New POV
Mula nang makalabas ako sa ospital,bumalik na rin sa karaniwan ang lahat.Same routine pa rin katulad nang ginagawa ko dati.Na-miss ko iyong apartment ko kahit isang linggo lang akong nawala lalo na iyong higaan ko tsaka ang ref.
" tapos ka na ba diyan?! " narinig kong sigaw ni Clide mula sa ibaba.Pupunta kasi kami ngayon sa bahay nila,inimbitahan ako ni Tita na doon maghapunan kasama ang pamilya niya.
" nagbibihis pa! " sagot ko rito habang isinusuot ang napiling T-shirt sa drawer.Pagkatapos magsuklay at tingnan ang sarili sa salamin,bumaba na ako kung saan nadatnan ko si Clide na nakatayong nakatingin sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.
" o anong klaseng pagmumukha iyang isasalubong mo sa akin? " puna ko rito.Isinuot ko muna ang sapatos bago siya nilapitan.
" babae ka ba at ang bagal-bagal mong kumilos? "
" bakit babae lang ba ang may karapatang maging mabagal sa pagkilos? " pabalang kong sagot dito.Hindi na ito muling nagsalita at lumabas na lamang.Pikon kasi kaya umiiwas sa gulo.Pagkatapos kong maisara ang pinto ng apartment,tinungo ko na kung saan nakaparada ang kotse ni Clide.Sumakay na ako at sinimulan niya nang buhayin ang makina ng kotse bago binagtas ang daan papunta sa kanila.
" anong itsura ko? " bigla kong tanong sa kay Clide.Gusto ko kasi simple lang ang suot pero presentable naman tingnan.Nakakahiya naman kasi sa kay Tita kung pupunta ako doon na pangit ang porma at itsura ko.
" ganoon pa rin " walang gana nitong tanong habang nakatingin sa daan.Napasimangot ako bigla sa narinig mula rito.May dalaw ba ang asungot na ito at bigla-bigla na lang nagbago ang mood.
" anong ganoon pa rin ang tinutukoy mo? "
" ganun pa rin,iyong New na kilala ko,iyong pilosopo,iyong New na gusto ko ay mali mahal na pala " seryoso nitong tugon habang nananatili pa rin ang mata sa daan.Bigla akong binalot nang katahimikan.Bakit ganiyan siya palagi.Bakit niya sinasabi ang mga ganiyan sa harapan ko?
" Clide "
" New naman,huwag mong sabihin babastedin mo ako? " aniya.
" hindi,pero "
" pero ano? "" hindi ko alam kung paano ka mahalin " mahina ang pagkakasabi ko noon pero sapat na siguro upang marinig niya.Bigla nitong ihininto ang kotse sa tabi at napatingin sa akin.
" maghihintay ako hanggang sa matutunan mo na ako mahalin " wika niya.
" Clide "
" please New,hindi ko man kilala kung sino ang nagmamay-ari sa puso mo pero naniniwala ako na darating ang araw na ako naman ang magmamay-ari niyan "
" bigyan mo naman ako nang pagkakataon,hindi iyong nagmamanhid-manhiran ka " patuloy niya.Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kaniya.Kitang-kita ko yung emosyong namayani sa kaniyang mga mata pero bakit wala pa rin akong maramdaman.
" please " napatango na lamang ako bilang tugon.Ayokong umasa si Clide.Sa ngayon wala pa namang nagpapatibok sa puso ko pero ayoko munang mag risk sa pag-ibig.Gusto ko lang i-maintain ang kung anong meron kami ngayon.
" tara na hinihintay na tayo ni Mama " muli nitong binuhay ang makina at ipinagpatuloy ang naudlot na biyahe.Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating sa bahay nila Clide.Mayaman sila Clide dahil apo siya ng isang senador.Mabait naman lahat ng kamag-anak niya kaya komportable ako kapag minsan dumadalaw sa mala-palasyo nilang bahay.
Pagkaparada ng kanyang kotse sa parking area ng bahay,nagsibabaan na kami at tumuloy na sa loob kung saan naghihintay si Tita sa sala nila.Agad akong nagmano bilang paggalang rito.
" salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko hijo " natutuwang wika ni Tita.
" walang anuman po,karangalan ko po " sagot ko.Pinaupo muna ako ni Tita habang hinahanda ang pagkain sa labas.Nasa tabi ko naman si Clide.
