Eiri POV
Isang nakakabinging katahimikan ang pumailanglang sa paligid.Kapwa kami nakatingin sa isa't-isa.Walang emosyong naglalaro sa bawat mukha.
Naramdaman ko na ang kaginhawaan dahil sa ginawang paunang lunas.Hindi dapat ako panghinaan ng loob sa kabila ng pinsala sa aking katawan.Dinura ko ang naipong dugo sa aking bibig.Hindi ito isang laro kaya kailangan kong magseryoso.
Hinanda ko ang aking sarili.Ang aking mga pakpak ay nagsimulang makipaglaro sa hangin.Unti-unti na akong umangat.Ganoon din ang ginawa ng babaeng kalaban.Itinutok nito sa akin ang kanyang tungkod at nagpakawala ng sunod-sunod na pulang enerhiya.Kinumpas ko ang aking kamay ay lumikha ng kulay berdeng harang.
Mabilis na sinugod ako ng babae at hinataw sa akin ang kanyang tungkod ngunit agad ko itong nasangga ng aking sandata.Isang sunod-sunod na atake ang aking ginawa.Bahagyang lumayo ang babae dahil nadaplisan siya ng aking sandata sa kanyang tagiliran.
" alam kong wala sa iyo ang batong hinahanap ko kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan ito! " kalmado lang ang pagkakasabi niya nito subalit mababanaag ko ang pagkauyam sa kanyang mga mata.
" dadaanan ka muna sa bangkay ko bago ko makuha iyon " matigas kong asik rito at mabilis na sumugod.
Hinataw ko ang aking sandata sa kanya subalit nagawa niya itong sanggain.
Isang hataw mula sa kanyang tungkod ang pinakawalan nito.Tumama ito sa aking sikmura na siyang dahilan ng pagkabagsak ko.Malalakas pa rin ang puwersang pinapakawalan niya sa kabila ng kanyang mga natamong sugat.
Agad akong bumangon at mabilis na sumugod.Hinagis ko ang aking sandata patungo sa kanya subalit naiwasan niya ito.Sumilay sa akin ang mapang-uyam na ngiti.Ikinumpas ko ang aking kamay sa ere at isang estratehiya ang aking ginamit sa kanya.
Kitang-kita ko kung paano bumilog ang mga mata nito ng bigla na lamang tumarak sa kanyang likuran ang aking sandata.Gulat na gulat itong nakatingin sa akin.
" ang sandatang iyan ay kaya kong kontrolin dahil mayroon akong natatanging kakayahang lumikha ng sinulid na hindi nakikita ninuman,at napaka-swerte mo't ikaw ang kauna-unahang nilalang na pinaggamitan ko " kalmado kong pahayag rito.
Marahas kong hinila ang aking sandata sa likod nito.Dinig na dinig ko ang pagkahiwa ng kanyang kalamnan kasabay nito ang pagsirit ng kanyang likido sa gawing likod.
Kusang bumalik sa aking kamay ang natatanging sandata.Nababahiran ito ng kanyang likido.Gumawi ang aking tingin sa babae.Bagama't nahihirapan nitong mapagilan ang pagdurugo sa kanyang sugat ay nagawa pa rin ako nitong titigan ng masama.Umusbong ang galit sa kanyang mga mata.Nakipagsukatan ako ng tingin.Ang isang katulad niya ang hindi magpapabagsak sa akin.
" tsaka nga pala binibini,nasabi ko bang kaya kong gumawa ng lason?kung hindi pa sasabihin ko sayong ang aking sandata'y dumadala ng makamandag na lason,inaatake nito ang utak ng nilalang at sa oras sa kumalat na ang mga ito sa iyong katawan... sandali akong huminto ay inilabas ang mapang-uyam kong ngisi.
" wala ka ng pinagkaiba sa akin " wika ko.Sumabog na sa galit ang kalaban at bigla na lamang itong sumugod sa akin.Nilabanan ko ito gamit ang aking kakayahan.Wala man akong malalakas na enerhiyang mailalabas ay sa tingin ko kaya kong mapigilan ito gamit ang matalinong pag-iisip ng mga estratehiya.
Nagpalitan kami ng mga suntok,mga sipa at kung anu-ano pa ngunit wala sa amin ang sumuko.Nararamdaman ko ang unti-unti nitong panghihina maging ang aking katawan ay nagsisimula na ring manghina.
Kapwa namin habol ang hininga.Yumukod ako ng maramdaman na parang kinakalalkal ang sikmura ko.Muling bumulwak sa aking bibig ang malapot na dugo.Pakiramdam ko nagasgasan na ang aking lalamunan dahil sa sumpang ikinabit nito sa akin.