New/Dawi POV
Kalat pa ang dilim sa paligid nang pumunta ako sa palasyo upang puntahan si Dion.Palihim akong pumasok sa loob dahil baka mahuli ako ng mga kawal.Dahan-dahan kung binuksan ang mismong pinto ng silid at agad na pumasok sa loob.Tanging mga ilaw lamang na nanggagaling sa kandila ang nagsisilbing liwanag sa buong silid.Maingat ang mga ginagawa kong paghakbang hangga't hindi pa ako nakakalapit sa higaan ni Dion.
Natigilan ako sa ginagawa ng may narinig akong mga malalakas na yabag at boses ng mga kawal mula sa labas ng silid.Tumago ako sa likod ng telang nakapahalang para kung sakaling may maligaw na pumasok hindi kaagad ako makita.Para akong magnanakaw sa sitwasyon ko ngayon.
Ipagpapatuloy ko na sana ang aking gagawin ng bigla na lamang may humablot sa beywang ko at mabilis na tinakpan ang aking bibig.Sinubukan kong magpumiglas subalit malakas ito kaysa sa akin kaya tumigil na lamang ako nang makaramdam nang pagod.
" maaari mo nang tanggalin ang iyong kamay " pagsuko ko rito.Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay nito at niluwangan ang pagkakayakap sa aking beywang.
" sino ka? " mahinang tanong ko rito.Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha sapagkat nasa madilim na bahagi kami ng silid ni Dion.Unti-unti nitong inilapit ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa tinapunan ito nang kakarampot na liwanag.Sapat na upang masilayan ko ang kilalang mukha.
" Ceruz?? " hindi ko makapaniwalang sambit sa pangalan nito.
" ako nga " aniya.Agad ko siyang itinulak at lumayo nang agwat mula sa kaniya.Anong ginagawa niya dito??Ay mali bakit siya nandito?
" bakit ka nandito!? " pinipigilan kong hindi lakasan ang aking boses dahil baka magising ko si Dion.
" sasama ako " walang emosyon nitong sagot.Ano!at sino namang nagsabing isasama siya namin.
" hindi " diin ko.Hangga't maaari ayoko muna siyang makita at hangga't maaari'y hindi muna kami puwedeng magkasama.
" wala kang magagawa kung gusto kong sumama " aniya at lumabas na sa dilim." aba't " hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang sumigaw si Dion.
" ang ingay niyo!!!! " sigaw nito habang nakapikit pa ang isa nitong mata.Nagkatinginan naman kami Ceruz.Tutal gising na rin ito,nilapitan ko na lamang siya at tinabihan.
" bumangon ka na diyan at may pupuntahan tayo " sabi ko rito habang niyuyog-yog ang kaniyang katawan.
" wala pang araw " mahina nitong sagot habang humihikab.Ayaw niya pa talagang gumising.Sige tingnan natin sa gagawin ko.Ikinumpas ko ang aking kamay sa gawi kung saan may tubig.Unti-unting namuo ang hugis bilog na tubig sa aking kamay,nang sapat na ang kapangyarihang namayani rito,ginawa ko na ang plano ko.Mabilis kong inihagis ang kapangyarihan ko sa natutulog pang Dion subalit hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyayari.Bigla na lamang humarang si Ceruz dahilan para sa kaniya tumama ang kapangyarihan ko.Pangkaraniwang tubig lang naman ito kaya hindi ito mapaminsala.
" bakit mo ginawa mo iyon?! " naiinis kong bulyaw rito.Tiningnan lang ako nito habang naliligo sa tubig.
" Dion bangon na diyan,malayo-layo pa ang pupuntahan natin " utos ni Ceruz.Bumangon na si Dion mula sa pagkakahiga at tumungo sa palikuran.Si Ceruz lang pala magpapabangon sa kanya,nagpakahirap pa ako.Tinungo ko na lamang ang balkonahe ng silid para maibsan ang pagkainis na nararamdaman sa kay Ceruz.
" paumanhin " hindi ko tinapunan nang tingin ang nagsalita at nanatiling pinagmamasdan ang mga tala.
" matagal-tagal na rin ang lumipas bago nakabalik rito si Dion mula nang sinuway niya ang utos ni Haring Agos " simula ni Ceruz.Hindi ako umimik dahil wala naman akong kinalaman sa mga nangyayari dito.Hinayaan ko lamang itong magsalita.
" ang balak ni Haring Agos ay gawing kabiyak ni Dion si Dyosa Aliana ang Dyosa Ng Kalangitan subalit hindi ito tinanggap ni Dion " patuloy niya pa.
" nagmatigas si Dion dahilan upang may mamuong galit sa puso ni Haring Agos sa kaniya,hindi man ito pinarusahan subalit nagkaroon nang suliranin si Dion sa kaniyang pagkatao,napansin mong ibang-iba na ang Dion kumpara noon,masyado nang mainitin ang ulo nito at laging napapasali sa gulo " sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon,ang nangyaring sa kay Yula.Halos gusto niya nang kitilin ang buhay nito.
" natatakot si Haring Agos baka... " saglit itong huminto at napalunok.
" baka ano? " tanong ko.
" mabuhay sa katauhan ni Dion ang kapangyarihang namayani sa kaniyang Ina noong ito'y nabubuhay pa,ang Diyablo Ng Kailaliman " halos pagkagulat ang naramdaman ko pagkarinig sa kaniyang sinabi.Hindi maaari.Naging mapaminsala ang naging labanan ng mga Dyos sa Diyablo Ng Kailaliman.Natatandaan ko,musmos pa lamang ako ng umatake ang diyablo sa Gitnang Kaharian.Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano pilit na talunin ng mga puwersa ng Dyos ang nasabing diyablo subalit bigo sila,kung hindi dahil sa tulong ng mga Dyos sa Kaitaas-taasang Kaharian,siguro nawasak na ng diyablo ang buong Gitnang Kaharian.
" puwede ba iyon? "
" maaari dahil may mga sensyales na kaming nakikita sa kay Dion " tugon nito.Wala na akong ibang maisip na itanong kaya nanahimik na lang ako.Nasa ganoon kaming sitwasyon nang lapitan kami ni Dion.
" natagalan ba ako? " aniya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Ceruz.
" oo tara na " lumapit sila sa akin.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at kami ay binalot nang malaking bula at tinangay ng hangin papunta sa bundok ng Aslan.Kailangan kong makakuha ng luha ng Ibong Assyre ng sa ganoon ay maibalik ko ang dating buhay ng Tibre.
" ano iyong pinag-usapan niyo kanina? " basag ni Dion sa nakakabinging katahimikan.Nanatili lamang akong tahimik dahil baka masabi ko na siya ang pinag-usapan namin ni Ceruz,ayokong magkaroon ng mga katanungan sa isipan ni Dion pero natatakot rin ako na baka,baka...
" ang mga mortal " sagot ni Ceruz.
" ano namang mayroon sa mga mortal?iyong mga mapang-abusong nilalang? " tila may bahid nang galit na saad ni Dion.
" hindi naman lahat " singit ko.Totoo naman hindi ba na hindi lahat ng mga tao inaabuso ang mga bagay na ibinigay sa kanila,may mga tao pa ring pinangangalagaan ang mga ito.
" tila ipinagtatanggol mo ang mga tao " seryosong wika ni Dion.
" hindi sa ganoon,sinasabi ko lang ang katotohanan " sagot ko rito.Hindi na lamang siya nagsalita at iniiwas ang paningin sa amin.
" may mortal ka bang naiwan doon? " biglang tanong ni Dion.
" oo " tipid kong sagot rito.
" iniibig mo? " muli nitong tanong.Nahuli kong nakatingin sa akin si Ceruz subalit mabilis naman nitong iniiwas ang kaniyang paningin.
" hin-- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang kaming tumilapon sa pagbangga nang malaking puwersa sa amin.