" noong huling bisita mo rito siguro 2nd year college palang kayo nila Clide at tingnan mo nga naman,ang laki na nang ipinagbago mo,mas lalo ka pang gumwapo " simula ni Tita.Maiituring na isang simpleng babae si Tita dahil bagama't sobrang yaman nila at kaya nilang bilhin ang mga nais nito,nanatiling simple pa rin siya.Mula sa pananamit at hanggang sa pananalita,hindi mo ito makikitaan ng pagiging mapagmataas.
" hahaha iyon nga rin po ang sabi ni Mama sa akin "
" kumusta na pala si Mama mo hijo?condolence sa pagkawala ni Papa mo "
" ayos lang po iyon Tita,ganun talaga kapag oras na ng tao wala na tayong magagawa,si Mama naman ayon naiwang mag-isa sa bahay sa probinsiya,minsan kapag may bakanteng oras binibisita ko siya doon " kwento ko.
" o sya halina kayo't sa hapag na natin ipagpatuloy ang ating kwentuhan " aya ni Tita.Dinala kami ni Tita sa labas,doon sa kanilang harden kung saan nakahanda ang pagkain.Dinner under the star.Ayon na nga,panay ang kwentuhan namin ni Tita at nakisali na rin si Clide habang kami'y abala sa pagkain.Masaya pala ang ganito,masarap sa pakiramdam at panibagong karanasan.Tapos na kami sa pagkain at nagpapahinga na lamang sa labas habang pinapanood ang mga butuin sa kalangitan.Pumasok na si Tita dahil may gagawin pa raw siyang importante kaya naiwan kaming dalawa ni Clide na nakahiga sa kanilang malapad na bermuda grass.
" small dipper ba iyon? " tanong ni Clide habang tinuturo ang mga bituin.
" oo,may alam ka pala sa constellation akala ko mga brand lang ng sigarilyo ang alam mo " tugon ko rito.Agad ako nitong siniko sa may tagiliran.
" nag-uumpisa ka na naman ha " aniya.Napangiti na lamang ako.Namayani ang katahimikan sa pagitan namin.Tanging mga paghinga lang namin ang nag-uusap at tibok ng mga puso.Pareho naming pinapanood ang kagandahan ng mga bituin sa itaas nang napakalawak na kalangitan.
Nasa ganoon akong posisyon nang biglang pumatong sa akin si Clide.Nagkasalubong ang aming mga mata at katulad ng dati para akong hinihigop nito.Hindi na ako nakagalaw sa bilis nang pangyayari.Pinagmasdan ko lang ang kaniyang mukha.Ang matangos niyang ilong,ang mapupungay niyang mga mata at tsaka ang labi niya,ang labi niyang kay sarap hagkan.Natigilan ako sa iniisip,hindi ito maaari.Ano ba itong iniisip ko.
" umalis ka nga diyan " saway ko rito subalit nagbingi-bingihan lamang ito.Sunod-sunod ang paglunok ko nang unti-unti nitong inilalapit ang kanyang mukha sa akin.Sa pagkakataong ito,tsaka palang ako nakaramdam ng kaba,hindi ko alam kung ano ang binabalak niya sa akin.Pinagtri-tripan na naman siguro ako nito.
" C-clide? " kinakabahan kong tawag pero katulad pa rin kanina,hindi pa rin ito nakikinig.Patagal nang patagal palapit nang palapit ang mukha nito hanggang sa wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at hintayin ang susunod na mangyayari.Dahan-dahan akong napamulat nang marinig ko ang walang kamatayang halakhak ni Clide.Wala na ito sa itaas ko at kasalukuyan itong nakahiga habang humahalakhak.Sabi ko na nga ba pinagti-tripan lang ako nito.Bumangon ako at iniwan siyang mag-isa doon.Pagpasok ko,nakasalubong ko si Tita pababa ng hagdan.Hindi na ako nagdalawang-isip na magpaalam at nilisan na ang bahay nila.
Bwesit siya.Walang magawa sa buhay at ako ang napagtripan.Pagkainis ang nararamdaman ko sa kay Clide habang palabas ng subdivision nila.Pagkarating sa kalsada,agad akong pumara nang masasakyang jeep.Sakto namang may dumaang pampasaherong jeep,kaya nan agad na rin akong sumakay.