Dawi POV
Nakatingin lamang ako sa lalaking kaharap.Di ko batid kung ano ang iniisip nito sa kasalukuyan.Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin na para bang isa akong uri ng pagkain sa kanyang hapag.Bagama't hindi mawari kung ano ang kanyang iniisip,tinapangan ko pa rin ang aking loob upang mapantayan ang mga titig niya sa akin.
" sinong nagpadala sayo rito?! " malamig kong tanong rito.Hindi pa rin ito nagsasalita.Kahit alam ko ng si Pigurano na kanyang Ama ang nagpadala rito ay gusto ko pa ring manggaling iyon sa kanyang mga bibig.Sinimulan nitong ihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin at sa bawat nadadaanang bagay ay nagmimistulan itong mga alikabok dahil sa unti-unting pagkalusaw nito.Inihakbang ko na rin ang mga paa.Sinasabayan ang ritmo ng pagtibok ng aking puso.Ang mga ingay na aming mga naririnig ay ang mga tunog na nagmumula sa aming mga sandatang nakikiskisan sa mga nakausling bato sa lupa.Ang mga paghakbang ay nasundan ng pagtakbo.Matulin ang ginawa kong pagtakbo at inihanda ang sarili at sandata sa pagsugod.Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay napansin kong ibinuka nito ang kanyang bibig na parang hinihigop ang hangin sa kanyang paligid.Dali-dali kong iwinasiwas ang aking espada ngunit huli na dahil isang napakalakas na enerhiya ang kumawala mula sa kanyang bibig at sa sobrang bilis nito ay hindi ko na magawang maiwasan ito.Sinubukan kong gumawa ng harang gamit ang aking kapangyarihan subalit mas malakas nga talaga ang kanyang enerhiya at tuluyang nabasag ang kinakukublian ko.
Tumilapon ako sa malawak na karagatan at mabuti na lamang ay mabilis ang aking galaw at naagapan ang masalimoot kong pagbagsak.Nanatiling nakatayo ako sa pagitan ng tubig dagat at hangin.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin.Ang kaninang maalon na dagat ay unti-unti ng kumalma.Nagmistulang may sariling buhay ang mga tubig at paunti-unting umangat ito.Binalutan nila ang aking katawan.Hanggang sa bumungad ang aking panibagong anyo.
Mabilis akong sumugod habang sa aking likuran ay nakaalalay ang aking mga kapangyarihang nagmistulang mga galamay.Pilit iniiwasan ni Quino ang aking kapangyarihan ngunit patuloy pa rin ito sa paghabol sa kanya.Pinaglaruan ko sa aking kamay ang isang kumpol ng tubig habang pinagmamasdan si Quino sa ginagawang pag-iwas sa aking mga galamay.Mula sa aking kamay,ang kaninang kumpol ng tubig ay naging isang pana at palaso.Ipwenisto ko ang aking sarili at dahan-dahang hinila ang mahabang taling nakasabit sa magkabilang bahagi ng pana.Itinutok ko ang palaso sa gawi ni Quino at papakawalan ko na sana ng biglang na lamang akong tumilapon mula sa aking kinaroroonan patungo sa mga punong nagkukumpulan sa tabing-dagat.
May mga hapdi at kirot akong naramdaman sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.Saan nanggaling ang kapangyarihang iyon?!Nanggagalaiti akong tumayo at nilisan ang lugar na iyon.Mula sa di kalayuan tanaw ko si Quino na mala-estatwa ang tindig.Nakatingin ito sa ibang direksyon.Dahil sa pagtataka,sinundan ko kung saan o sino ang kanyang tinitingnan.Sa kay Ceruz ito nakatingin.Lalapitan ko na sana si Ceruz ngunit bigla akong natigilan ng maalala ang nangyari kanina.Sa gawi ni Ceruz nagmula ang enerhiyang iyon.Hindi kaya.Alam kong hindi nya magagawa sa akin iyon.Sa kabila ng kirot na nararamdaman lalo na sa parteng dibdib ko ay isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil naniniwala ako na hindi sa kay Ceruz nagmumula ang kapangyarihang iyon.Hindi nya ako magagawang traydurin.
May namuong mga enerhiya sa magkabing bahagi ng aking kamay at mabilis itong pinakawalan patungo sa direksyon ni Quino.Ngunit nadurog ang puso ko ng bigla itong harangin ng naglalagablab na apoy.May pagtataka at pagkadismaya sa aking mga matang tumingin kay Ceruz.Bakit?Malamig ang mga mata nitong nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari.Parang kinakampihan nya pa ang kalaban at pino-protektahan laban sa akin.Nangungusap ang aking mga matang nakatingin sa kanya.Tinatanong ko siya kung sa paanong paraan.Ngunit wala.Hindi ko mabasa ang kanyang tugon.
Dahil nasa kay Ceruz ang atensyon ko ay di ko napansin ang sunod-sunod na pag-atake sa akin ni Quino.Naramdaman ko ang matalim na bagay na dumampi sa likurang bahagi ng aking katawan.Napangiwi ako dahil sa sakit at hapdi.Mabilis ang kanyang kilos na halos di ko mahuli kung saang bahagi siya susugod.Patuloy ang pag paglapat ng mga matatalim na bagay sa aking katawan at wala man lang akong magawa.Hindi maaari ito!
" HINDI!!!!!!! " sigaw ko kasabay ng pagkawala ng malakas na enerhiya sa aking katawan.Umaagos ang mga likido na nagmumula sa mga sariwang sugat sa aking katawan ngunit di ko maramdaman ang panghihina.Mas lalo akong lumakas.