Chapter 21

2.3K 93 1
                                    

New/Dawi POV

Dinala ako ni Dion sa kaniyang magiging silid pansamantala.Nandito siya sa palasyo ni Haring Agos kung saan dito naninirahan ang mga Dyos na mayroong dugo niya.

Si Yula,

Ceruz,

Diane at Dion.

Sila ay magkakapatid sa Ama.Ang totoo niyan marami pang mga Dyos ang naririto sa palasyo ni Haring Agos,ang iba ay mga bagong kapanganak pa lamang at ang iba naman ay mga nasa wastong edad na.

Wala kaming dugo ni Haring Agos kaya nasa iba kaming palasyo.Ang palasyo kung saan ako,si Princepe at ang aming Ama lamang ang naninirahan kasama ang mga mandirigma na binuo ng aking Ama at mga katulong.

" mabuti't nakabalik ka na? " wika nito pagkapasok namin sa kaniyang silid.

" anong ginawa mo doon sa kapatid mo? " pag-iiba ko.

" hindi ko iyon kapatid " pagtatama nito sa akin.

" bakit ba hanggang ngayon ay hindi mo matanggap-tanggap na kapatid mo si Yula,may alitan ba kayo noong ipinanganak kayo? "

" pagtatalunan na naman ba natin ang tungkol sa amin ni Yula,Dawi? " naiinis na sabi nito habang pinaglalaruan ang mansanas sa hangin.

" anong sadya mo't napadalaw ka dito sa palasyo? " pag-iiba nito.Hindi ko na lang ulit inungkat ang mga katanungan ko hinggil sa alitan ng magkapatid.

" may pinagkakaabalahan ka ba ngayon? " tanong ko rito.Napakunot bigla ang noo nito habang may pagtataka niya akong pinagmamasdan.

" bakit naman? " aniya.

" samahan mo kong pumunta sa Bundok ng Aslan " tugon ko rito.Mas lalo pang kumunot ang noo nito at halos hindi na maipinta ang kaniyang itsura.

" anong pinag-iisip mo?anong gagawin natin doon! " singhal nito pagkarinig nang sadya ko.

" kailangan kong tulungan si Conekta upang muling mabuhay ang Tibre " dahil may mga mahahalaga akong taong naiwan sa ibaba.

" Tibre? " tanging pagtango lang ang naisagot ko rito.

" dahil ba sa mga mortal? " mahina nitong tanong.Muli napatango lang ako.Naging parte na sila ng buhay ko kaya imposibleng makalimutan ko sila tsaka gumawa kami ng mga magagandang alaala na hindi dapat kalimutan.Marunong akong magpahalaga ng pagkakaibigan kahit papaano.

" may iniibig ka ba doon? " muli nitong tanong.

" wala,may mga naiwan lang akong mga taong naging mahalaga sa akin,umalis ako ng walang paalam kaya nag-aalala ako sa kalagayan nila " paliwanag ko rito.Sandaling binalot nang katahimikan si Dion.Ilang sandali pa,hinarap ako nito at tiningnan mata sa mata.

" sige sasamahan kita " aniya.Sa pagkadinig ng mga salitang lumabas sa kanyang labi ang siyang pagguhit nang matamis kong ngiti.Maaasahan ko talaga itong kaibigan ko.Napayakap na lamang ako dahil sa tuwa.

" ahemmm! " natigilan ako sa ginagawa nang marinig ang pamilyar na boses.Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kay Dion at nilingon kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

" Ceruz! " may galak sa boses na tawag ni Dion sa kaniyang kapatid.Nilapitan nito si Ceruz at ikinulong sa kaniyang mga bisig.Sa mga magkakapatid si Ceruz lang ang nakikita kong malapit sa kay Dion.Medyo may sayad kasi itong si Dion kaya mahirap kaibiganin.

" kagabi pa kita hinahanap " wika ni Dion sa kapatid.Subalit ang mga mata ni Ceruz ay nanatiling nakatingin sa akin kaya bigla akong nakaramdam nang pagkailang.Ayan na naman ang mga titig niya.Dawi,tinapos mo na ang lahat.Move on ika nga sa mundo ng mga tao.

" kinakausap kita kaya sa akin ka tumingin kapatid " bumalik naman sa sariling ulirat si Ceruz at tinapunan nang pansin si Dion.

" anong ginagawa niya rito? " walang emosyon nitong tanong sa kapatid.

" si Dawi?ah wala dinalaw lang ako tsaka magpapasama sa akin papuntang Aslan " nakangiti nitong sagot.Bakit pa niya sinabi!Lihim lang sana iyon.Nakita ko kung paano gumuhit ang mga linya sa noo ni Ceruz sa narinig.

" anong gagawin niyo doon? " takang tanong nito sa kapatid.Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito at baka may marinig pa ako mula sa kay Ceruz.Bago pa man makasagot si Dion agad akong nagpaalam sa mga ito at nilisan ang silid.Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng palasyo.Pero bago pa man ako tuluyang makalayo sa palasyo,bigla na lamang may humablot sa kamay ko.

" anong gagawin niyo doin? " seryosong tanong nito sa akin.

" ano bang pakialam mo? " naiinis kong sagot.Nanghihimasok na naman siya sa mga bagay na wala naman siyang karapatang panghimasukan.

" tinatanong kita kaya huwag mo rin akong sagutin ng isa ring tanong Dawi " napabuntong-hininga na lamang ako tsaka siya hinarap.

" bakit mo ba ito ginagawa?bakit ba hanggang ngayon patuloy mo pa rin akong nilalapitan?hindi ba dapat galit ang maramdaman mo sa akin dahil sa ginawa ko,sabihin mo nga sa akin,paraan mo bang kunin muli ang loob ko at.... " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

" at ano Dawi?paslangin ka?oo galit pa rin ako sayo mapa-hanggang ngayon,kinasusuklaman kita mapa-hanggang ngayon subalitlahat ng iyon ay hindi ko na maramdaman kapag nakikita ka,gusto ko laging nasa paningin kita para hindi ko na maramdaman ang mga bagay na iyon " mula sa seryoso nitong mukha,unti-unti itong naglaho at napalitan nang kalungkutan.Mayroon dito sa katawan ko na nag-uudyok sa akin na yakapin siya subalit may parte rin ng sistema ko na salungat sa nais gawin.Hindi pwede ito,ayokong muling magpaalipin sa emosyon ko.

" at sa tingin mo paniniwalaan pa rin kita?napaniwala mo na ako noon subalit hinding-hindi na muling mangyayari ulit iyon ngayon Ceruz " tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at tuluyan nang nilisan ang palasyo.Ayoko nang magpakatanga sa kaniya,tama na ang nangyari sa nakaraan.

Pagbalik ko sa palasyo ni Ama,sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Princepe.Lagi naman siyang nakangiti pero iba ang ngiti niya ngayon.Parang may magandang nangyari sa kaniya ngayong araw na ito.

" anong klaseng mukha iyan? " wika nito.Nilampasan ko lang siya at binuksan ang tarangkahan.

" nakabusangot ka kapatid " puna nito.Hinarap ko siya at sinubukan pakalmahin ang sarili.

" gusto mong biyayaan kita nang magandang pagmumukha kapatid? " suhestyon nito.

" hindi ko kailangan niyan Princepe "

" kung gayon,ano bang nangyari sayo? " pangungulit nito.

" si Ceruz " hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.Matatawa ba ako o maiinis sa naging reaksyon ni Princpe sa pagbanggit ko sa pangalan ng Dyos ng Apoy.Pinaghalong busangot at pagkayamot ang nakikita ko ngayon sa mukha nito.

" bakit ganiyan ang iyong mukha? " natatawa kong tanong sa kaniya.

" ewan " aniya at akmang tatalikuran ako pero mabilis ko naman itong napigilan.

" teka Princepe,may iuutos ako sayo,bukas pwede ka bang magpanggap na ako sa pulong " wika ko.

" huh?bakit anong gagawin mo? " nagtatakang tanong nito.Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga tsaka biglang sumigaw nang pagkalakas-lakas at kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.

" basta gawin mo iyon para sa akin!! "

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon