Chapter 11

2.3K 41 0
                                    


A/N: For those who can't pronounce Kryshee's name, it is pronounce as 'kri-shi'. That's it. Thank you.Here's the chapter 11, enjoy!

Chapter 11: Dinner Date

Kryshee

Tapos na kami sa pagke-kwentuhan ni Jamie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang kambal. Wala man lang akong nakitang kahit anino man lamang ni Sylvan at Sylvie dito. Ilang minuto din ang haba ng pinag-usapan namin kaya naman hindi ko na mapigilan ang kaba sa dibdib ko.

"Bakit wala pa si Sylvie at Sylvan?" Tanong ko sa sarili. Narinig naman iyon ni Jamie kaya napaupo sya ng tuwid at nagsimula na ding maalarma.

"Oh my gosh, teh!  30 minutes na ako nakakalipas simula nung umalis sila at bumili tsaka nag-cr..." Pabitin na sabi nya sa akin at tumingin sa akin na nanlalaki ang mata at mukhang naiisip nya ang naiisip ko sa mga oras na ito.

Napakagat ako ng labi at tumungo. Hindi ko sya sinagot at napatayo. Pinakalma ko ang sarili ko at nagsimula nang mag-isip ng maaari nilang puntahan. Kahit anong pakalma ko ay hindi pa rin maiwasan ang pagpa-panic ko.

Nag-aalala ako sa kambal. Hindi na ako mapakali at kahit si Jamie ay kita na ang kaba sa dibdib.

Shit! Dapat talaga sinamahan ko na lang yung kambal eh!

Napahilamos na lang ako sa mukha at nagsimula nang maglakad upang hanapin sila. Palinga-linga ang ulo ko at nililibot ng tingin ang mall at nagbabakasakali na makita ko sila. Lakad-takbo ang ginagawa ko sa paghahanap at nararamdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko sa kaba at pag-aalala.

"Sylvie.... Sylvan... Nasaan na ba kayo?" Bulong ko sa sarili at garagal na ang boses ko habang patuloy pa rin ang paghahanap sa kanila.

Hindi ko na napansin si Jamie na hindi na pala sumusunod sa akin. Marahil ay naghahanap na din iyon sa ibang direksyon. Sinubukan kong hanapin ang kambal at naiiyak na ako sa pag-aalala. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ito na ang kinatatakutan ko.

Ang tanga mo kasi, Kryshee!

Napapagod na ako kakahanap kaya naman nang makita ko si Jamie na nakaupo sa may bench ay lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa tabi nya, hinihingal man ay wala akong pakialam. Naiiyak na ako sa pagaalala kung nasaan na ang mga anak ko at kung anong nangyari na sa kanila. Kahit tatlumpung minuto silang nawawala ay di ko pa rin maiiwasan ang magalala.

Humarap ako kay Jamie at napabuntong hininga upang pakalmahin ang sarili. Magsasalita sana ako nang..."mommy!" marinig ko ang boses ni Sylvie.

Natigilan ako saglit at agad ding napalingon kay Sylvie na nasa harap ko at bigla akong niyakap. "Oh my god, Sylvie!" Sambit ko at niyakap agad sya. Nagpapasalamat ako at nakita ko na si Sylvie.

Ilang minuto na niyakap ko sya at agad ko din syang pinakawalan. Hinaplos ko ang mukha ng anak kong babae at maging ang buhok nya ay hinaplos ko din. Hinalikan ko sya sa noo at nagtanong kung okay lang sya.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon