Chapter 6

2.5K 57 1
                                    


Hey, This chapter is dedicated to my classmate/best friends in school. Hello to Cleta, Faith, Nicole, Dae, Denise and Cyrene! Oh ayan! Nabati ko na kayo, para sa inyo chapter na 'to.

-PsychoticXWriter

Chapter 6: First Day of Maid

Kryshee

Binayaran ko ang tricycle driver nang makababa ako ilang metro ang layo mula sa may condominium building. Nakasukbit sa balikat ko ang travelling bag ko habang hawak ko naman ang isa pa.

Naglakad na ako papunta sa may building. Hindi pa ako nakapag-almusal kakamadali ko na makapunta dito. Kanina kasi ang payapa ng tulog ko nang tumunog na ng tumunog ang cellphone ko. Hindi pa ako nakapag-paalam ng ayos sa mga anak ko dahil sa kagagawan ng Sylvester na yan. Nako! Kapag nainis talaga ako ng bongga sa lalaking yun, papakain ko sa kanya ang cellphone nyang hunghang sya.

Madami din pala ang damit na naidala ko dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng dala kong travelling bag. Wala naman kasi akong maleta, naipagbenta ko na yun nang mawalan ako ng pera pambili ng gatas at diaper ng mga anak ko. Maging ang mamahalin na damit ay naibenta ko na din nang magsimula akong maghirap. Hindi ko naman naisalba ang kompanya noon dahil di ako nakapagtapos ng pag-aaral. Sad life.

Tumigil ako sa may tapat ng condominium building at agad kong binuksan ang cellphone ko. Habang hinihintay na magbukas ay pinagmasdan ko ang paligid. Napatingala ako sa taas ng building na ito. Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng traffic sa Pilipinas. Kaya umiinit ang temperatura ng Pilipinas, puro usok na ang hangin kaya numinipis ang ultra violet ng mundo. Oh di ba! Kahit papaano may natutunan ako noong elementary at high school ako.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at halos lumuwa ang mata ko sa sobrang daming messages and calls. Galing lang naman yun sa iisang tao at iyon ay si Sylvester. Oo! Sa loob ng kaunting oras na pagbyahe ko mula nang pinatay ko ang cellphone ko ay umabot ng 87 messages and 59 missed calls. Ang lupet ng load nya ah? Unlimited?

Hindi ko na tiningnan ang inuulan kong messages. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang magring ulit ito. Nalukot ang mukha ko nang makita ang caller's ID.

Sylvester's Calling...

Napabuga na lang ako ng hangin tsaka napagpasyahan na sagutin ang tawag nya. "He--"

"Oh good heavens! Thanks to God for answering my call! Damn it, Kryshee?! Why did you turn off your phone?" Iritang sigaw nya sa akin kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. Kunot noo ko itong tinignan tsaka binalik ulit sa tenga ko.

"Huminahon ka nga, master! Ano ba? Di ba sabi ko kahapon, bukas ako papasok ng trabaho? It means na ngayon ako magsisimula" sabi ko habang naglalakad papasok sa loob ng condominium.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon