Chapter 24

2.4K 66 3
                                    


Chapter 24: Nightmare

Kryshee

Iminulat ko ang mata ko nang maramdamang may nakayakap sa akin. Bahagya akong napakilos at kumunot ang noo nang maamoy ang pamilyar na amoy ng isang lalaking kilalang-kilala ko.

Mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin at mistula akong ginawang unan. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa dibdib nya at tumingala upang makita si Sylvester na payapang natutulog.

Nanlaki ang mata ko namg marealize ko ang pwesto namin. Itutulak ko sana sya kaso natatakot ako na baka magising sya. Ang bilis ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin. Namumula ang mukhang dahan-dahan kumawala sa pagkakayakap nya sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakakawala ay bigla itong kumilos at hinila ako muli pahiga palapit sa kanya.

Muntikan na akong mapasigaw sa gulat at niyakap ako ng mahigpit, "M-master..." kinakabahang sambit ko habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Kumunot ang makapal nitong kilay tsaka nagsalita, "uhm? Let's sleep for more, honey. Damn it, it's too early" bulong nya at sumiksik sa leeg ko.

"M-mamaya na, master. Maghahanda pa ako, may pasok pa kayo" sagot ko.

Lumuwag naman ang pagkakayakap nito sa akin, "aish" iritadong aniya kaya natawa ako ng mahina at bumaba na ng kama.

Nag-ayos muna ako sa banyo at tsaka lumabas ng kwarto matapos gawin ang morning rituals ko. Bumaba ako papunta sa kusina upang magluto ng almusal.

Kagabi ay hagya na akong nakatulog sa kakulitan ni Sylvester. Nag-away pa kami kung saan hihiga, pingpipilitan ko kasing sa couch ako habang sya ay gusto na magkatabi kami. In the end sya pa rin ang nanalo. Nakatulog na ako sa inis noon at gustong-gusto ko na syang sunugin ng buhay kung hindi lang ako inaantok.

Sinabi nya sa akin na mas mabuti pa daw kung matutulog kami sa iisang kwarto, baka daw kasi magtaka ang kambal kung bakit hindi kami magkatabi ng tatay nila na matulog. Pwede ko naman ipaliwanag iyon sa kambal, kaso si Sylvester lang talaga ang mapilit at wala na daw akong magagawa kasi nailipat na ang gamit ko. Hays, kailan ba ako mananalo sa lalaking yun.

Iiling-iling ako habang nagluluto at nang matapos ay inihain ko na sa lamesa ang mga pagkain. Saktong 5 am ako natapos magluto. Kaya naman ginising ko agad si Sylvester dahil baka ma-late sa trabaho.

Kakatok sana ako sa kwarto nya kaso naalala ko na iniwan ko na palang hindi naka-lock ang pinto kaya dere-deretso akong pumasok. Walang habas na pumasok ako para lamang magulat at matigilan sa nakita.

Halos mapanganga ako at tumulo ang laway ko nang makita si Sylvester na nakatowel na naman sa pang-ibabang parte habang pinupunasan nito ang basa nyang buhok. Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan ang basa pa at tumutulo ang tubig sa katawan nito.

Natigilan din ito nang makita ako at maya-mayang napangisi, "good morning" bati nya sa namamaos nitong boses.

D-damn..

Umiwas ako ng tingin nang matauhan, "g-gising ka na p-pala?" Nauutal na tanong ko at hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Shems! Nangyari na 'to eh...

"Yeah" maikling sagot nito at umupo sa edge ng kama tsaka pinagpatuloy ang pagpupunas sa buhok.

Nakatayo lang ako dito na parang tuod habang walang palyang nakatitig sa kanya at sa katawan nya, "done admiring my body?" Tanong nya at tumingin sa akin habang may ngiting pang-aasar sa labi.

Agad naman akong pinamulahan at umiwas ng tingin, "tse! B-bilisan mo dyan, handa na ang almusal"

"Okay"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon