Chapter 25

2.4K 65 5
                                    


Chapter 25: Territory

Kryshee

"Hey, are you okay?" Bungad na tanong sa akin ni Sylvester nang makalapit ako sa kanila.

Binati ako ng kambal at hinalikan sa pisngi bago umakyat sa taas upang magbihis. Naiwan kaming dalawa dito ni Sylvester sa may pintuan at nakatitig lang sa isa't isa, walang nagsasalita at parehong nabibingi sa katahimikan.

I sigh at ako na ang umiwas ng tingin nang hawakan nya ang noo ko na basa pa rin pala ng pawis, "are you tired?" Pambabasag nya sa katahimikan habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.

Tumungo ako at umiling, "a-ayos lang ako" sagot ko na hindi tumitingin sa mga mata nya.

"Are you sure?" Paninigurado nya habang pilit na hinuhuli ang tingin ko kaya nailang naman ako at lalong umiwas ng tingin. Agad nyang hinawakan yung baba ko at inangat ito tsaka ako deretsong tinignan sa mata.

"Uhm.."

He smiled, "okay"

Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan nya ako at dumeretso sa living room upang maupo.

Sinundan ko sya, "hindi ka pa ba magbibihis?" Tanong ko nang makalapit sa kanya.

"Nah, I'm freaking tired" pumikit ito at sinandal ang likod sa may couch na kinauupuan.

"Bakit ang aga mo nga pala ngayon" tanong ko ulit sa kanya at umupo sa may single sofa. Hindi ko na naman mapigilan ang mapaisip tungkol sa panaginip ko kanina. Tila nawala ako sa sarili sa lalim ng iniisip ko, nakakapangilabot. Nakakatakot na panaginip, napabuntong hininga ako.

"Sinundo ko lang ang mga bata, but I feel so fvcking tired to come back to the company" hindi ko na naintindihan ang sinabi nya sa lalim ng iniisip ko. Nakatingin lang ako sa kawalan sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi ako nakatugon sa sinabi ni Sylvester dahil sa lutang nga ako.

"Kryshee"

I sigh, why does that girl doing in my dreams? Anong kinalaman nya sa akin at napanaginipan ko sya?

"Kryshee..."

Hindi ko maiwasan ang mabahala, I don't know pero sa loob ko kailangan kong seryosohin ang pinagsasabing babaeng yun simula noong una naming pagkikita hanggang sa panaginip ko. Hindi ko din kasi maiwasan ang mag-alala para sa mga anak ko at kay Sylvester. Ano bang ginawa namin at pinagbantaan kami ng babaeng yun? Baliw ba sya? Psh! Napahilamos ako ng mukha sa frustasyon.

"Hey! Kryshee!" 

Napatunghay ako at mabilis na tumingin kay Sylvester na may bahid ng gulat at pagtataka sa mukha, "H-ha?" Wala sa sariling usal ko.

Kumunot ang noo nya at ang mga mata nito ay nagtatanong, "are you sure you're okay? Something's bothering you?" Tanong nya.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon