Chapter 39

1.4K 30 2
                                    


Chapter 39: Sylvestian

Kryshee

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa may balcony ng kwarto ni Sylvester. Hinarang ko ang kamay ko na derektang nasisikatan ng araw at nag-inat.

Kinapa ko ang kama sa tabihan upang malaman na wala na si Sylvester sa tabi ko. Nadismaya man ay tumayo na ako upang mag-ayos ng sarili.

Dahan-dahan akong bumaba dahil sa naririnig kong ingay sa kalagitnaan pa lamang ng pagbaba ko. Doon ay pinuntahan ko sila sa may living room at halos lahat ay nando-doon. Maliban sa mga babae.

Napalingon din ako sa may kitchen nang makarinig ng ingay doon, matitinis na tawa ng kababaihan at kalansing ng mga kubyertos at iba pang gamit sa kitchen ang aking naririnig.

Ang mga lalaki ay nasa living room at seryosong nag-uusap, habang si Sylvan ay abala sa pagbabasa habang nakapasak sa tainga ang earphones at si Sylvie na panay ang pa-cute sa cellphone.

Dumiretso ako sa kitchen upang hindi na istorbohin pa ang mga lalaki, doon ay nadatnan ko nga sina Ms. Ange at ang mga kaibigan ko na abala sa pagluluto, paghahain at paghahanda ng almusal.

"Good morning, Mrs. Montefiore" bati ni Ms. Ange na unang nakapansin sa presensya ko.

Lahat naman sila ay sabay na lumingon sa akin at kanya-kanyang bati habang abala pa din sa kanya-kanyang ginagawa.

"Gising na pala ang mahal na reyna" sabi ni Jamie na agang-aga ay nagsisimula na agad mang-asar.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa may stool sa may kitchen island. Nakakita ako ng cheese at napagdiskitahang papakin.

Napailing-iling sila at inagaw sa akin ni Scarlett ang bowl na naglalaman ng cheese, kaya nalukot ang mukha ko at sinamaan ko sya ng tingin, "Give me that"

Umiling sya, "Nope. Huwag ito, buntis. Bigyan na lang kita ng isang kahong cheese, gagamitin iyan sa pagluluto" sabi nya at inabot nga sa akin ang isang buong cheese na naka-kahon pa. Nagliwanag ang mukha ko at mabilis na binuksan iyon at nagsimula nang magpapak.

"Parang gusto ko ng orange juice," pagpaparinig ko habang hinihimas ang tyan ko.

"Magtigil ka, Kryshee. Wala pang laman ang tiyan mo ng pagkain ay magmamaasim ka na agad" parang nanay na saway ni Brythe. Kaya wala akong nagawa kung hindi makuntento sa pagkain ng cheese.

Nasa kalahati pa lang ako ng nakakain kong cheese nang ilapag nila isa-isa ang niluto nila.

Ang dami nila sa kusina pero ang niluto lang pala ay bacons, sizzling hotdogs, sunnyside up eggs, fried rice, and omelette with cheese. Naghain sila ng orange juice at apple juice tsaka tubig.

Ang dami din kasi nilang niluto kasi ang dami naming kakain. Saktong-sakto sa aming lahat pero sa haba ng table na ito dito sa dining room ay labis pa ang upuan ng lima para sa amin.

"Nagkausap na ba kayo ni Sylvester?" Tanong sa akin ni Ms. Ange habang abala din sa pag-aayos ng mga plato sa dining area.

Lumipat naman ako sa kanan katabi ng head ng dining table. Pinagmamasdan ko syang mag-ayos at tumutulong din naman.

"Oo, kagabi. Pero hindi nya pa din nasasabi ang plano nya at may sasabihin din daw sya ngayon na mahalaga at importante din" sagot ko.

"Kapag sinabi ni Mr. Montefiore na importante, importante talaga yun" sabi ni Ms. Ange. Humalumbaba naman ako, "Alam mo, mas lalo akong kinabahan sa sinabi mo. Huwag mo nga akong takutin, Ms. Ange"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon