New/Dawi POV
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagdampi nang mainit na kamay sa aking pisngi.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at ang taong unang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Ceruz.Napangiti na lamang ako.
" paumanhin " aniya at iniiwas ang tingin sa akin.Binangon ko ang kalahating parte ng katawan ko at isinandal sa headboard ng aking kama.
" ayos lang iyon " mahinahon kong tugon sa kaniya.Nasa maayos nang kondisyon ang katawan ko siguro dahil sa ginawang paggagamot sa akin ng isa naming kasamahang may kakayahang manggamot.
" hindi ko nahuli si Yula " umpisa ko.Humugot muna ako nang malalim na paghinga bago ko siya muling hinarap.Hindi ko lang kasi matanggap na hawak ko na si Yula kaso nakawala pa dahil sa pagiging mahina ko.Tama nga siya.Mahina ako,nagpapanggap na matapang pero ang totoo ang hina-hina ko.Nagulat ako dahil hinawakan nito ang dalawa kong kamay at hinimas-himas.Waring pinapagaan ang aking damdamin.
" Dawi... " tawag nito sa aking pangalan.Hindi ko alam itong nararamdaman ko dahil parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag nanggagaling sa kaniya.
" huwag kang mag-alala sa susunod niyong pagkikita ni Yula,sisiguraduhin nating mahuhuli na natin siya at maibabalik sa Gitnang Kaharian " nakangiti nitong tugon.Anong nakain ng isang ito at panay ang ngiti?.Sa pagkakaalam ko bihira lang ito ngumiti kahit kanino.
" anong mayroon at panay ang ngiti mo sa akin? " puna ko sa kaniya.Nagkibit-balikat lang ito at tumayo na.
" hoy sagutin mo ang tanong ko! " sigaw ko rito.Bumangon na ako sa at sinubukang habulin ang lalaking iyon na kasalukuyang nakalabas na ng silid.Pagbaba namin,nadatnan ko iyong tatlo na abala sa pinapanood.Dumiretso ako sa kusina samantalang si Ceruz naman ay sinamahan sila Terra sa sala.May mga nakahanda ng pagkain sa mesa kaya kumain na lang ako.Nasa gitna ako ng ginagawa ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Alexir.
" Dyos Dawi nasa TV ka! " sabi nito sa akin.Ako naman ay may pagtatakang tinungo ang sala habang patuloy ang pagnguya ng karne.Anong pinagsasabi nitong lalaking ito.Paano ako napunta sa TV?.
" nasaan? " tanong ko rito.Itinuro nito ang screen at hindi nga siya nagkamali dahil nandoon nga iyong mukha ko.Video iyon nang kaganapan kahapon sa pagitan namin ni Yula.Nakalimutan kong mag-disguise sa sobrang pagkasabik na mahuli si Yula.
" shit " naisabulalas ko na lamang.Napakamot na lamang ako ng ulo sa nakita.Dumapo ang mga mata ko sa mga matang nakatingin sa akin.Teka anong problema ng mga ito?.
" sandali lang,bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?? " bigla tuloy akong kinabahan sa mga tingin nito.
" anong susunod nating gagawin? " wika ni Ceruz.Hindi katulad ng iba kong kasamahan,kalmado lang itong nakatingin sa akin.
" w-wala akong maisip " kumpisal ko rito.Back to zero ang lahat ng plinano ko.
Binalot kami ng katahimikan.Pinatay na rin ni Terra ang TV kaya tanging paghinga na lamang namin ang nagsisilbing ingay.Iyon talaga ang katotohanan.Walang kahit isang plano ang naligaw sa utak ko ngayon hindi katulad dati na ang daming ideyang pumapasok sa aking isipan.Lumabas muna ako at tinungo ang rooftop,katulad ng dati,ito ang favorite kong lugar na tambayan kapag wala akong ginagawa at kapag may mga problemang iniisip.Naupo ako sa isang bangko at pinagmasdan ang nga nagtataasang gusali hindi kalayuan sa apartment namin.Muli kong sinariwa ang mga alaala kung saan namumuhay pa ako bilang normal na tao.Noong mga panahong kasama ko pa ang mga barkada ko.Iyong simula umaga hanggang sa pagsapit ng gabi,magkakasama kami at patuloy na gumagawa ng mga hindi makakalimutang alaala.Mga alaalang pinagsaluhan namin sa kabila ng mga balakid na dumarating sa amin.Nasubok na once ng tadhana ang friendship namin subalit dahil sa aming katatagan,amin iyon nalampasan.Gusto kong bumalik ang dati.
" anong iniisip mo ngayon? " wika ng pamilyar na boses.Hindi ko na siya tinapunan pa nang tingin sapagkat kilala ko naman kung sino itong nasa tabi ko.Nanatiling tahimik lamang ako.
" hindi sila galit sa nangyari,ngayon determinado na silang tapusin ang misyon natin rito,nagpapasalamat sila,kami na nandito nga si Yula sa mundong ito " paliwanag ni Ceruz.Tahimik pa rin ako.Alam ko namang ginagawa niya lamang ito upang pagaanin ang loob ko.Aaminin ko,epektibo naman.
" ang hina ko kasi " mahina kong wika rito habang ang mga mata ay nanatiling nasa kalangitan.Tumayo ito mula sa pagkakaupo at humarap sa akin.Tiningnan ako diretso sa aking mga mata.
" kahit naman sino ay may tinatagong kahinaan kaya hindi na iyon mahalaga kung maipakita mo ang kahinaan mo sa iba basta ang mahalaga,marunong kang lumaban sa kabila ng pagiging mahina mo " seryoso nitong paliwanag sa akin.Nalulunod ako sa mga titig niya.
" kahit ikaw may kahinaan ka rin? " tanong ko rito habang hindi pa rin inaalis ang aking mga mata sa kanya.
" oo "
" kung gayon anong kahinaan mo? " muli kong tanong sa kaniya.Pansin ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa sinabi ko.
" ikaw " sa loob-loob ko parang may sunod-sunod na pagsabog akong narinig pagkasabi niya ng salitang iyon.Hindi ko na ipagkakaila na nanginginit na aking mukha.Hind dahil sa init kung hindi dahil sa kakaibang feeling na lumalaro dito sa sistema ko.
" hahahahha loko " iyon na lamang ang naisawika ko.Wala na e.Na-mental block ako dahil sa kagagawan niya.
" o ba't ka tumatawa?hindi iyon biro " aniya.Bahagyang inilayo ko muna ang sarili ko sa kanya dahil sa totoo lang naiinitan na talaga ako,dinagdagan niya pa.
" wala naman akong sinabi ah! " sagot ko.
" iyon naman pala e bakit ka tumatawa? " mukhang naiinis na ang isang ito at ayokong mas lumala pa iyon.
" halika ka na bumaba na tayo " anyaya ko sa kaniya.Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin.Bumalik na kami sa loob ng apartment kung saan naabutan namin si Terra na parang may ginagawang ritwal.
" nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko? " bungad na tanong nito sa amin.Nagkatinginan lang kami ni Ceruz sa sinabi niya.Pinakiramdaman ko ang paligid at sandali lang saan nanggagaling ang napakalakas na enerhiyang iyan!!.
" natunton tayo!! " wika ni Terra ng biglang gumuho ang harapang bahagi ng aming apartment.Napaatras kaming tatlo at sinubukang hanapin ang kinaroroonan ng enerhiyang iyon.Hindi nagtagal,bigla na lamang may lumitaw na isang nilalang na pinalilibutan ng itim na usok at enerhiya.Pamilyar ang mukha niya.Kung hindi ako nagkakamali,siya iyong tumulong sa kay Yula.Napakuyom na lamang ako.
" tingnan mo nga naman may mga bisita pala kami mula sa Gitnang Kaharian,nandito ang Dyos ng Lupa,ng Apoy at tsaka....ng Tubig...bakit hindi niyo man lang kami sinabihan ng kung sa gayon nakapaghanda kami ng maliit na salo-salo " nakangisi nitong wika.Hindi ko alam ang pangalan nito pero kilalang-kilala ko ang mukhang ito.
" o bakit parang hindi kayo natutuwang makita ako??teka nga lang...tama ba itong nakikita ko sa mga mukha niyo?TAKOT?! " wika nito na siyang ikinagalit ko.