Chapter 4

2.6K 56 1
                                    


Chapter 4: Bonding Time

Kryshee

Paalis na sana ako ng condo ni Sylvester nang tawagin nya ako. Kaya napatigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatayo at nakatalikod sa kanila. Hawak ko na ang door knob ng pinto nang tawagin nya ako.

Kasunod noon ay naramdaman ko ang papalapit na presensya ni Sylvester kaya huminga ako ng malalim at pumihit paharap sa kanya. Pagkaharap ko ay nakatayo sya sa harap ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong phone tsaka nagtatakang tinignan siya. "Bakit, master?" Sarkastikong tanong ko.

Inabot nya sa akin ang cellphone bago nagsalita, "put your number here." Utos nya kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang kuhanin ang cellphone sa kamay nya tsaka binuksan. Natigilan ako nang makitang may password ang cellphone nito kaya binalik ko sa kanya ang phone na ikinataka nya.

"May password" tipid na sabi ko. Kinuha nya ang cellphone nya sa akin at nag-type ng password sa cellphone nya. May pinagpipindot pa sya at kinalikot bago nya ibigay ulit sakin ang cellphone nya. Kinuha ko naman ulit yun at nakitang nasa nilagay nya sa may phone book app ito. Agad kong tinype ang number ko sa pagmamadali na baka mahuli na ako sa pagsundo sa kambal kahit huli na talaga. Nang ma-type ang number ay binalik ko na ulit sa kanya ang cellphone nya.

"Sige, alis na ako, master. Baka bukas pa ako makabalik at magsimula ng trabaho. Bye!" Paalam ko at agad na lumabas ng condo nang hindi hinihintay ang pagsagot nya.

***

"Kuya, dito na lang po. Salamat" sabi ko sa manong driver ng tricycle nang tumigil ito sa tapat ng school. Inabot ko ang 20 pesos kong pera bago bumaba ng sasakyan.

Nang maka-alis na ang tricycle ay agad kong inayos ang damit at buhok ko para kahit paano ay maayos ang itsura ko at hindi haggard. Katakutan pa ako ng mga bata dito. Nang matapos mag-ayos ng sarili ay agad kong tinahak ang daan papunta sa may gate. Bumaba kasi ako ng tricycle, ilang metro ang layo mula sa school. Nang makarating ako sa may gate ay nakita ko ang kambal na naghihintay. Katabi lang kasi ng gate ay ang waiting shed.

Kasama nila na naghihintay ang ilang mga bata na wala pang sundo. Naalala kong sinabi ko nga pala sa kambal na si tita Jamie nya ang susundo sa kanila. Hindi ko naman nasabi agad kay Jamie ang tungkol doon dahil bukod sa low battery na ako noon ay nakalimutan ko pa sabihin. Tsaka okay na din na hindi ko nasabi para kahit man lang ngayon ay masundo ko sila. Lumapit na agad ako sa kanila at hindi pa ako masyado nakakalapit nang makita nila ako. Nanlaki ang mata ni Sylvie tsaka tumakbo sa akin habang nakasakbit pa rin sa balikat nito ang bag nito. "Mommy!" Sigaw nito nang makalapit sa akin tsaka niyakap ako.

Natawa naman ako at binuhat ang anak kong babae, "hey, baby. How are you?" Malambing na tanong ko habang pinupunasan ang noo nya na may kaunting pawis dahil na rin sa banas at inip kakahintay sa waiting shed. "It's fine, mommy. I'm still the highest in recitation!" Masayang sagot nya tsaka kaya natawa ako at ginulo ang buhok nya. "Very good!"

Nabaling naman ang atensyon ko sa binata ko na naglalakad papalapit sa amin. Walang emosyon ang kulay asul nitong mata at magulo na kulay itim nitong buhok. "Hey, Sylvan. What's with that hair, huh?" Pagtataray ko pero ngumuso lang sya kaya pinanggigilan ko ang pisngi nya. "I'm just kidding, baby. Your so handsome with that look, though. Anyway, how are you? How's school?" Tanong ko at binaba muna si Sylvie.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon