Chapter 7: His RulesKryshee
Tahimik kaming kumakain dito sa hapag kainan. Walang nagsasalita at parehas na sabik sa pagkain. Parehas na gutom at medyo inaantok pa ako kasi maaga akong ginising ng amo kong ito.
"After eating, we're going to talk in living room" aniya nang matapos syang kumain. Uminom sya ng kape nang mailapag nya ang kutsara at tinidor. Ako naman ay patapos na kumain. "Finish your food" dugtong nya
Tango lang ang sinagot ko at inubos na ang kape ko nang matapos kumain. Agad naman tumayo si Sylvester habang umiinom ng kape. Sinundan ko sya ng tingin habang papalabas sya ng kusina. Iniwan nya ang mga pinagkainan nya dito sa may lamesa.
Wow. Feeling nasa Restaurant, huh?
Nang maubos ko na ang kape na iniinom ay nagsimula na akong nagligpit ng pinagkainan namin. Nilagay ko sa sink ang mga plato at kutsara na pinaggamitan namin tsaka nilinis ang nasa lamesa. Tinakpan ko ang natitirang ulam at itinago. Nilinis ko na muna ang lamesa at pinunasan ng malinis na basahan bago pumasok sa may kitchen kung saan nandoon ang sink at nagsimula nang hugasan ang pinagkainan namin.
Thankfully kakaunti lang ang hinuhugasan ko dahil mag-isa lang sya na nakatira dito sa condo nya. At ngayon nga na may maid na sya at ako yun, kaming dalawa lang ang tao dito. Pansin ko din nung dumating ako at unang punta ko dito kahapon ay malinis naman ang condo nya. Mukha naman kasing marunong sya mag-ayos ng condo nya so bakit pa sya kukuha ng maid? Sabagay, pagod na nga sya sa trabaho tapos maglilinis pa sya ng condo nya na pagkalaki-laki. Edi deads na deads na sya sa pagod nun? I should be thankful at naghahanap sya ng maid at ako ang nakuha nya. Hindi na ako dapat magtanong pa kung bakit kailangan nya ng maid, baka matanggal pa ako sa trabaho kung magu-usisa pa ako.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng plato at kutsara pinunasan ang mga ito tsaka nilagay sa lalagyan nito. Pinunasan ko ang kamay at tsaka lumabas ng kusina. Gaya ng sinabi ni Sylvester ay pumunta na ako sa living room at may pagu-usapan daw kami. Pagdating ko sa Living Room ay naabutan ko sya na nakaupo sa may single sofa habang nagbabasa ng dyaryo. Nakadekwatro pa ito.
Umupo ako sa katapat ng single sofa na kinauupuan nya. Napansin din naman nya ako kaya tiniklop nya ang dyaryo na hawak at umayos ng upo. "This is your first day of being my maid" panimula nya. Tumango na lamang ako at sumandal sa single sofa na kinauupuan ko. "And you are now my maid, you should know my rules and regulations in my condo" dugtong nya kaya napakunot ang noo ko sa sinabi.
"What?! What about that contract? I thought that is the rules and regulation of th---"
"That's not it. Obviously, Nakalagay lang doon ang mga dapat mong gawin. Iba pa yung rules ko. And that's what I am going to tell you before starting your work" hanu daw? Naguguluhan pa rin ako at naglo-loading pa ang utak ko sa sinasabi ng amo kong ito. What? So magdadagdag pa sya ng rules? Ano naman kayang rules ang sasabihin nya? Wag maingay habang naglilinis? Huwag magkalat habang naglilinis?

BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...