Chapter 25

2.1K 92 0
                                    

Ceruz POV

     Ngayong araw na ito ay muli kong naramdaman ang kaligayahang hindi ko naramdaman ng ilang taon.Si Dawi ang dahilan nito.Araw-araw may kung anong bahagi ng aking sistema ang nais siyang makita kaya may mga pagkakataong palihim akong pumupunta sa Palasyo Ni Ragun upang masilayan lamang ang kaniyang maamong mukha.Aaminin ko,unti-unti nang naglalaho ang mga bigat dito sa aking dibdib,mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita at mahawakan si Dawi.

Mas lalo pa akong nagkaroon ng lakas ng loob dahil doon sa nangyari sa Aslan.Iyong mga yakap niya't pag-iyak na muling nagbibigay sa akin ng pag-asang may puwang pa ako sa puso niya.Gusto ko muling maramdaman ang init na nanggagaling sa kaniyang katawan,ang mga luhang ang dahilan ay kagalakan at ang pag-aalalang sa akin niya lang maramdaman.

Pagkatapos naming mapagtagumpayang makuha ang luha ng Assyre,bumalik na kami.Hindi ko na sinamahan si Dawi papuntang Tibre dahil may mahalaga akong pupuntahan.Ang templo ni Akke kung saan naroroon ang kaniyang libingan.May mahalaga akong sasabihin at sanay bigyan niya ako ng basbas.Pagdating ko sa naturang templo,hindi muna ako pumasok.Pinag-iisipan ko kung tama ba itong gagawin ko.Alam kong nangako ako sa kay Akke na siya lang ang iibigin magpakailanman subalit sa tingin ko hindi ko na ito matutupad.Alam ni Akke na mahal ko si Dawi subalit ng mga panahong iyon ako'y naguguluhan.Kaya mas pinili kong walang maramdamang pag-ibig sa kay Dawi subalit nabigo ako,habang tumatagal mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya.
   
" Akke naririto ulit ako " bungad ko ng tuluyang makapasok.Napansin kong may mga bagong alay na pagkain at bulaklak sa sahig.Kanino kaya nanggaling ang mga ito?.Sa kay Yula?.
    
" mukhang may iba ka pa palang panauhin maliban sa akin " natatawa kong pagsisimula.Wala namang kaso sa akin kung sino ang mga bumibisita sa kaniya.Masaya nga ako dahil kahit papaano'y naaalala pa rin siya ng lahat kahit hindi na namin siya kapiling.
     
" naririto ako sapagkat may mahalaga akong sasabihin " pansamantala akong tumigil,siguro ito na rin ang tamang panahon upang ilagay sa ayos ang lahat.
  
" narito na si Dawi,ayokong maging masaya na nandito siya dahil sa ginawa niya sayo subalit,naguguluhan ako Akke,sa tuwing nakikita ko siya,naglalaho ang galit sa dibdib ko at napapalitan ito nang tuwa at walang kapantay na galak.Sa tuwing nasisilayan ko ang kaniyang mukha,may mga malalakas na pagtambol na nangyayari dito sa aking dibdib " napatingin ako sa labas.Nilanghap ang sariwang hanging naglalaro sa paligid.
   
" pagkatapos ng kaganapang nangyari sa Aslan mayroon akong napagtanto,hindi ko kinalimutang mahalin si Dawi,tinabunan lamang ito ng galit at poot sa loob ng maraming taon,nagpalamon ako sa aking kahinaan " lumuhod ako at inilatag ang dala kong alay na bulaklak para rito.
    
" patawad dahil sa tingin ko'y hindi ko na matutupad ang pinangako ko sa iyo,mahal ko si Dawi sana'y bigyan mo ko ng tanda na sinasang-ayunan mo ang nararamdaman ko ng walang pag-aalinlangan at di-pagkagusto " nanatili akong nakatayo.Pinagmasdan ang kanyang himlayan.
   
" paalam na muna sa ngayon Akke " lumabas na ako ng templo at aktong lilisanin na ang lugar na iyon nang mahagip ng dalawa kong mata ang unti-unti pag-usbong ng isang bulaklak.Nilapitan ko ito at pinagmasdan.Kung hindi ako nagkakamali,ang bulaklak na ito ang pinaka-gusto ni Akke.Ito ba'y isang tanda na binibigyan niya ako ng basbas?.
   
" salamat Akke " bulong ko sa hangin at tuluyan ng nilisan ang templo.

Ngayon,itatama ko na ang aking pagkakamali at gagawa ako ng paraan upang ang mga nagawa ko ay aking maituwid.Pagdating ko sa palasyo,nakasalubong ko si Yula.May mga nakasabit na nakakalokong ngiti sa labi nito.Tiningnan ko lang ito hanggang sa lumampas sa aking kinatatayuan.
  
" Yula,pwede ba kitang makausap? " tawag ko rito.Tumigil ito sa paglakad at nilingon ako.Nilapitan ko siya at hinarap.
    
" nakakapanibago ang ngiti mo ngayon,dahil ba iyan sa ginawa ko kanina? " walang emosyon kong wika rito.Ngumisi lamang ito bago tumingin ng malayo.
     
" anong pinagsasabi mo? " pagmamaang-maangan nito.
  
" huwag ka ng magmaang-maangan pa Yula,alam ko ang ginawa mo,paalalahanan lang kita,sa susunod na may gagawin kang hindi kanais-nais " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang nito pinutol ang aking pagsasalita,nagliliyab sa galit ang mga matang tiningnan ako.
   
" bakit ano!!papaslangin mo ako?!sige gawin mo at upang makapiling ko na si Akke! " galit na singhal nito sa akin.Mabilis ko siyang pinaulanan ng suntok na siyang dahilan upang bumagsak ito sa sahig.
  
" kailanman hindi mo makakapiling sa Akke! " tinalikuran ko na lamang siya habang nagpupuyos sa galit.Wala siyang karapatan.

Pinuntahan ko si Lean upang palipasin ang galit na nararamdaman para sa kay Yula.Kailangan ko nang makakausap.
   
" kumusta ang pagsasanay? " bungad ko rito habang pinagmamasdan ang mga mandirimang sinasanay nito.
     
" sa ngayon maayos naman,napadalaw ka ata " puna nito.Naupo ako sa isang bangko kung saan tanaw na tanaw mula rito ang kagandahan ng Gitnang Kaharian.
   
" nagkaroon lamang kami ng kaonting hindi pagkakaunawaan ni Yula " kumpisal ko rito.Hinarap ako nito habang nakasandal ang bahaging likuran sa nakatayong haligi.
    
" dahil ba sa kay Dawi? " aniya.
 
" hindi " tipid kong sagot rito.
       
" kung gayon ano? " usisa nito
  
" basta " tumayo ako at akmang sasalok ng inumin sa kopa subalit nakaramdam ako ng kakaibang enerhiyang namayani sa paligid.Tinigil ko ang ginawa at pinakiramdaman ang palibot.Pagkagulat at pangamba ang bigla kong naramdaman ng biglang marinig ang malakas na pagsabok.Sobrang lakas ang inilabas na enerhiya nito na halos yumanig ang buong paligid.
     
" a-anong nangyayari! " gulat na sigaw ni Lean.Binalot ako ng kaba dahil may masama akong pakiramdam.Hindi ako pwedeng magkamali.
    " dito ka lang muna " utos ko rito.
      " san ka pupunta? " di ko sya sinagot bagkus nilisan ko na lamang ang lugar tsaka dali-daling tinungo ang pinanggalingan ng malakas na pagsabog.

      Nagimbal ang lahat ng Dyos dahil sa pangyayari kanina.Kasalukuyan kaming andito sa silid-pulungan kung saan inaayos ang suliranin.
     " magbigay galang " wika ng konseho ng lumitaw si Haring Agos at naupo sa kanyang trono.
      " ipaliwanag ang naging kaganapan kanina " simula nito.Binalot ng katahimikan ang lahat.Ilang sandali pa lumapit si Timoneus ang Guwardiya Ng Portal.
   " Haring Agos may isang Dyos ang tumaksil sa Gitnang Kaharian at sya ang may pasimuno ng naging kaganapan kanina " umpisa nito.Anong ibig nyang iparating sa amin.May nagtaksil na isang Dyos?Sinong Dyos ang may kakayahang gawin iyon?
       " ipaliwanag mo Timoneus " ani Haring Agos.
    " kanina,isang Dyos ang lumapit sa akin,akala ko kukumustahin lang ako subalit may masama pala itong balak na di ko alam,nakipag-usap ako rito dahil na rin sa kaibigan ko ito at ng makuha ang tiwala ko bigla na lamang ako nitong sinasaksak ng kanyang sibat sa tagilirang bahagi ng aking katawan.Nawalan ako ng lakas dahil naglalaman ng lason ang kanyang sibat subalit sinubukan ko syang pigilan sa kanyang binabalak,at yun na nga pinasabog nya ang portal gamit ang isang makapangyarihang sandata na nagmula sa Kaharian Ng Kailaliman " paliwanag nito.
     " sino ang tinutukoy mong Dyos! " galit na sigaw ni Haring Agos.
   " si Yula " pagkagulat ang naging reaksyon ng lahat.Hindi makapaniwala sa narinig.Imposibleng magagawa iyon ni Yula.Natigilan ako sa naisip.Napatingin kaming lahat ng bumukas ang tarangkahan at pumasok ang humihingal na Ortus,ang tagabantay ng Pusong Kristal ng Gitnang Kaharian.
    " Haring Agos may masama po akong balita! " wika nito.
       " at ano iyon! "
   " ang Pusong Kristal...kinuha ni Yula " balita nito.Ngayon ang kauna-unahang pagkakataong nakita namin si Haring Agos na nagpupuyos sa sobrang galit sa balita.
      " Yula!!! " sigaw nito.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon