Chapter 13

2.4K 53 0
                                    


Chapter 13: Jealous

Kryshee

Nagsimula na kaming kumain matapos ang pang-aasar ni Khalid kay Sylvester. Buti na lang ay inawat na sila ni Mrs. Montefiore, kung hindi ay baka abutin pa kami siyam-siyam bago makakain.

Pag-aaway muna ang inuuna at hindi pagkain.

Nakaupo ako sa hapagkainan kasabay ang mommy ni Sylvester hindi dahil ginusto ko. Napilitan lang ako! Napasubo ako sa sinabi ni Sylvester na girlfriend nya ako. Hindi ako pwede maging kontrabida dito, dahil lagot ako sa boss ko--- which is si Sylvester kapag tumanggi ako.

"How are you, Sylvester?"biglang tanong ni Mrs. Montefiore.

"Great as always" bored na sagot nito kaya napatingin ako kay Mrs. Montefiore upang tignan ang reaction nya sa inasta ng anak.

Tumaas ang kilay nito, "ahh sh*t" napatingin ako kay Sylvester na dumaing sa sakit at tinignan ang ina. "Masakit, mom!" Reklamo nito.

"Umayos ka sa pagsagot, Sylvester" banta nito na masama ang tingin. Uhmm... tingin ko sinipa nya si Sylvester.

Bahagya naman akong nagulat ng bumaling sya sa akin at matamis na ngumiti. "I'm so sorry sa inasta nya, Kryshee. I think you're used to him na, right?"

Wala sa sariling tumango na lang ako. "Y-yes. Of course" nahihiyang sagot ko na lang at tinuon ang atensyon sa pagkain.

Ano ba naman 'to Kryshee. Ang awkward buset. Ang dapat talagang sisihin dito ay si Khalid at si Sylvester eh! Pahamak ang nga hinayupak!

"By the way, why are you here, Khalid?" Tanong ng ginang kay Khalid.

Napanguso naman si Khalid sa tanong ng ginang, "bawal na ba ako dito, tita?"

"May sinabi ba ako na bawal ka dito?"

"Sabi ko nga pwede ako dito eh" kamot-ulo at napapahiyang sabi ni Khalid.

"Tss" si Sylvester nagreact.

"Answer my question, Khalid" impatient na sabi nito kay Khalid.

"Wala lang. I heard that dito kayo magdi-dinner so dito na din ako magdi-dinner. Para naman masilayan nyo ang kagwapuhan ng inaanak nyo. Ayos ba, tita?" Mayabang na sagot ni Khalid at pinagalaw pa ang kilay nito.

Gusto ko mang umangal sa kahanginan ni Khalid ay di ko na ginawa.

"Hanggang kailan mo ba ipagdidiinan na gwapo ka. Come on, Khalid. Grow up!" Pang-aasar ni Sylvester kaya natawa ako

"Savage amp!"

"Kamusta naman ang kompanya nyo?" Pang-iiba ng usapan ni Mrs. Montefiore.

"Okay na okay, tita! Kaso nga lang medyo madami din ang schedule ni Sylvester kaya naman busy din si Sylvester at ako" si Khalid na ang sumagot tutal madaldal naman sya.

Tumango-tango ang ginang at binalot kami ng katahimikan maya naman nagpatuloy na si Khalid na kumain kaya sumabay na lang ako sa kanya.

"How's the business in U.S,mom?" Tanong ni Sylvester.

"It's doing fine. Your dad is busy managing that so no need to worry." Anito na ikinatango na lang ni Sylvester.

"Hey! You don't even ask me if I am fine or how am I. Pinalaki ba kitang ganyan, ha? Sylvester?" Mataray na dugtong nito.

"Tss. I did! Kanina sa phone. Didn't you remember?" Inis na sagot nito.

Napaisip naman ang ginang at napatango din agad "Oh yah! I remember. Pero you should ask me again in personal. Tsk how rude?"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon