New POV
Dapat masaya ako ngayon kasi birthday ko pero heto ako't mag-isang sini-celebrate ito dito sa apartment.Wala akong natanggap na birthday message mula sa kanila maliban sa kay Mama na katatapos lang tumawag.
Inabala ko na lamang ang sarili sa pagkain ng binili kong cake habang nanonood ng palabas.Hapon na rin kaya baka pagkatapos kong maubos ito maisipan kong magliwalil sa labas.I-enjoy ko na lang siguro ang sarili ko para kahit papano di ako makaramdam ng lungkot.Alam kong galit pa rin ang mga yun sa akin kaya wala silang paramdam hanggang ngayon.At kung yun talaga ang nararamdaman nila,wala na akong magagawa doon.
Pagkaubos ng kinakain kong cake,umakyat na ako sa itaas para magbihis.Kasalukuyan akong naghahanap ng susuuting shirt ng biglang malaglag yung ibinigay ni Mama na maliit na kahon.Ihininto ko muna ang ginagawa at dinampot ito.Pwede ko na rin siguro tung buksan tutal kaarawan ko naman.Ihinipan ko muna ito para matanggal yung mga nakapalibot na alikabok sa kahon bago binuksan.
Naupo muna ako sa gilid ng kama ko habang pinagmamasdan ang kakabukas pa lamang na kahon.Singsing?Dahil sa katandaan na ng panahon nag-fade na ang dating kulay nito.Pero aaminin ko maganda ito.May batong kulay bughaw ang nakaukit sa itaas na bahagi ng singsing.Pinagmasdan ko ito dahil pakiramdam ko parang may kung anong misteryo ang nasa loob ng bato.Ang ganda nya,lumiliwanag ito kapag tinatamaan ng sikat ng papalubog na araw.
Sabi ni Mama para sa akin ito, bigay ng babaeng kasama ko.Kinuha ko ang singsing sa kahon at isinuot.Tamang-tama ang sukat nito sa aking daliri at bagay na bagay sa akin.Ito na ata ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko.Muli akong tumayo at ipinagpatuloy ang naudlot na gawain.
Bumaba na ako at lumabas na ng bahay.Gabi na kaya nagsikalat na ang dilim sa paligid.Pagkatapos mai-lock ang pinto,lumakad na ako palabas.Pumara ako ng masasakyan at nagpahatid sa malapit na mall.Doon ko na lang iuubos ang nalalabing oras at magpakasaya.
" salamat po " wika ko pagkatapos magbayad.Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon sa di ko alam ang dahilan.Kanina bago ko maisuot ang singsing,ang bigat-bigat ng dibdib ko,animo'y may nakabara sa mga kaugatan ko pero nang maisuot ko na ang singsing na ito,biglang naglaho ang bigat na iyon.Pumasok na ako sa loob habang may nakasabit na ngiti sa labi ko.Di ko maiwasang di mapangiti e.Deserve ko naman siguro ito kasi birthday ko naman di ba?Nagpatuloy ako sa pagliliwalil,bumili na rin ako ng mga bagong damit at accessories bilang regalo sa sarili.Nang makaramdam na ng pagod at gutom naisipan kong kumain sa isang restaurant.Di pa man ako nakakapasok ng agad kong nahagilap ang mga pamilyar na mukha.Andito yung apat at mukhang masaya sila.Kitang-kita ko kung paano humalakhak sina Anika at Ken at maging si Clide.Nakaramdam ako bigla ng bigat sa dibdib.Yung pakiramdam na di man lang nila ako naalala sa kaarawan ko kahit may konti kaming tampuhan.Di na lamang ako tumuloy dahil pakiramdam ko babagsak ang aking mga luha sa nasaksihan.
Umalis na lamang ako sa lugar na iyon habang dinadamdam ang sakit na nararamdaman at pumunta sa lugar kung saan madalang ko lang puntahan.
Clide POV
Alam kong may kasalanan rin ako sa nangyayari ngayon sa pagitan ng barkada at kay New.Kung di dahil sa ginawa kong panti-trip sa kanya noong nakaraang araw siguro di nangyari ang lahat ng ito.Inamin ko na rin ito sa kanila.
Di namin ginusto ni Anika ang naging sanhi ng pagpunta namin sa kanyang apartment noong nakaraang araw.Nag-aalala lang kami sa kanya.Nito kasing mga nakaraang araw palagi na lang syang nasasangkot sa mga delikadong gulo.At ang ikinagalit pa namin lahat ay yung hindi nya sinabi sa amin.Kung hindi dahil sa kay Ken siguro hanggang ngayon di pa rin namin alam ang nangyari sa kanya.
Birthday nya ngayon at balak namin syang surprisahin at humingi na rin ng tawad.Kasalukuyan kami ngayong nasa isang restaurant sa isang mall malapit sa apartment nya upang pag-usapan ang gagawing sorpresa.Gabi na rin kaya di na kami umorder ng pagkaing mabigat sa tyan.
" oh anong plano natin? " umpisa ni Ken.
" nag-iisip pa nga di ba " naiinis na sabi ni Anika.Pinagmasdan ko lang silang dalawa tutal sila naman ang nagplano nito.Ang suhestyon ko kasi ay yung pumunta na lang doon at humingi ng despensya tapos kalimutan ang nangyari at i-celebrate ang birthday nya.
" hmm ganito na lang kaya lagyan natin ng fireworks yung apartment nya para enggrande ang surprise di ba " biglang sabi ni Anika.Napatawa na lamang kami sa sinabi nya.Parang baliw ang isang tuh.Kung ginawa namin yun e di masusunog ang bahay nya at mas lalong magagalit pa yun sa amin.
" puro ka kalokohan " nasabi ko na lamang at inilibot ang paligid sa labas.Saktong pagtingin ko sa may bandang pintuan ng restaurant ang syang paglabas ng pamilyar na mukha.Di ako pwedeng magkamali.Si New.Agad akong tumayo at dali-daling lumabas pero wala na sya.Iniikot ko ang atensyon sa paligid pero di ko na sya mahanap.Anong ginagawa nya rito?Nakita nya kaya kaming lahat rito.Posible yun.
" anong problema Clide? " nagtatakang tanong ni Anika na di ko na sinundan pala ako.
" andito si New...nakita nya tayo " tugon ko rito.Bakas sa mukha ni Anika ang pagkagulat at pagkabalisa.
" shit! " naisatinig na lamang nito.Pumasok na kami sa loob at ikweninto ang nasaksihan kanina.Sigurado akong na-misinterpret yun ni New.Baka iba ang isipin nun.Umalis na kami sa nasabing restaurant at dumiretso sa apartment nito.Wala naman itong ibang lugar na maaaring puntahan.Pero naka-lock ang pintuan nito at mukhang wala sya rito.Saan naman yun pumunta.
" may alam ka bang lugar na madalas nyang tamabayan? " nag-aalalang tanong ni Anika.Napaisip ako.Maliban rito madalas syang pumunta sa dagat.
" dun sa dagat " sagot ko.Agad kaming bumiyahe papunta dun sa sinabi ko.Habang nasa byahe bakas sa mukha ng lahat ang pag-aalala.Ibang magalit si New.Agresibo ang isang yun at di nito nako-kontrol ang emosyon nya." kasalanan ko tuh e " naluluhang sabi ni Anika.
" walang dapat sisihin dito okay " wika ni Ken.Kasalukuyang tahimik naman si Wayne habang panay ang tingin sa kanyang cellphone.
" di nya sinasagot ang tawag ko " sabi ni Wayne.Pagdating namin sa dagat,muli kaming nabigong mahanap sya doon.San ka na ba New.Magpakita ka naman please.
" maghahating-gabi na,bukas na lang siguro natin sya puntahan sa bahay nya.Hayaan muna natin syang magpalamig,alam kong galit yun sa atin pero kilala naman natin si New kaya alam kong di ko yun gagawa ng ikasasama nya " wala na kaming nagawa kung hindi ang sang-ayunan ang suhestyon ni Ken.Umalis na kami sa lugar na iyon at nagsiuwi na lamang dala-dala ang pag-aalala sa kay New.