Chapter 37

1.4K 30 4
                                    


Chapter 37: Love

Kryshee

"The Battle of The Bands will start after a few minutes" anunsyo ng emcee at kasunod noon ay ang pagdagundong ng malakas na hiyawan na talaga namang nakakapagyananig ng venue na ito. Kahit siguro sa kabilang isla ay abot ang lakas ng hiyawan.

Ang iba kase ay lasing at may tama na ng alak. Karamihan sa kanila ay fan girls/fan boys ng mga bandang sumasali. Pero nasisiguro kong ninety percent of fans na nandito ay sa banda nina Sylvester.

Iniisip ko pa lang ay ang naisip nilang band name ay napapailing na lang ako. Napabuntong hininga ako, wala na talaga silang pag-asa.

"Kailangan ba talagang hating gabi na ang simula nito?" Rinig kong tanong ni Scarlett kay Ms. Ange na busy sa pagdutdot ng cellphone nya at may tinatawagan. Chine-check nya kung okay na ang lahat para sa mangyayaring event ngayon na ilang minuto na lang ay magsisimula na.

"Yeah?" Napaangat ang tingin nya sa amin bago sumagot sa tanong ni Scarlett. "I don't know. Hindi naman kasi ako mismo ang organizer nito. Plus, hindi din ako ang may pakana ng event na ito."natatawang sagot nito.

Napalingon naman kami kay Sylvester na iritado at kunot na kunot ang noo na lumabas sa may backstage. Nakapwesto kami sa may bar counter at malapit lang sa entrance ng backstage. Malapit din kami sa may stage, sa may bandang tagiliran. Kaya kitang-kita namin kung sino ang naglalabas-pasok sa backstage, at kasunod nga ng kalalabas lang ng iritadong Sylvester ay ang tatawa-tawang kabanda nito.

Awtomatikong napataas ang kilay ko nang dire-diretso ang mga ito na lumapit sa pwesto namin.

"Anong ginagawa n'yo dito? 'Di ba dapat nasa dressing room ninyo kayo at nagpa-practice?" Bungad na tanong ko sa kanila nang makalapit sila.

"Damn so loud" reklamo ng magaling na Sylvester.

"Ang sabihin mo, inatake ka na naman ng pagiging wirdo mo. Lahat na lang napansin mo,ano na naman bang problema mo?"
"Ahh 'mo' pfft" sabat ng tatawa-tawang Khalid. Agad naman syang napaiwas ng tingin nang tinignan ko sya ng masama.

"Nothing. Naiinip lang ako,you know that I'm impatient" sagot nito pero pinanliitan ko sya ng mata. Napatingin sya sa akin at maya-maya ay bumuntong hininga.

"Fine!"

"What?"

"C-can I have a goodluck kiss from you?" Matapos nitong sabihin yun ay umiwas ito ng tingin at kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito lalo na ang tenga nito.

Para akong natulos sa kinatatayuan ko habang nararamdaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko at ang pag-init ng pisngi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na natitigalgalang nakatitig sa kanya.

Kasunod noon ay ang sigawan ng anim na lalaking mga taong tabon at ang paghagikhik ng mga babaeng kasama ko pati ang walang imik na kambal na para bang bored na bored na pinapanood kaming dalawa ng daddy nila. Humihigop pa ang dalawa ng juice kaya walang imik, para lang nanunuod ng pelikula ang kambal. Tsk.

"Tsk. Weak"nakangising sabat ni Sylvan at nahihimigan ang pang-aasar sa tono ng boses nito.

"A-ano?" Para akong nakalutang ay napaawang na lang ang labi ko sa biglang pagtatanong n'ya nun.

"Can I get a kiss from you? Just a goodluck kiss" paguulit nya ngunit hindi sya makatingin ng deretso.

Kinalma ko ang sarili ko at hindi maiwasan ang mapatingin sa likod ni Sylvester, nandoon ang anim na pigil na pigil ang tawa.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon