Chapter 14

2.4K 55 1
                                    


Chapter 14: Endearment

Kryshee

"REALLY?!"

Nailayo ko ang cellphone ko mula sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Jamie.

"Ano ba?! Hindi ako bingi, wag ka ngang OA" singhal ko sa kanya nang maibalik sa tenga ko ang cellphone.

"Gaga! Eh isa ka pa din namang OA"

Napasubsob ako sa unan na hinihigaan ko nang maalala ko yung nangyari kagabi. Isang kahihiyan at hindi kapani-paniwalang nangyari kagabi. Ayoko sana alalahin pero baka mabiliw ako pag hindi ko sinabi 'to kay Jamie.

"Pero, di nga? Hinalikan ka nya? As in sa lips talaga? Y-yung basta! As in kissing scene ganern?!"

Umayos ako ng higa at tinitigan ang ceiling habang hawak ko pa rin ang cellphone sa tenga ko.

Hindi agad ako sumagot at wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Naalala ko na naman yung lambot ng mga labi nya na dumampi sa labi ko. That's...

"Hoy! Ano na? Sasabihin mo ba o ano? Anong nangyaring sunod? Ginahasa ka na ba?" Sunod-sunod na tanong nya. Napasimangot naman ako sa huling tanong nya. "Wow! Parang gusto mo akong ipagahasa ah. Kaibigan ba talaga kita?"

"Hahahaha! Chos lang gurl. So aney na nga?"

Napakagat labi naman ako, "oo na! Hinalikan nya ako sa labi. Kasasabi ko lang eh"

"Waaaaaahh!!" Sa pangalawang pagkakataon ay nailayo ko ulit ang cellphone sa tenga ko. "Jamie, tumigil ka nga sa kakasigaw mo. Sumasakit na ang tenga ko" reklamo ko. Konting-konti na lang talaga ay ibabato ko na ang cellphone ko nang di na sya makatawag.

'Edi ako ang nawalan ng cellphone'

Whatever

"Oh my gosh! Anong feeling? Anong feeling na mahalikan ng isang Sylvester Montefiore sa PANGALAWANG PAGKAKATAON?" In-emphasize nya pa ang huling sinabi nya at hindi pinansin ang sinabi ko.

I rolled my eyes in irritation. Bakit ba ako nagkaroon ng maingay na kaibigan?

Napaisip din naman ako sa sinabi nya. Ano bang feeling ko nung halikan nya ako?

I felt butterflies in my stomach at kasabay noon ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Natatakot na marinig nya iyon. I felt happiness...

"Hmm.. I don't know" pagsisinungaling ko.

"I DON'T KNOW?!" Napangiwi naman ako sa lakas ng boses nya.
"Eh ano ba dapat ang maramdaman ko?" Kamot-ulo na tanong ko at tumayo na mula sa pagkakahiga.

"Ay bopols! Di mo ba nafeel yung feeling nung nagkiss kayo habang nagchuchuk-chukan?" Namula naman ako sa sinabi nyang yun at napatigil sa paglalakad papunta sa banyo. "Jamie!" Saway ko.

Napikit na lang ako sa pinagsasabi ni Jamie. Gustong-gusto kong tapalan ang bibig nya na walang preno. Ipaalala ba naman yung bagay na yun?

"Hahahaha! Wag kang pa-virgin, ganda naman ng lahi nyo ni Sylvester ah. Look at Sylvan and Sylvie.. oh pak! Paglaki ni Sylvan aasawahin ko sya, di ko makuha si Sylvester eh" daldal nya pa.

"Tigilan mo nga ako, Jamie. Kamusta ang kambal?" Tanong ko na lang. Iniiba ko na ang usapan, baka kung saan pa makarating ang usapan namin.

"Preparing going to school na. Okay naman sila, still smart" natawa naman ako sa sinabi nya. "Ikamusta mo ako sa kanila ha? Oh sya, gonna hang up. Mag-aayos na ako at magta-trabaho na. Bye!"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon