New POV
Ngayong bumalik na sa akin ang alaala ko,unti-unti nang nabuo ang pagkatao ko.Isa akong Dyos.Hindi ko lubos maisip na ganito ang tunay kong pagkatao.Kanina,takot at pagtataka ang namayani sa sistema ko pagdilat ng mga mata ko.Mga taong hindi ko kilala ang nasa paligid ko't kakaiba ang kanilang mga kasuotan kumpara sa akin.Maging ang kanilang mga wangis ay tila nilililok ng isang napakahusay na manlililok.
Pagbalik ng aking mga alaala,nag-flashback lahat ng mga nakaraan kong alaala maging ang araw kung saan ako pinarusahan.At isang pangalan lang ang umalingawngaw sa isipan na nagdulot ng pagkasilang ng walang katumbas na galot dito sa aking dibdib.
Ang pangalang Ceruz.
Ang lalaking dati kong iniibig.Nang magtama ang aming mga mata kanina,aaminin ko na medyo may naramdamang galak sa puso ko subalit mabilis itong tinabunan nang galit dahil sa ginawa nito sa akin.
" Ama " naiiyak kong wika sa aking Ama nang yakapin ako nito nang mahigpit.
" tahan na,nagagalak ako at nakabalik ka na,huwag ka nang umiyak " mahinang tugon ni Ama habang hinihimas-himas ang likuran.Na-miss ko talaga siya nang sobra.Ngayon alam ko na ulit ang pakiramdam na kayakap ang totoo mong magulang.Masaya naman ako sa naging pamilya ko sa mundo ng mga tao subalit mas masarap pa rin sa pakiramdam na kayakap mo ang iyong totoo at tunay na magulang.
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kay Ama at hinarap siya.Tiningnan lang ako nito habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
" nasaan si Princepe? " nagtataka kong tanong rito.
" nandito ako Dawi " wika ng isang lalaking nasa likurang bahagi ni Ama.Bigla akong nagulat sa naging pagbabago ng itsura ng nag-iisa kong kapatid.Nilapitan ko ito at niyakap nang mahigpit,sinuklian naman ako nito ng isang mahigpit na yakap.Umalis ako rito na maliit pa lamang ito at heto tingnan mo na ngayon,malaki na at nagingibabaw ang kakisigan.
" kumusta ka na? " tanong ko rito.
" ganoon pa rin,wala namang nagbago " aniya.Napangiti na lamang ako.Nagkuwentuhan pa kami nila Ama hanggang sa lumapit ang ilang mga Dyos na naniniwala na wala akong kasalanan.Nandoon sina Kara at Miga,ang mga Dyosang biniyayaan nang kabutihan nang kalooban.
" masaya kami sa iyong pagbabalik Dawi " nakangiting wika ni Miga sa akin.
" salamat sa lahat Miga " tugon ko rito.
" mabuti't nakabalik ka nang ligtas,hindi nasayang ang ginawa naming pagbantay sayo sa mundo ng mga tao " wika naman ni Kara.Si Kara ang babaeng tinulungan akong makatakas sa kay Satur.
" maraming-maraming salamat,kung hindi dahil sayo bigo akong makabalik rito " pasasalamat ko nang buong puso sa kay Kara,malaki ang utang na loob ko sa babaeng Dyos sa ginawa niyang pagligtas sa akin sa kapahamakan.
" wala iyon,ang mahalaga sa ngayon,nandito ka na sa mundo natin " nakangiting wika ni Kara.Nag-kuwentuhan pa kami tungkol sa mga naging kaganapan rito at pagkalipas nang mahabang usapan,nagpaalam na ang dalawang Dyosa.Umuwi na rin kami ni Ama at tsaka ni Princepe.Ngayong nakabalik na ako,sisigiraduhin kong may mananagot sa ginawa nila sa akin.Ninakaw nila ang buhay ko at pinatikim ang hirap sa mundo ng mga tao.Ngayon,ako naman ang magpapatikim kung gaano kahirap ang naranasan ko doon.
Lumipas ang gabi at muling binalot ng liwanag ang buong paligid.Tumayo ako sa hinihigaan ko at lumabas sa aking silid.Napabuntong-hininga na lamang ako nang bumungad sa akin ang kagandahan ng paligid.Ibang-iba ang pagsikat ng araw sa mundong ito kumpara sa nakasanayan sa ibaba,gayunpaman,pareho silang napakaganda.
" mabuti't gising ka na " napalingon ako sa nagsalita.Si Ama pala.Nakatayo ito sa tabi ng pader nitong aking silid.Marahil binabantayan niya ako habang natutulog.Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi bago muling ituon ang paningin sa magandang tanawin.
" araw-araw pinanatili naming ganiyan kaganda ang tanawin na iyan,umaasang magugustuhan mo mula sa ibaba " simula nito.
" at hindi naman kayo nabigo " nakangiting tugon ko rito.
" marahil nakita mo na si Ceruz? " seryosong tanong ni Ama.Natahimik ako bigla,naglaho ang nakasabit na ngiti sa aking labi.Mahirap sabihing hindi dahil ang totoo niyan,ang mukha niya ang una kong nakita pagdilat ng aking mga mata.
" hmm oo Ama " mahina kong tugon rito.
" anong naramdaman mo? " seryoso itong nakatingin sa akin,waring binabasa ang magiging sagot ko.Ano nga ba ang naramdaman ko?.Galit ba?.
Oo.
Pagmamahal?.
Hindi ko alam.
" kailangan bang may maramdaman ako pagkakita ko sa kaniya Ama?hindi ba sapat na ang kalimutan na lamang siya at ipagpatuloy ang buhay na wala siya? " tugon ko rito.Nilapitan ako ni Ama at tinapik-tapik ang kanang balikat ko.Umalis na si Ama at naiwan akong mag-isa.Siguro ito na rin ang tamang panahon para kalimutan ang kung anong dating namamagitan sa amin ni Ceruz.Pumunta ako sa Bukal ng Kalinisan kung saan ako naliligo.Ito'y isang makapangyarihang batis kung saan nililinis nito ang iyong kasalanan o kahit ano pa mang karamdaman.Ako ang nagmamay-ari nito kaya walang ibang nakakalam nito maliban sa akin.
Katulad ng dati nanatiling malinis ito at napakalinaw ng tubig.Pinagmasdan ko muna ang paligid bago sinimulang hubarin ang aking mga kasuotan.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin hanggang sa unti-unti akong pinalibutan ng mga tubig na nagsisilbing takip sa aking hubad na katawan.Kapangyarihan ko ang tubig kaya kahit anong gusto kong gawin ay magagawa ko.Unti-unti akong lumusong sa malamig na bukal at hinayaang lamunin nito.Unti-unti kong naramdaman ang kapayapaan habang hinayaang dumaloy sa aking katawan ang tubig.
Nanatili ako roon.Pinaglalaruan ang tubig at inaaliw ang sarili.Natigil lang ang ginagawa ko ng biglang may magsalita mula sa ibang direksyon.
" walang kupas pa rin ang iyong kakisigan Dawi " muling wika nito.Mabilis ko namang hinanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon sa paligid.Sino iyon?.
" magpakita ka!sino ka?! " sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot mula rito.Iniangat ko ang sarili ko at ikinumpas ang mga kamay sa hangin.Kinubli ng mga tubig ang hubad kong katawan at iniangat mula sa pagkababad sa batis.
" lumabas ka! " utos ko.Mula sa kumpol ng mga matataas na damo,lumabas ang isang pigurang hindi ko nais makita.
" anong ginagawa mo rito?! " galit kong sigaw sa kaniya.Ngumisi lang ito habang papalapit sa akin.Nakaramdam tuloy ako nang kaba dahil sa inasta nito.
" masama ba akong pumunta sa lugar na ito? " aniya.Unti-unti akong napaatras mula sa aking kinatatayuan.
" Oo dahil sa akin ang lugar na ito " wika ko rito.
" walang sayo Dawi,wala kang pagmamay-ari " seryoso nitong tugon.Seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
" kung away ang ipinunta mo rito,wala ako ngayon sa huwisyo upang labanan ka " tugon ko at ibinaba ang kamay.Naging mabilis ang sumunod na pangyayari.Natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa bisig na ni Ceruz.Sinubukan kong makagalaw subalit mas malakas ito sa akin.Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig at nararamdaman ko ang nagbabaga niyang katawan.Hindi maaari,papatayin niya ako.
" a-anong ginagawa mo! " sigaw ko nang unti-unti na siyang binabalutan ng apoy.
" ang matagal ko nang binabalak,ang matagal ko na dapat na ginawa " aniya at mas lalo pang lumabas ang pag-alab ng apoy sa katawan niya.Mabilis kong ikinumpas ang mga kamay ko hanggang sa mag-anyong tubig ang buo kong katawan.Sa ganoong paraan,nakatakas ako mula sa kaniyang mga bisig.Lumayo ako nang agwat sa kanuya at agad na ikinumpas ang mga kamay.Naging korteng bilog ang mga tubig sa paligid at mabilis na itinapon sa kaniyang direksyon.Tanging pagsabog na lamang ang mga sunod kong narinig.