Chapter 20

2.5K 48 3
                                    


Chapter 20: I'm Falling

Kryshee

Napahigop ako ng wine habang nagmamasid. Wala ngayon si Sylvester at Khalid. Iniwan ako dito sa table, nakiki-sosyo sa mga investor at guests na business man/woman na pumunta dito.

It's not really a formal party. May natatanawan akong DJ doon na gwapo hahaha. I think may something mamaya. Tsaka may dance floor din. Siguro para iyon sa mga empleyado ng kompanya ni Sylvester. May sayawang magaganap mamaya. At dahil nga dinner party, ayun at may buffet din sa isang sulok ng hotel kung saan ginaganap ang event.

"Alone?" Napalingon ako sa babaeng sumulpot na lang sa tabi ko.

She's holding the glass of wine habang nakatingin sa akin. "H-huh?" Nasabi ko na lang habang nakatingala sa kanya.

She chuckles, "I just want to ask if you know Sylvester?"

"W-why did you ask?" I ask instead of answering her. Maganda naman sya pero may something in her na malansa.

"Because I am his nightmare" nakangising aniya.

Nagulat naman ako sa sinagot nya habang nakatingin sa kanya. "W-what do you mean?" Nakuha ko pang magtanong sa kabila ng pagtataka.

"Simple. I'm his nightmare that every time can destroy him. I am not yet done with him... and with you" she flashed her evil grin at yumuko sya at may ibinulong. "Montefiore and Cortez? I will destroy you all. I will be back... not now..." she held my cheeks "but soon"bulong nya at umayos ng tayo. She turned her back from me and walk away while swaying her hips.

Naiwan akong nakatulala at nag-iisip. Paano nya nalaman ang Montefiore at Cortez gayong hindi ko sya kilala? Naguguluhan ako ngayon, damn that woman? Inaamin ko ang creepy nya, she gave this uncomfortable feeling and goosebumps. Parang nagtayuan ang balahibo ko dahil sa mga sinasabi nya. Just seeing her smirking, kinikilabutan na ako.

Anong plano nya? Anong meron sa kanya? Hindi ako natatakot, kinikilabutan lang ako sa maaari nyang gawin. Aish. Can I just forget her? Ano nga palang ginagawa ng babaeng yun dito. I think that's Sylvester's one of his flirts.

She's beautiful but she's a bitch. I won't forget her words and face. I will never forget.

"Kryshee." Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Sylvester na tumatawa sa pangalan ko.

"H-ha?"wala sa sariling usal ko habang nakatingin kay Khalid at Sylvester na nandito na pala at nakaupo na.

"Ayos ka lang ba, Kryshee?" Tanong sa akin ni Khalid na nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Sylvester na nasa tabi ko at nakatitig sa akin. At tumingin ako kay Khalid na napakurap pa at iniintay akong sumagot. Napatampal ako sa noo ko, ganun na ba kalalim ang isip ko at natutulala na ako?

"Y-yes, I'm fine" tumango-tangong sagot ko at tipid silang nginitian. Lumilipad na naman ang utak ko.

"Sigurado ka?" Paninigurado nya. Tumango lang ako at di na nagsalita.

"Mabuti naman at ayos ka lang. Pfft" nagsisimula na naman itong si Khalid. Natahimik naman agad s'ya nang tumikhim si Sylvester.

Sumisipol na tumingin na lang sya sa wrist watch, "wow, nice watch. Gwapo mo talaga, Khalid" napakurap ako sa kabaliwan ni Khalid.

"Tumigil ka nga, Khalid. Para kang baliw dyan"natatawang saway ko. Tumingin s'ya sa akin, "Hi, Kryshee. Pwede ko bang makilala yung anak mo?"nakangiting pakiusap nya habang nagpa-puppy eyes.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon