Chapter 15

2.4K 53 2
                                    


Chapter 15:Unexpected

Kryshee

Hindi ako makapagsalita at nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi madigest ng utak at sistema ko ang pinagsasabi ng lalaking 'to. Palagi na lang nyang ginugulo. Palagi na lang nya akong ginugulat sa mga sinasabi nya.

"A-anong Mrs. Montefiore? Ha? A-Asawa ba kita?"nauutal na tanong ko nang matauhan.

Ngumisi na naman sya, "bakit, hindi ba? Eh kung umasta ka ay parang asawa kita" pang-aasar niya.

Bwisiiiitt!! Gumagana na naman ang kalokohan nya. Parang mas gugustuhin ko pang masungit sya kesa sa ganito sya.

"Tigilan mo nga ako." Mahinahong sabi ko nang mapakalma ang sarili. Nananatili pa rin ang sama ng tingin ko sa kanya dahil inis na inis na ako sa mga pinagsasabi nya. "Puntahan mo na yung babae mo. Nakakahiya naman, pinaghintay mo na" sarkastikong sabi ko at inirapan sya tsaka umiwas ng tingin.

"Pinaalis ko na sya"

Pakialam ko?

"Oh edi mag-ayos ka na at may trabaho ka pa" sabi ko na lang.

Sumandal naman sa may island counter si Sylvester at ang lakas lang naman makamodel sa postura nya. Naka-topless lang naman sya with his boxer shorts at walang habas na ibalandra ang katawan kung makasandal sa island counter. Halata pang bagong gising kaya dumagdag sa kagwapuhan nya ang mapungay na mata at magulong itim na buhok nya.

Kaya naman umagang-umaga pa lamang ay nag-iinit na.

"Done staring at me?" Nagulat ako nang magsalita sya at mabilis na umangat ang tingin sa mukha nya.

Nagulat ako nang makitang nakatingin din sya sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa kahihiyan.

"A-anong--- hoy! Hindi ah! Kapal ng mukha" nag-iinit ang pisnging pagkaila ko.

Nahuli pa ako, amp.

Ganun ba ako katagal tumitig at napansin nya na talaga? Pakshet nakakahiya!

Tumalikod ako sa kanya upang hindi mapansin ang pamumula ko at kumuha na lamang ng tubig tsaka uminom. Nanuyo bigla ang lalamunan ko eh.

"You know, Kryshee---my gorgeous and hot maid. It's okay to look at my body, it's free to touch it and whatever you want. Because someday you will also taste it" rinig ko ang pang-aasar sa sinabi nya kaya naman pigil na pigil ko ang aarili ko na sabunutan sya!

"Ang kapal ng mukha mo!" Singhal ko ang ngumiwi. Someday-someday my foot.

He just chuckle and shook his head. He's handsome with that gestures though.

"Hahaha! I really like you face whenever I teases you. It's epic!" Tumatawang aniya at kasunod noon ay ang paghalakhak nya.

Napasimangot ako sa sinabi nya at nilayasan sya. Dumeretso ako sa may living room at umupo sa may couch. Binuhay ko ang tv at naka-cross arms na nanood.

Naalala ko tuloy yung paghalakhak nya kanina na animo'y nakakakiliti. He's more handsome when he laugh than I expected. Di ko maiwasan ang mapangiti. Naalala ko tuloy si Sylvan, he really looks like his father. At parehas din ng ugali. Now I know kung bakit minsan ay makulit si Sylvan at minsan naman ay napakatahimik tsaka sobrang sungit.

Ilang araw pa lang ako sa bahay na ito ay napakadami nang happenings. May nalaman din ako sa kanya na hindi nalalaman ng iba. Katula ngayon, he's a well-known a very snob and strict business man. Pero sa nakikita ko, kapag sa bahay lang sya ay hindi naman sya sobrang strict at snob. MALANDI LANG TALAGA.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon