Chapter 36

2.4K 59 38
                                    


Chapter 36: Advice

Kryshee

"Tahimik pero kakaiba magalit. He's a pretender, he looks so calm but he destroy someone's lives" seryosong sabi ni Ms. Ange, "He's unpredictable, di mo alam kung ano ang susunod nyang gagawin at misteryoso kase may itinatago"

Maya-maya ay ngumiti ito matapos sumimsim ng kape, "Bakit mo nga ba natanong sa akin si Sylvester? I thought you're his wife, hindi ba dapat kilala mo na sya at ang pagkatao nya?"

Binalot ng kaunting lungkot ang pagkatao ko sa sinabi nya at malungkot akong ngumiti, "Hindi nya ako asawa, hindi kami kasal" pag-amin ko.

Hinihintay ko s'yang magreact. Tinitigan ko siya pero imbis ay ngumiti lang ito, "Alam ko"

Napasinghap ako sa sinabi nya, "a-ano? P-paanong...?"

"Alam ko naman sadya, napapansin ko din kase na mag-asawa kayo pero bakit iba ang inyong kinikilos? Ang kilos nyo kasi ay relasyon na malabo at walang lebel. Ang kambal lang ang nagsisilbing ugnayan n'yo sa isa't isa. Pero kita naman sa mga mukha nyo na mahal nyo ang isa't isa"

Napatawa naman ako ng malamya sa kanya at walang emosyon, "Mahal ang isa't isa? Si Sylvester, mahal ako? Oo inaamin ko na mahal ko sya pero sya? Mahalin ako? Imposible, sa bibig na nya mismo nanggaling ang mga katagang 'hindi kita mahal at hinding-hindi kita mamahalin'"parang may tumarak ba kutsilyo sa puso ko nang maalala ko yung masasakit na salitang sinabi nya sa akin. Napayuko na lang ako at napasubo na lang ng strawberry na sinawsaw ko sa coconut water.

Pinamukha pa talaga nya sa akin na hindi nya ako mahal.

"At naniwala ka naman?"

Napatigalgal ako at umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin din sya sa akin at tinuon ang tingin sa tasa nya. "H-ha?"

"Mararamdaman mo din naman kung mahal ka nya o hindi, 'di ba? Hindi pag-aassume yun kung ramdam mo naman na mahal ka nya. Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit nya ginawa yun, kung bakit nya sinabi iyon?"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon