Chapter 43

1.4K 67 0
                                    

New/Dawi POV

    Matagal bago tuluyang kumalma ang lalaking kaharap.Nanatili pa rin siya sa ganoon pa rin siyang sitwasyon.Nakatali ang mga kamay gamit ang mga galamay na likha sa tubig.Hindi pa rin bumabalik sa dati nitong kulay tsokolate ang kaniyang mga mata.

" sino ka ba talaga?hindi ako masamang nilalang,gusto ko lang malaman kung ano at sino ka,kung nasa panig ka ba namin o hindi " basag ko sa katahimikan.Matamang nakatingin lang sa akin ang nagtatakang mukha ng lalaking kaharap.Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalakin ito.

Narinig kong nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga bago ibinaling sa akin ang kaniyang tingin.Kitang-kita ko sa mga mata nito ang halo-halong emosyong naglalaro rito.

Takot

Hinagpis

Kalungkutan

at poot.

Wala ako sa lugar para husgahan siya pero sa tingin ko'y sobrang bigat at masalimoot ang pinagdaan ng lalaking ito.

" ang pangalan ko ay Evan,ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung ano ako,oo tao ako sa aking pisikal na kaanyuan subalit may mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi,nakakulong ako sa isang bangungot " simula nito.Tahimik lamang ako habang pinakikinggan siya.

" diablo ang turing ng aking pamilya sa akin,isa raw akong anak ng demonyo dahil nga sa kung ano ang nagagawa ko,kinalakihan ko ng ganoon iyong tingin ng iba sa akin,gusto ko nang mawala rito sa mundo,pagod na ako,pagod na akong magtago,masaktan ayoko ng ganitong buhay " may bahid ng pait sa boses nito habang sinasalaysay ang kaniyang sinapit.Nakaramdam ako nang awa sa kaharap.Hindi ko batid na biktima lamang siya ng kapalaran.

" Evan " tawag ko rito.Dahan-dahan nitong ibinaling ang kaniyang tingin sa akin.Lumapit ako rito at ipinantay ang aking mga mata sa kaniyang mga mata.Unti-unti ng bumabalik sa dati ang mga ito.Lumalabas na ang kulay tsokolateng kulay ng mga mata nito.

" sa kabila ng pagiging iba mo,ramdam ko ang kabutihan diyan sa puso mo,hindi man kita kilala subalit alam ko na hindi ka katulad ng mga naririnig mo patungkol sayo,mas kilala mo ang iyong sarili kaysa sa kanila " mahinahon kong wika rito.Tuluyan ng kumalma si Evan.Dahan-dahan kong ikinumpas ang aking mga kamay sa hangin kasabay ang paglaho ng mga galamay na nakatali sa kaniyang katawan.

Bumalik ako sa kaninang inuupuan ko samantalang si Evan naman ay tahimik lamang na nakasandal sa headboard nitong kama.Binalot kami ng katahimikan.Tanging mga pagbagsak lamang ng ulan mula sa labas ang naririnig namin sa paligid.

" ikaw,sino ka? " sa pagkakataong ito,kalmado na ang kaniyang boses.Wala na ang takot at pangamba.

" ako si Dawi,ang pangalan ko sa mundong ito ay New,isa akong Dyos ng Tubig " pakilala ko sa sarili.Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkagulat sa kaniyang narinig.Napansin kong bahagya siyang naguluhan sa sinabi ko subalit isinawalang bahala ko na lamang iyon.Karaniwan lang na ganoon siya mag-react dahil kung tutuusin hindi naman talaga ito kapani-paniwala.Sa modernong mundong ito,posibleng hindi na kami nag-i exist sa kanilang mga paniniwala.Nagbabago ang panahon,at kasama roon ang kaisipan ng mga tao.

" nandito ako sa mundong ito dahil mayroon akong kailangang tapusing misyon,kailangan naming mapigilan ang nagbabadyang labanan sa pagitan ng mga Dyos " seryosong salaysay ko.Tahimik lang naman itong nakikinig.

" kapag nangyari ang bagay na iyon,mawawasak ang sansinukob at mabubura ang sangkatauhan kaya hangga't maaari ay maagapan namin iyon " ngayon sa labas na ako nakatingin.Hindi ako natatakot makipaglaban sa mga Dyos,nangangamba ako sa mga tao.Sa oras na mahanap ko si Yula,hindi ako magdadalawang isip na patayin ito kahit labag iyon sa aming batas.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili.Nasa maayos nang kalagayan si Evan kaya siguro dapat tumuon na ako sa aking misyon upang makabalik sa aking mga kasamahan.

" maiwan na muna kita Evan,may kailangan pa akong tapusin " paalam ko rito at akmang lalabas na ng pinto ng bigla kong maramdaman ang kamay ni Evan.Tumigil ako at nilingon ito.

" gusto kong sumama " aniya.Seryoso ang kaniyang mukha.Wala akong nababasang pagbibiro o ano pa man.

" hindi maaari Evan,ito'y laban ng mga nasa itaas "

" hindi man ako isang Dyos na katulad niyo subalit kahit sa maliit na bagay lang ay may maitutulong ako,pagod na akong magtago,pagod na akong maging walang silbi " aniya.Sa pagkakataong ito'y nangungusap na ang kaniyang mga mata.Gusto ko mang tanggihan ang kaniyang sinabi dahil ayaw kong madamay siya rito subalit mapilit siya at siguro ito na rin ang nakikita niyang paraan upang makilala niya pa ang kaniyang sarili.

" sige " pagsang-ayon ko.Lumiwanag ang kaniyang mukha sa kaniyang narinig,tanda na nasiyahan siya.

" kung gayon tayo na't humayo " anyaya ko rito.Lumabas na kami ng motel at sa kabila ng patuloy na pag-ulan,tinahak namin ang maluwag na daan habang pinapakiramdaman ko ang paligid.

Malayo na kami sa sentro at namalayan na lamang namin na andito na kami sa hindi urbanisadong lugar.Tila may sariling buhay ang aming mga paa.Nagpatuloy ang paglakad namin hanggang sa bigla na lamang huminto si Evan.May pagtataka sa mga mata ko siyang tiningnan.

" ayos ka lang ba? " usisa ko rito.

" may nakikita ako,isang lalaking nakasuot ng itim na damit,may ginagawa siya sa mga tao,tila may hinihigop siyang hangin mula sa mga ito " nanginginig niyang kumpisal.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya.Hindi maaari.Ang mga enerhiya ng mga tao.

" alam mo ba kung saan?! " hindi makapagsalita si Evan dahil sa kaniyang pangitain bagkus ay itinuro lamang nito ang kanyang daliri sa lugar kung nasan nagkakaroon ng kababalaghan.Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kaagad na naglaho sa tabi ni Evan.Kailangan mapigilan ko kaagad ang nilalang na iyon.Hindi pagkain ang mga tao.

Isang malakas na hampas ng aking kapangyarihan ang mabilis kong pinakawalan simula ng makita ko ang lalaki.Hindi nito inaasahan ang naging atake ko kaya naman tumilapon ito doon sa mga malalaking troso.Inihanda ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko malakas ang isang ito.Ramdam ko sa kaniyang presensiya na hindi ito isang ordinaryong Dyos,wala man ito kasing lakas ng enerhiyang mayroon si Polo subalit sa tingin ko ay sapat na upang mahirapan akong mapabagsak ito.Nasa ganoon akong sitwasyon ng muntik akong tamaan ng trosong nagsiliparan papunta sa lugar ko.Mabuti na lamang at mabilis ko itong iniwasan.Inihanda ko ang aking sarili at hinayaang tuluyang basain ng ulan ang buo kong katawan.

Mula sa may hindi kalayuan,lumantad ang totoong anyo ng Dyos.Mas mataas at matipuno ang pangangatawan nito kumpara sa akin.Nakasuot ito ng kasuotan na katulad sa kay Polo.Isa marahil ito sa mga sunod-sunuran ng Dyos na iyon.

" tingnan mo nga naman,hindi ko inaasahang isang Dyos mula sa Gitnang Kaharian ang bibisita sa akin " nakangisi nitong pagsalubong habang papalapit sa puwesto ko.Hindi ko kilala ang Dyos na ito.

" mag-isa ka lang ba?tamang-tama ako'y nagugutom na,nasasabik na akong kainin ang iyong enerhiya,nakakatakam,hindi katulad ng mga enerhiyang nagmumula sa walang silbing mga taong ito,hindi man lang napupunan ang aking pagkagutom " aniya sabay himas ng kaniyang tiyan.Kinilabutan ako sa kaniyang mga sinabi.Anong uri ito ng Dyos?.

" magpakilala ka! " sigaw ko rito.Napuno nang halakhak ang buong paligid.Mula iyon sa kaharap na nilalang.

" ako si Gluto ang Dyos ng Kagutoman! " aniya.Sa isang kisap-mata lamang ay bigla itong naglaho sa aking kaharapan.Huli na ang lahat bago ko maiwasan ang kaniyang atake dahil pinaulanan na ako nito mula sa itaas ng mga butil ng kaniyang itim na kapangyarihan.Nagtamo ako ng mga sugat at galos sa aking tagiliran at sa iba pang bahagi ng aking katawan dahil sa lakas nang atake nito.Agad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang pagalingin ang aking sugat.

" ikaw sino ka?nakapagtataka't nakakatayo ka pa rin sa naging pag-atake ko " kunot-noo nitong tanong.Hindi ko naman maiwasang mapangisi dahil sa narinig,kung gayon hindi niya pa nakilala ang katauhan ko,kung gayon magpapakilala ako.

" ang pangalan ko'y  Dawi "

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon