide at Anika na hindi pa rin makapaniwala sa kanilang mga nakikita.

Tumagal sa ere ng ilang sandali ang mga ibon na gawa sa apoy bago nalusaw sa mga kahoy na nasa harapan namin.Unti-unting natupok ang mga kahoy at lumikha ng init laban sa malamig na bugso ng hangin.Muling nagbukas ng mapag-uusapan sina Terra at Alexir.Interesado silang malaman ang buhay na mayroon rito sa mundong ito at ganoon rin naman yung mga kaibigan ko sa mundo namin.
     " Tito New can you show some of your magic? " malambing na sabi ni Tay sa akin.Pakiramdam ko nalusaw ang puso sa paraan ng pagkakasabi nya.
         " yes of course! " masigla kong tugon rito.I-pwenisto ko sa hangin ang aking mga darili at ilang sandali pa ay unti-unting lumiwanag ang mga ito kasabay nun ang paglabas ng mga kulay bughaw na enerhiya.Lumutang ito sa ere na para bang naglalaro.Kita ko sa mga mata ni Tay ang pagkamangha at kasiyahan.
    " Tito New I want to see a fish " nai-excite nitong sabi.Itinaas ko ang aking mga kamay sa hangin at isinaboy ang mga namumuong enerhiya sa himpapawid.Nagmistulan itong fireworks.Mula sa itaas,nabuo ang samu't-saring uri ng isda na ayon sa kahilingan ni Tay.Nagtatalon ito sa tuwa habang pinapanood ang mga tubig na korteng isda na naglalaro sa ere.Di ko siya pinigilan ng subukan nitong hawakan ang maliit na isdang lumalangoy patungo sa kanya.Mas lalo pa itong natuwa ng magliwanag ito paglapat ng kanyang daliri.Tumagal ang ganoong senaryo.Napapangiti na lamang kaming lahat dahil sa inasta ng bata.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na muna kami nagsipasok sa aming mga silid.Muli,andito kami sa labas,sa hardin.Habang nakikipaglaro si Tay sa kay Ceruz at Terra,lumapit ako sa kay Anika na nakamasid sa dalampasigan.Di ko kasi mahanap si Clide kaya siguro siya na muna.Ito na siguro ang tamang panahon upang makapag-paalam sa kanila.Wala ng ibang pagkakataon.Ito na ang huli.
     " Anika " mahina kong tawag sa pangalan nito.Nilingon naman ako nito at sumilay ang matamis na ngiti.Tumabi ako sa kanya at ipinako ang aking mga mata sa dalampasigan.
     " ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Tay " simula nito.Nakatingin pa rin ito sa dalampasigan.
       " pakiramdam ko ipinagkait namin sa kanya ang bagay na iyon " madamdaming pahayag nito.Lumapit ako rito at hinawakan ang kanyang kamay.Alam kong iniisip pa rin nito ang nagawa nila ni Clide.Ngunit hindi iyon ang dahilan upang hindi maramdaman ni Tay ang kasiyahan at pagmamahal mula sa mga ito.Hindi man nila ito naipapakita ng pisikal sa kay Tay ay alam kong naipapakita naman nila ito sa ibang paraan.
     " napaka-swerte ni Tay dahil kayo ang naging pamilya nya.Kung ano mang bagay yang bumabagabag sa puso mo ay kailangan mo na iyang kalimutan,di pa naman huli ang lahat upang hindi mo maiparamdam sa kay Tay ang pagmamahal na mayroon ka sa anak mo " paliwanag ko rito.Hindi ito umimik pero ramdam ko ang mga emosyong naglalaro sa kanyang mga mata lalo pa't tuluyan ng nagsibagsakan ang kanyang masasaganang luha.Yinakap ko na lamang ito upang maibsan ang kanyang nararamdamang guilt sa kanyang anak.Hindi si Tay bunga ng isang pagkakamali.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon