Chapter 19: Gorgeous
Kryshee
Inayos ko na ang sarili bago ako bumaba ng hagdanan. Tanghali na nang ako ay magising. Linggo ngayon, kaya day off ko. Isang linggo na din ang nakakaraan simula nang mangyari ang lahat. Ang bilis ng mga pangyayari at nakakagulat din. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang isasagot ko sa sinabi ni Sylvester sa akin kahit nung isang linggo pa iyon. Tandang-tanda ko pa at tumatak talaga sa isip ko ang sinabi nya.
Sinabi ko na pag-iisipan ko sya bagama't may parte sa akin na pumayag ako ay pinili ko na lang na pag-isipan ko ito ng mabuti at nang wala akong pagsisisihan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kasi hindi ko talaga alam ang sagot dyan. Aish!
Pero sa isang linggo na iyon ay normal lang naman ang lahat. Nananatili ang pagiging clingy at flirty ni Sylvester sa akin. Pero kung pagod na pagod sya sa opisina ay nagiging masungit sya. Nare-realize ko na unti-unti ko nang nakikilala si Sylvester. Pero hindi pa lubusan. Ganun din siguro talaga ang nangyayari kung magkasama kayo sa iisang bahay.
Nakausap ko na din si Sylvan tungkol sa nangyari. Ayos lang naman daw pero alam ko na may pagtatampo sa akin yan. Nalaman ba naman na niloloko ko sila ng kapatid nya at pinagmukhang tanga na pinadadalhan sila kuno ng sulat ng ama nyang walang kaalam-alam na may anak sya, sinong hindi magagalit o magtatampo? Kaya nga ngayong araw ay kakausapin ko ulit si Sylvan at babawi ako sa kanila.
Dali-dali akong bumaba ng hagdanan. Pahakbang na ako sa huling baitang ng hagdanan bago tuluyang bumaba ay narinig ko ang boses ni Sylvester at Khalid na nagu-usap.
"May company dinner party tayo, Mr. Montefiore. Anong plano mo?" Rinig ko sabi ni Khalid.
"What do you mean?"
"Pfft. Alam mong pwede magdala ng date di ba? May ka-date ka ba?"nakakalokong tanong nito. Ito talagang si Khalid napakatsismoso. Konti na lang iisipin ko talaga na si tito Boy si Khalid eh.
"Wala. Tss"
"Talaga? Talagang-talaga?"
"Tigilan mo ako, Sandoval. Baka ipalunok ko sayo iyang tasa mo"
"Hahaha! kalma bess. Eh para ba kanino yung gown?" Tumatawang tanong nito.
"F-fvck you, Khalid! Baka may makarinig say---"
"No one can hear us except, Kryshee. Bakit? Sa kanya ba ito?"
Hindi ko narinig si Sylvester na nagsalita kaya sumilip ako para makita kung anong nangyayari. Ang hagdanan kasi ay nasa likod ng living room. Nagtatago ako kaya boses lang nila ang naririnig ko. Nakita ko si Sylvester na masama ang tingin kay Khalid at akmang bibigwasan sya.
Humlakhak naman si Khalid na nakaupo paharap sa dereksyon ko. Hindi na ako nagulat na nakita nya ako. Sumulyap lang sya sa akin at nginisihan ako bago tumingin kay Sylvester na nasa harap nya.
"High blood ka masyado, Mr. Montefiore."umiiling-iling na sambit ni Khalid. Umatras naman si Sylvester na nakatayo kanina sa harap ni Khalid. Bumuntong hininga ito at binagsak ang katawan sa couch na nakatalikod naman sa hagdanan. Kaya siguro di nya ako napansin.
Umeksena na ako sa kanila dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Kailangan ko pa mag-ayos at makita ang kambal. Tamang-tama naman na may kaunti pa akong pera para makapag-malling pa kami. Next week pa ang payday ko.
"Oh? Kryshee my friend! Good morning" nakangiting bati ng demonyong si Khalid. Minsan talaga yung ngiti nya nakakaasar. Lakas talaga ng tama ng isang 'to.
Sinamaan ko sya ng tingin, "anong good sa morning kung pagmumukha mo ang nakikita ko?" Pagsusungit ko at umingos sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sylvester nang akmang maglalakad ako pakusina.

BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...