Chapter 40

1.4K 31 6
                                    


Chapter 40: Revelations

Third Person's

Natapos ang tanghalian ng maayos, ngunit si Kryshee ay simula nang malaman ang sinabi ni Sylvan ay nanatili itong tahimik hanggang sa matapos silang kumain. Walang sinuman ang nagtangkang kumausap sa kanya dahil sa tulala at madilim na awra nito.

Si Sylvester ay paminsan-minsang sumusulyap kay Kryshee at napag-isip-isip na ito na nga ang pagkakataon na sabihin ang lahat. Kinakabahan sya nankg mga oras na iyon lalo na nang matapos sila kumain, nagkatinginan sila ng kambal na si Sylvestian na parehong kinakabahan nang biglang tumayo si Kryshee at walang emosyon na tinignan silang dalawa.

"Mag-uusap tayo" madiin na sabi nito sa kanila.

Napabuga ng hangin si Sylvester ngunit nanatili pa din ang kaba sa dibdib nya at wala sa sariling napamura.

Walang nagawa ang kambal kung hindi ang sumunod kay Kryshee. Nakarating sila sa may garden ng mansion, mayroon doong round table at doon sila pinaupo sa upuan doon. Habang si Kryshee ay walang emosyon na nakatayo sa harap nila.

"Ano iyong sinasabi ni Sylvan? What does he mean?" Tanong nito. There's an eagerness in Kryshee's voice that she want to know about their plans. She want to fullfil her curiosity. At kung hindi iyon masasagot sa lahat ng katanungan nya ay hinding-hindi hahayaan ni Kryshee na hindi nya iyon malalaman. Unless, despite of her condition, she will be the one who will look for answers.

"Kryshee, look..." Sylvester was about to answer.

"It's all about Shane, right? Ano na naman kagaguhan ang ginawa ng babaeng iyon?!" Hindi mapigilan na asik nito sa dalawa. Nag-alala naman si Sylvester sa biglang pagsigaw nito. He stand up and tried to calm her down. Hinaplos nito ang balikat at panay ang bulong na kumalma.

She shouldn't stress herself, kaya kahit naghihimagsik ang puso sa galit ay minabuti nyang ikalma ang sarili.

Si Sylvestian ay napapangiwi na lamang at ito na ang nagpanimula.

"We had a relationship about six years ago?" Napaisip pa ito at bumuntong hininga, "I have never been faithful to her, I was a jerk. Kahit alam kong may girlfriend ako patuloy pa rin ako sa kalokohan ko, sa pambabae ko. Hindi ko sya sineryoso. Until my father told me about arrange marriage of Sylvester and Shane. It's okay with me, kasi wala naman akong nararamdaman sa kanya. I was just playing with her---"

"What the fvck?"

Napalingon silang tatlo sa pinagmulan ng boses na iyon, at nandodoon ay ang gulat na gulat na reaksyon ng anim, si Khalid, Dylan, Axon, Clyde, Denver and Lux.

Napaismid si Kryshee nang maglapitan ang anim na kalalakihan at may kanya-kanyang hila ng upuan, si Dylan, Axon, Lux at Denver ay kanya-kanyang dala ng plastic na upuan at nakibilog sa round table na kinapu-pwestohan nila. Habang ang dalawa sa walang hiyang si Khalid at Clyde at tamang kuha lang ng mabigat na bench sa isang sulok ng hardin, hindi alintana ang bigat ng bakal na bench at pinagtulungan nilang dalawa na buhatin iyon at nakisali din sa bilog.

Napabuntong hininga naman parehas si Sylvester at Kryshee na magkatabing nakatayo.

Tinitigan ni Sylvester ang mga kaibigan na napapailing, wala na talagang pag-asa ang mga kaibigan nya. Kahit sa seryosong bagay ay nagmumukhang kagaguhan kahit sa simpleng kilos o galaw nila.

Sylvester cleared his throat and look at Sylvestian, he give him a signal to continue on what he was talking about that was interrupted by his hopeless friends.

Nag-aalangan man ay pinagpatuloy ni Sylvestian ang pagku-kuwento. Batid nyang kailangan na din naman malaman ng mga kaibigan ni Sylvester---na kaibigan din naman nya actually---ang tungkol sa kanila ni Shane at tungkol sa plano, paghihiganti at sa lahat ng impormasyong nakalap nya.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon