Chapter 26: Montefiore's Twins
Kryshee
"I'm sorry, Kryshee honey. I can't come. I have an emergency meeting and I should be there, I'm sorry"
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Sylvester at sa akin bago sya nagmamadaling umalis sa condo para pumunta sa kanyang kompanya. Malungkot akong tumingin sa kambal na bakas din ang lungkot sa mukha nila. Alam kong nadismaya sila dahil hindi makakapunta ang kanilang ama at maging ako ay nadismaya din pero wala akong nagawa kasi may emergency meeting daw at hindi pwedeng balewalain lang. Baka kasi may problema sa kompanya nila.
"Let's go?" Pukaw ko sa atensyon ng kambal na parehas nakaupo sa couch, si Sylvie na nakita kong nakatungo habang si Sylvan na walang emosyon ang mga mukha habang nagbabasa.
Tuluyan na akong bumaba ng hagdanan at nilapitan sila.
"Can we still come?" Tanong sa akin ni Sylvie nang makalapit ako at tumayo.
"Of course, why not? It's family day. Even if your dad won't come, I'm still here. So don't worry na, ha?" Hinaplos ko ang buhok nito at inayos ang P.E Uniform na suot nito.
Tipid na ngumiti si Sylvie at tumango, bumaling ako atensyon ko kay Sylvan na malakas na itiniklop ang libro tsaka tumayo ng ayos. "Still the same," anito na ikinataka ko. Anong sinasabi ng batang 'to? "Let's go, mom. I'm bored" umingos ito at tsaka lumapit sa akin. Hindi na ako nagkomento pa tsaka kami sabay-sabay na lumabas ng condo unit.
Kahit hindi nila sabihin ay ramdam ko ang lungkot at dismaya ng kambal. Kainaman naman kasi, kung kailan naman alam nilang may tumatayo nang ama sa kanila ay kung kailan kailangan tsaka sya wala. Kaya hindi na ako magtataka na pagbalik ng lalaking 'yun ay sasalubungin sya ng tampo at silent treatment ng kambal.
Mabilis kaming pumara ng taxi nang makalabas kami ng building. Tahimik lang ang naging byahe at nakakapanibago din si Sylvie na syang nagpapaingay sa amin. Hinayaan ko na lang sila dahil pati ako ay nilalamon na din ng malalim na pag-iisip.
Ilang araw mula nung sinabi nya tungkol sa nangyayaring bully-han sa kambal. Sinabi nya din sa akin noon na kakausapin nya ang magulang at ang anak ng nang-bully sa kambal ngayong araw, pero nasaan na ang magaling na lalaki? Ayun at nasa meeting, tsk. Hindi ko din naman kasi sya masisisi kasi priority nya din ang kompanya at hindi nya kami kaano-ano para unahin sila.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na huminto na pala ang taxi sa tapat ng school. Binayaran ko ang driver bago liningon ang kambal na kaya pala tahimik, parehas silang nakikinig ng kanta gamit ang earphones ni Sylvan. Tig-isa sila ng earpiece habang si Sylvan ay abala sa pagbabasa ng libro, si Sylvie naman ay panay ang paglalaro sa cellphone na binili din sa kanya ng kanyang ama para lang mapaglibangan.
Naalala ko na bago na din ang cellphone ko at binilhan din ako ni Sylvester bago kami lumipat sa condo nya. Hindi naman masyado gamit ng mga bata ang cellphone lalo na si Sylvan na hindi ata mabubuhay nang walang libro at earphones, si Sylvie kung anu-ano lang ang hobby nya puro paglalaro at minsan ay pakikipagtagisan ng talino at debatihan sa kakambal nya.
BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...
