Chapter 22

2.5K 52 0
                                    


Chapter 22: Time Together

Kryshee

"So pumayag ka?" Tanong sa akin ni Jamie at humigop ng Zentea na dala sa amin ni Sylvester. Nandito pa rin kami sa ospital at hinihintay magising si Sylvan. Habang si Sylvester ay nagpaalam na aayusin ang kanyang condo na lilipatan namin.

Pagkagising ni Sylvan ay agad ko na din sasabihin na titira kami sa condo ni Sylvester kasama sya at aasikasuhin ko na ang mga gamit na dadalhin namin papunta doon.

Tumango ako, "Oo, anong magagawa ko? No choice din naman ako" sagot ko. Nagkibit-balikat naman siya, "sabagay tama ka"

Umismid ako, "ano na, Jamie?"nakataas ang kilay na tanong ko.

Kinunotan nya naman ako ng noo, " anong 'ano na?'" Tanong nya.

"Kailan mo plano magboyfriend. My ghad, Jamie. Hindi tayo pabata, gaga! Kung hindi ka talaga jowable, maghanap ka ng tali tapos magbigti ka na " talak ko sa kanya na ikinasimangot nya.

Sumama ang tingin nya sa akin, "kung ikaw kaya ang sakalin ko?" Asar na aniya na ikinahalakhak ko na naman. Tuwang-tuwa talaga ako kapag inaasar ko 'tong si Jamie. Ang pangit kasi ng mukha nya kapag nakasimangot. Chos!

" Partida naunahan pa kita magkaanak, plano mo ba talagang maging matandang dalaga na lang?" natatawang sabi ko. Paano ba naman kasi, one year lang naman ang gap namin sa isa't isa. Mas matanda sya sa akin pero mas nauna ang magka-anak.

"Wala ka din naman jowa ah? Patas lang tayo, lamang ka nga lang sa fact na may anak ka. Pero lamang ako ng sampong paligo kung pagandahan lang naman yan" mahangin na sabi nya at taas-noo pa sya, proud na proud sa sarili?

"Oh sige, buhatin mo pa ang sarili mong bangko" naiiling na sabi ko na lang. Bumuntong hininga na lamang ako nang muli ay nilamon ng katahimikan ang bawat sulok ng kwarto.

Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam dahil na rin sa kalungkatan at takot. Nakakalungkot isipin na nawala sa akin lahat. Naubos at nilamon lahat ng apoy ang lahat ng kagamitan. Salamat naman ay may ilan kaming damit at lahat ng mahahalagang dokumento ang naligtas.

Takot dahil muntikan nang mawala sa akin si Sylvan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang magpasalamat kay Sylvester. I really owe him everything. He saved my son's life for pete's sake, and he almost sacrifice his life just to save him. Kaya laking pasasalamat at utang na loob sa akin yun.

Sylvan is already fine, medyo nanghina lang sya sa nangyari at naubusan ng oxygen sa katawan. May kaunti din itong sugat at paso sa makinis at maputi nitong balat na nagamot din naman agad.

"He's fine now" sabi sa akin ni Jamie nang mapansin na nakatitig ako kay Sylvan. Tipid akong ngumiti at tumango, "I know"

Nagsimula ang apoy ayon kay Jamie sa likod ng bahay na nirerentahan namin. May bigla na lang daw sumiklab at kasunod noon ay paglaki ng apoy. Agad nilang sinalba ang ilang mga gamit ngunit naiwan si Sylvan sa kwarto na natutulog. Tsaka lamang iyon narealize ni Jamie nang makalabas sila mula sa nagliliyab na bahay. Panay naman ang iyak ni Sylvie sa nangyari ngunit kanina lamang ay mabilis na nakarecover sa nangyari.

Hindi ako nagalit o kung ano man kay Jamie dahil hindi naman nya iyon kasalanan. Napakasama kong tao na magalit sa isang taong malaki ang naitulong sa akin at sa mga anak ko.

"Kailangan ko pa bang bayaran ang lahat ng napinsalang mga bahay? Sa atin kasi nagsimula yung sunog eh." Sabi ko kay Jamie nang maalala ko ang lahat ng babayaran.

"Oo, ewan ko. Maaaring ilan sa pamilya na nasunugan ay may pangangailangan din at yung iba sisisihin ka sa nangyari. Kaya no choice ka din kundi bayaran mo yun" sagot nya.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon