Chapter 10

2.3K 55 0
                                    


Chapter 10: Encounter

Kryshee

"Mommy! I want to buy chocolate ice cream" ani Sylvie habang naglalakad kami dito sa mall. Kagagaling lang namin ng Kid Zoona at naglaro ang kambal doon. Napagod at nagutom na ang kambal kaya kumain kami sa restaurant. Nilibre pa kami ni Jamie. Nahihiya nga ako at sabihing wag na ay nag-insist na sya kaya wala na akong nagawa.

Masayang-masaya naman ang kambal. Kaya nang makalabas kami ng restaurant ay plano namin bilhan ang kambal ng mga gusto nila. Balak nga namin bilhan si Sylvan ng libro eh. Yung educational books like science books, mathematics books and other academic books. Si Sylvie naman bibilhin namin kahit anong gusto nya.

Hapon na kaya maya-maya lang ay pupunta kaming park. Dapat ay uuwi na kami pagkatapos mag-malling. Kaso nagyaya si Sylvie na pumuntang park kaya pumayag na lang kami kahit saglit lang doon. Baka kasi abutin kami ng gabi. Pumayag lang kami para makapaglaro si Sylvie at Sylvan.

"Okay, let's go" sabi ko at akmang hahawakan ko sya sa kamay nang bigla nyang itago sa likod ang kamay nya. Napakunot naman ang noo ko at nagtatakang tumingin kay Sylvie.

Pilit syang ngumiti at malikot ang mata nya. Iniiwasan nya na titigan ako sa mata. "Ahehe.. Mom, I can buy alone..." Aniya at umiwas ng tingin.

"Sylvie, may problema ba? May ginawa ka na naman bang kalokohan?" Seryosong tanong ko agad sa kanya.

Nanlaki naman ang mata nya at tumingin sa akin, "of course not! Wala po!" Pagtanggi nya. Pinanliitan ko sya ng mata kaya napaiwas sya ng tingin. Kilalang kilala ko 'tong batang 'to kapag nagpapalusot yan o nagsisinungaling nagiging malikot ang mga mata nyan.

Hindi sya nagsalita at umiwas lang talaga ng tingin kaya napabuntong hininga na lang ako. Ayokong makipag-argumento dito sa mall. Mamaya ko na lang sya kakausapin sa bahay.

"Fine. Are you sure that you can buy ice cream alone?" Paninigurado ko. Naga-alala lang naman ako na baka mawala o kung saan na magpunta si Sylvie. Malaki at malawak pa naman itong mall kaya kapag nawala si Sylvie ay mahihirapan akong hanapin sya.

"Yes, mom" sagot nya.

"Sylvan, samahan mo na lang kaya si Sylvie?" Sabat ni Jamie na kanina lang ay tahimik na nakikinig sa aming mag-ina.

Napatingin si Sylvan sa akin at kay Jamie. Tahimik lang kanina si Sylvan, kelan ba dumaldal 'tong batang 'to? "Okay. Magc-cr din naman po ako" anito.

"Yun naman pala eh! Intayin ka na lang namin sa may bench huh? You know naman kung saan yun"

Tumango si Sylvan at tumingin kay Sylvie. "Let's go" sabi nito sa kambal at nauna na naglakad. Iniwan nito si Sylvie na nakatayo pero agad din nitong hinabol ang nangungunang maglakad na si Sylvan.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon