New/Dawi POV
Hindi nga ako nagkamali dahil makalipas ng ilang minuto'y magkasabay na dumating sina Ken at Wayne.Pagkagulat ang namayaning emosyon sa kani-kanilang mga mukha nang makita ako.Mabilis nila akong niyakap nang pagkahigpit-higpit.Miss na miss nga ako ng mga kaibigan ko.Tutal dahil kompleto naman kaming lima,nag-celebrate na lamang kami sa kabila ng masamang panahon.Ini-enjoy ko ang minutong kasama ko sila dahil alam ko na hindi na ito muling magagawa kasama sila.
" cheers! " masayang sabi ni Clide habang nagto-tossed ng bote ng alak sa hangin.
" iniwan ko ang mga paperworks doon sa opisina nang marinig ko ang pangalan mo nang tumawag sa akin si Clide " kuwento ni Ken sabay iling ng kanyang ulo.
" sus as if naman nagta-trabaho ka roon " salungat naman ni Wayne sa katabi.Tinapunan lang ito ng masamang tingin ni Ken habang tinutungga ang kaniyang alak.Nagtawanan lang kami dahil sa ginawa ni Wayne.
Ngayon,walang masisidlan ang kasiyahan sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko.May mga sari-sarili na silang buhay subalit nakikita kong hindi pa rin nila kinakalimutan ang aming pagkakaibigan.Successful na rin sila bilang mga indibidwal sa larangang tinahak nila.
" kuwento ka naman New tungkol sa nangyari sa iyong buhay after mong mawala " tanong ni Wayne.Natahimik ang kaninang masayang grupo sa sinabi nito.Inilibot ko ang paningin ko sa aking mga kasamahan at lahat ng ito ay nakatingin lang sa akin habang hinihintay ang sagot ko.Kinain ng kaba ang buo kong sistema dahil hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula,anong sasabihin ko?.
Gagawa na naman ako ng istorya?.
Hindi nila maaaring malaman ang katotohanan subalit ayoko namang magsinungaling sa kanila.Hindi nila deserve ang kasinungalingan ko.
Humugot muna ako ng hangin at lakas ng loob bago nagsalita.
" pumunta ako sa napakalayong lugar kung saan hindi kayang abutin ng imahinasyon niyo " umpisa ko.
" anong ibig mong sabihin? " nagtatakang tanong ni Ken.Bakas rin ang kaguluhan sa mga mukha ng tatlo.
" basta mahirap ipaliwanag,hindi niyo naman maiintindihan kapag ipinaliwanag ko sa inyo nang masinsinan " pagpatuloy ko.
" handa kaming unawain ang sasabihin mo " sabi ni Clide.Seryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa akin.Nais talaga nilang malaman ang totoong nangyari sa akin,pero paano ko ba ito ipapaliwanag?.Sandali akong natahimik,tinitimbang sa aking dibdib kung kailangan ko na bang ipaalam sa kanila ang tunay na nangyari sa akin.
" hmmm naniniwala ba kayo sa mga Dyos-dyosan? " tanong ko sa kanila.Kumunot lang ang mga noo sa sagot ko.
" siguro " Anika.
" oo " Wayne.
" yup " Ken.
" hindi " napabaling ang tingin naming apat sa kay Clide.
" huwag niyo nga akong tingnan ng ganiyan " naiirita nitong saway sa amin.
" paniniwalaan niyo ba ako kung sasabihin kong isa akong Dyos? " tanong ko rito.Halatang nagulat sila sa naging tanong ko,marahil hindi makapaniwala sa narinig subalit binulabog ito ng biglang humalakhak iyong tatlo maliban sa kay Clide na seryosong nakatingin sa akin.Wala akong nagawa kung hindi ang mapailing na lang.Inaasahan ko naman iyon.
" see!so wala akong maikwe-kwento sa inyo " naiinis kong asik sa mga ito.Hinayaan ko na lamang sila na pagtawanan ako.Wala naman akong magagawa.Ayoko namang ipagpilitan ang mga bagay na kahit sa imahinasyon nila ay hindi masakop.Tinungga ko na lang ulit ang alak na nasa harap ko para maibsan ang inis na nararamdaman.
Muling umalingawngaw ang ingay sa pagitan namin.Panay ang kuwentuhan at biruan.Muling binuksan ang mga nakaraang pahina ng buhay namin.Inungkat ang mga alaalang aming pinahahalagahan.Pasalamat na lamang ako dahil hindi na nito inungkat pa ang mga kaganapan sa akin.
" its already 2am lets stop this for a meantime and lets take a rest first " sa kabila ng marami kong nainom na alak,hindi man lang ako nakaramdam ng kaonting hilo.Tumayo ako at inalalayan ang mga lasing kong kaibigan.Doon namin sila dinala sa guest room ni Anika.Natulog na rin ako sa inihandang kwarto ng huli.Pagod na pagod na rin ang katawan ko kahit papaano.
Hindi pa rin tumitila ang ulan kinabukasan.Mukhang may namumuong masamang panahon.Lumabas na ako sa silid na inilaan sa akin ni Anika at pumunta sa sala.Nadatnan kong naroroon na rin sina Ken at Wayne maging ang mag-asawa't tsaka si Tay.
" Tito New! " masiglang bati sa akin ni Tay at patakbo ako nitong nilapitan.Mabilis nitong ipinulupot ang kaniyang braso sa aking leeg at pinaulanan ako ng halik sa aking pisngi.Napatawa na lamang ako sa kakulitan nito.Lumapit ako sa kanila at nakisama sa kanilang panonood.Its already past 9am pero kung titingnan ang labas,parang alas singko pa lang ng umaga.Alam ko sa sarili ko na hindi ito basta ordinaryong galit ng kalikasan,sigurado akong may nangyayaring masama sa itaas.
" hey are you okay? " napatingin ako sa nagsalita.Si Clide.Ngumiti lang ako bilang tugon dito subalit hindi pa rin umaalis ang paningin ko sa labas.
" may low pressure area raw " wika ni Wayne.Lahat kami ay napatingin sa kaniya.
" what?I just read it while I'm scrolling my newsfeed " aniya.
Tumayo ako at pumunta sa terrace nitong unit ni Clide.Inilabas ko ang kalahating bahagi ng aking kamay at dinama ang mga butil ng ulan na mabilis na nagsisilaglagan.Isang pamilyar na mukha ang sumagi sa aking isipan.Si Ama.Ano kaya ang nangyayari sa itaas?.Sana ligtas ang pamilya ko roon.Kinakabahan ako dahil sa nangyayari rito.Nanatili ako sa ganoong posisyon at hinayaang mabasa ng ulan ang aking kamay.
Binalot ako ng kakaibang enerhiya.Nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil sa lakas nito.Hindi ko man ito maikukumpara sa enerhiyang tinataglay ni Polo o ni Yula pero alam kong sapat na iyon upang lukuban ako ng kaba.Malapit lang ito sa kinatatayuan ko.Dali-dali akong umalis sa terrace at dumiretso sa may pinto.Kahit nagtatakang nakatingin sa akin iyong lima,hindi ko na lamang sila pinansin.Kailangan kong malaman kung saan nanggagaling ang enerhiyang iyon.Sigurado akong mula iyon sa kalaban.
" where are you going? " narinig ko pang tanong ni Clide bago lumabas ng silid.Mabilis akong naglaho at muling lumitaw sa bukana ng condominium.Palapit ng palapit ang enerhiyang iyon.Palihim kong ginamit ang aking kapangyarihan upang hindi ako mabasa ng ulan.Sinimulan ko ng tahakin ang daan papunta sa kinaroroonan ng malakas na enerhiyang iyon.Tumigil ako sa isang eskinita.Dito nanggagaling ang enerhiyang iyon.Sigurado ako.Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sa ganoong lugar ito nagmumula.Dahan-dahan akong pumasok sa madilim na eskinita.Sa kabila ng kabang nararamdaman,ay inihanda ko rin ang aking sarili.Mabuti na iyon.
Hiindi kalayuan sa aking kinaroroonan ay malinaw kong naririnig ang mga sigawan at kaluskus ng mga bakal.Maingat ang mga galaw ko habang papalapit dito.Pakiwari ko ba'y hinihigop nito ang lakas na mayroon ako.
Nang tuluyan na akong makalapit,bumungad sa akin ang tatlong lalaking pinalilibutan ang isang taong nakasandal sa pader na basang-basa at duguan.Sa kaniya nagmumula ang enerhiyang iyon subalit hindi ko inaasahang ganito ang bubungad sa akin.Mabilis kong ikinumpas ang aking kamay sa himpapawid ng akmang papaluin ng tubo ng lalaki ang duguang binata.Agad naman itong tumilapon sa may pader.Nagawang sugurin pa ako ng dalawa nitong kasamahan subalit katulad ng nauna,ganoon din ang sinapit nila.Nang masiguradong hindi na nito magawang gumalaw,tsaka ko pa lamang nilapitan ang duguang binata.Halos pumutok na ang kalahating bahagi ng kaniyang mukha dahil sa natamong sugat.Nakakahabag ang kaniyang kinahihinatnan.
" sino ka? " napapaos nitong usal bago tuluyang nawalan ng malay.