Chapter 33

2K 48 14
                                    


Chapter 33: Rejection

Kryshee

"So, ano ngang ginagawa nyo dito?" kusang umarko ang kilay ko nang matapos akong hilahin ng tatlo sa kwarto na kinaroonan ko kanina.

Binitawan ako ni Jamie at napakamot sa ulo. Napapahiya itong napangiwi. "Vacation?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nito. Bakit parang di pa sigurado sa sagot nito? Napalingon ako kay Brythe at Scarlett, nanliit din ang mata ko habang titig na titig sa tatlo.

Humalikipkip ako, "Bakit di nyo sinabi sa akin na nandidito kayo"

Napangiwi lalo sila, "Yun na nga,ehh..."naging malikot ang mata ni Scarlett na syang sumagot.

"P-para... Para surprise! Oo, tama! Ganun na nga, syempre para masaya at exciting kaya surprise hehehe" napatango na lang ako.

"pero nagsinungaling pa rin kayo sa akin lalo na ikaw Jamie. Tumawag pa ako sa pag-aakalang nasa syudad ka"

Jamie rolled her eyes, "surprised nga di ba? Nabuntis lang naging shunga na" sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi.

Napailing na lang ako at magsasalita na sana nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Lumapit si Jamie upang buksan ang pinto at niluwa noon si Khalid.

"Hey, ladies. What are you doing there? Why are you still there? Tara na, gusto maligo ng kambal sa dagat, pfft. Hindi naman matiis ni fafa Sylvester kaya ayun nagyaya na din na maligo. Kaya tara na? Ligong-ligo na ako eh"lintanya nito.

"k-kinausap ng kambal si Sylvester?" I asked. Yun lang kase ang nakakuha ng atensyon ko sa sinabi ni Khalid.

Natahimik ito at umiling, "Niyaya kami ng kambal and they told us na gusto nila maligo sa dagat. Hindi naman kami makapayag kung hindi papayag si Sylvester. Kaya nung tinignan namin si Boss ay tumango ito"

Napabuntong hininga ako sa dismaya at tumango. Ano ba kasing tumatakbo sa isip ng kambal? Dapat ko na talaga silang kausapin. Hindi ko kasi nagugustuhan ang inaakto nila sa ama gaya na lang ng ginawa nila kanina ayon kay Khalid.

"Oh, before I forgot! This is your delivery from Mr. Montefiore. Your precious duhat in bowl to Mrs. Montefiore" nang-aasar na ngumisi si Khalid habang inaabot sa akin ang isang bowl ng duhat.

Hindi ko na pinansin ang mapang-asar na tingin ni Khalid maging ang sinabi nito. Nakatuon lang ang atensyon ko sa bowl na hawak pala nito kanina pa at tila naglaway agad ako kahit hindi ko pa ito natitikman!

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon