Chapter 18

2.4K 51 3
                                    


Chapter 18: I'm serious

Kryshee

Tumigil muna kami saglit ni Sylvie sa paglalakad habang iniisip ko kung saan posibleng pumunta si Sylvan. Bigla na lang kasi nawala kanina at nauna na maglakad. Pinasunod ko si Sylvie sa kambal nya pero dahil na rin siguro sa bilis maglakad ni Sylvan ay hindi naabutan ni Sylvie. Bigla daw nawala sa paningin nya ang kakambal.

Kaya naman ngayon ay sabay kaming naghahanap sa malawak na school na ito. Marami kaming nakakasalubong na mga estudyante na naglalabasan na sa kanilang room. Ayon kay Sylvie ay may early dismissal daw sila, di ko na lang inusisa kung anong meron.

"Mom" tawag sa akin ni Sylvie habang nakasakbit sa likod nya ang bag nya. Hawak ko naman ang bag ni Sylvan. Medyo magaan naman yung gamit nila. "Hmm?" I respond. Kinuha ko sa likod nya yung bag nya at sinukbit sa balikat ko.

Kanina kasi bago maghanap ay hindi pa pala nila nakukuha yung bags sa room nila. Kaya naman bumalik kami sa room para kuhanin ang mga gamit ng kambal bago magsimula maghanap.

"I think he went to his favorite place. It's in the garden" sabi ni Sylvie.

"Where is it?"

"Malapit lang po dito. Let me take you there, mommy" napatango na lang ako sa sinabi ni Sylvie at hinawakan sya sa kamay. Sylvie leads me the way papuntang garden.

Minsan lang kasi ako pumunta dito kaya hanggang ngayon namamangyan pa rin ako.

Ilang pasikot-sikot ang aming nadaanan. Sa may dulong bahagi pa ata iyon ng school. Sabi ni Sylvie, malapit lang? Ugh! Whatever. Naranasan ko din naman pumasok sa ganito kalaking school noon, mas malaki pa ata yung school na pinapasukan ko dati kesa dito. Kahit doon sa school na pinapasukan ko nung elementary, high school at college ay naliligaw pa rin ako.

Saan na ba kasi nagpupupunta yung batang yun? Hahapunin na naman ako, baka nangangati na ang singit ni Sylvester na magtanong kung anong ginagawa ko dito sa school. Napakagalante ng amo ko pero super protective. Daig pa ang ama ko eh.

"We're here" natauhan ako nang magsalita ang maliit na boses ni Sylvie. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.

Garden ba 'to?

Kasi naman, mukha syang garden na may palaruan ng mga bata. Parang tambayan talaga ng mga bata. May ilan din akong nakikitang bata na naglalaro. Para din itong park dahil sa nga benches, parang pinasadya talaga ito para sa mga elementary students.

Mula dito ay matatanawan mo pa rin ang mga estudyanteng sinusundo na ng mga magulang o ng yaya nila. Nasa likod na parte kasi itong garden na ito, at kitang kita pa rin yung mga estudyante na sinusundo sa may back gate kung saan malapit ang parking lot.

"Hanapin na natin ang kuya mo" sabi ko kay Sylvie at inayos ang pagkakasakbit ng bag ni Sylvie sa balikat ko.

"Mommy, are you okay? I can carry my bags naman eh" nagaalalang tanong ni Sylvie but I just smiled on her and ruin her hair.

"I'm completely fine. Let's go" I lied kahit medyo nabibigatan din ako. Dalawang bags kasi yung dala ko. Ang dami pa naman magdala ng gamit ng kambal, pati libro nila ay dinadala.

Habang naghahanap sa malawak na garden---na mukha namang playground na park---ay napahinto ako nang matanawan ko si Sylvan na nakaupo sa isa sa na bench doon.

Napangiti ako at napahinga ng maluwag pero sumikdo ang puso ko sa bilis sa hindi ko maintindihang dahilan noon. Binalewala ko iyon at tinawg agad ang anak ko. "Sylvan!!" Sigaw ko.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon