Chapter 32

2.3K 50 18
                                    

NOT EDITED

Chapter 32: Always be my honey

Kryshee

Nagising ako nang may maamoy ako na mabangong aroma ng gatas at pancake. Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ko ang paningin sa buong paligid.

Unti-unting nanlalaki ang mata ko habang nagsi-sink in sa utak ko kung nasaan ako. Nalanghap ko ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko maging ang sinag ng araw na pumapasok sa nakabukas na sliding door ng veranda. Napaawang ang labi ko ko nang matanawan ko ang mapuputing buhangin at ang asul na asul na dagat mula dito sa kwarto na kinaroroonan ko.

Bumaba ang tingin ko sa sarili ko at nakadamit naman ako. Ang tanong, Nasaan ako?!

Anong ginagawa ko sa lugar na 'to? Nasaan ang kambal?!

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng konting pagsakit doon. Ano ba yung pinainom sa akin ni Khalid, yun lang ang huling naaalala ko bago ako mawalan ng malay.

Agad akong kumilos at nagmamadali na bumaba sa kama pero bago mangyari yun ay natigilan ako nang makita ko na nakapatong sa bedside table ang kanina ko pang naaamoy na pancake at umuusok pang gatas. Napakagat ako sa labi at imbis na sunggaban iyon ay hinanap ko ang cellphone ko.

"Nasaan na ba kasi yun? Damn it! Where the fvck am I? Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?" Nanginginig na tanong ko sa sarili habang ang kamay at mga mata ko ay abala sa paghahalungkat. Maging ang mga kamay ko ay nanginginig din dahil sa pagpapanic.

Binuksan ko ang cabinet na nandidito pero kahit anino ng cellphone ko ay wala!

Napasabunot ako sa buhok ko at tumakbo papunta sa veranda kung saan tanaw na tanaw ang asul na dagat. Nilibot ko ang paningin ko para sana humingi ng tulong at magtanong pero kahit isa ay wala akong nakita.

"Damn it!" I cursed again, with all my frustration I kicked the railing of this veranda.

Halos maluha-luha at puno ng puno ng dismaya na bumalik ako sa pagkakaupo, hinang hina habang nakatanaw sa asul na dagat. Kahit anong ganda ng tanawin na nakikita ko, napakadaming tanong ang nasa isip ko. Punong-puno na pag-alala ang puso ko kung nasaan ako at ang kambal?

"Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?!" I asked myself as if I can also answer my own question.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at natigilan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Narinig ko ang mabibigat na yabang papalapit sa dereksyon ko.

Hindi pa man sya nakakalapit ay kilalang-kilala ko na ang amoy na iyon. Nakagat ko ang labi upang pigilan ang emosyon ko at pinikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili, "Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" Kalmadong tanong ko sa kanya.

Tumigil ito sa paglapit sa akin at tila nagulat sa tanong ko, "Sagutin mo ako, Sylvester" Madiin na dagdag ko pa at lumingon sa kanya habang malamig ang titig.

Nanigas ito sa kinatatayuan at tila nagulat sa sinabi ko. Maya-maya ay naguguluhan na tumingin sya sa mga mata ko at bumuntong hininga, "Eat your breakfast" imbis ay sagot nyo.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon