Chapter 57

718 41 0
                                    

Dawi POV

Ilang araw na rin ang nagdaan ngunit wala pa rin kaming nakikitang palatandaan na bumukas na ang lagusan pabalik sa aming mundo.Sa mga nagdaang mga araw ay wala naman kaming pinagkakabalahan kung hindi ang bawiin ang mga nawala naming lakas at magdiwang.Simpling pagdiriwang lamang iyon.Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa akin ni Ceruz kung saang lupalop kami ng mundo.Alam kong andito pa rin kami sa mundo ng mortal dahil unang-una walang kotse sa Gitnang Kaharian,pangalawa walang coffee maker dun at pangatlo walang naglalaro ng volleyball doon.

Andito kami ngayon lahat sa labas kung saan abala sa paglalaro ang apat.Sina Evan,Terra,Alexir at Ceruz.Nilalaro nila yung volleyball na kanilang napanood kanina sa sala.Tinuruan muna sila ni Evan kung paano laruin dahil maliban sa akin,sya lang naman ang namuhay rito bilang mortal.Habang abala sila sa kanilang ginagawa ay kami naman ni Eiri ay naatasang magluto ng aming magiging pananghalian.Nahihiya nga ako kasi gawaing pambabae ito pero heto kami ni Eiri ang nakatuka.Sabagay wala naman sa kasarian ang paggawa ng isang bagay.

Mula rito sa loob ng kusina,tanaw na tanaw silang apat na mukhang masaya sa kanilang ginagawa.Wala sa sariling napangiti na lamang ako.Ngayon alam ko na,wala na kaming dinadalang problema o suliranin man.Tahimik na ulit ang lahat.At sana'y sa pagbalik namin ay maging mapayapa na ang mundong ito at syempre ang mundo namin.
    " ang saya nilang panoorin hindi ba? " usal ni Eiri.Agad akong bumalik sa sariling ulirat ng magsalita ito mula sa aking likuran.
      " oo Eiri " nakangiti kong sagot rito.Ipinagpatuloy ko na lamang ang paghiwa ng karne.
  " ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Ceruz na nakangiti.Iyong ngiting alam mong totoo " aniya.Iginawi ko ang tingin ko sa kay Ceruz.Hindi man ito ang unang pagkakataong nasilayan ko ang kanyang mga ngiti pero ng makita ko yung mga guhit sa kanyang labi,wala akong ibang naramdaman maliban sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko na tinugunan ang sinabi ni Eiri at ipinagpatuloy na lamang ang aming ginagawa.Naging abala kaming lahat sa kanya-kanya naming ginagawa hanggang sa sumapit ang tanghalian.Itinigil na nila ang kanilang nilalaro at pinagsaluhan namin ang aming inihandang pagkain.Napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag.Tila isa kaming masayang pamilya.At isa ito sa hinding-hindi ko malilimutang pangyayari sa buong buhay ko.

Pagsapit ng hapon,nagkayayaan na maligo sa dagat.Walang tumanggi sa imbitasyong iyon at pinagbigyan namin ang bawat isa ng kalayaan kung ano ang nais gawin.Hindi pa rin nawawala ang tagisan ng lakas ng mga Dyos.Nakisali na rin ako sa kanila.Ipinamalas ko ang aking kapangyarihan sa harapan nila.Para bang nagkakaroon ako ng pagtatanghal at sila ang aking mga masugid na manonood.Syempre ikinatuwa ko yun.Isang karangalang magbigay-aliw sa aking mga kapwa Dyos.

Lumalim na ang gabi at lahat sila ay mahimbing ng natutulog.Samantalang ako naman ay nanatili sa labas dahil katulad ng mga nakaraang gabi ay tila ba iniiwasan ako ng antok.Malamig na ang hanging nagmumula sa malawak na karagatan.Ang mga bituin ay walang kupas sa pagningning.

Naupo ako sa bakanteng silya habang nakapangalumbaba sa kaharap na mesa.Dami ko pa ring iniisip.Sumasagi sa aking isipan ang alaala ng nakaraan.Ang alaala ko kasama si Mama at ang masasayang alaala namin ng aking mga kaibigan.Kumusta na kaya sila.Kailan ba ang huli naming pagkikita?Hindi ko na matandaan.Kumusta na kaya si Tay?Si Clide?si Anika?.Naging mabuti na kaya ang kanilang pagsasama?Gusto ko ulit silang makita kahit sa huling sandali man lang ay makapagpaalam ako sa kanila ng pormal.Iyong nakaraan kasi ay di ko yun inaasahan.

Tama.Kailangan ko silang makita at makausap sa huling pagkakataon.Babalik ako roon.
    " di ka na naman ba makatulog? " napapitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses.Gumapang sa aking leeg ang mainit nitong hininga.
       " ikaw bakit gising ka pa? " imbes na sagutin sya ay inilihis ko na lamang ito.Ganoon pa rin naman yung sagot ko sa kanya kung sakali ey.
   " wala ka kasi sa tabi ko " malambing nyang tugon.Ipinulupot nito ang kanyang bisig sa aking leeg at ipinatong ang kanyang baba sa aking ulo.
          " halika ka matulog na tayo " aya ko rito.Mukha kasing napagod ito sa kanilang ginawa kanina.Hindi na rin ito nag-protesta pa at hawak-kamay kaming bumalik sa aming silid.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon